Bela Padilla answers questions about the "tension" between her and Marian Rivera on the set of Endless Love

Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg"> Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg"> Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg">

Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg"> Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg"> Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg"> Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg">

IMAGE 0


"Hindi kami talaga nag-uusap outside ng trabaho. We haven't had the chance na magkausap. Siguro huwag muna ngayon dahil it's still hot. Ang mga issues, hot pa. Ako naman, when I work, work ako talaga at hindi ko inisip na magkakaroon ng ganitong issues," says Bela Padilla about Endless Love co-star Marian Rivera (inset).


Isang pocket interview ang ibinigay ng GMA Artist Center for Bela Padilla sa Souvenir Room ng GMA Network Center annex building kahapon, August 31.

Gusto kasing linawin ni Bela ang mga lumabas na reports, at ang iba'y blind item na alam mo namang siya ang tinutukoy, tungkol sa kanila ng co-star niya sa Endless Love na si Marian Rivera.

BOTHERED BY REPORTS. Inamin ni Bela na "bothered" siya sa mga nabasa niya sa tabloids at sa Internet na nagalit daw sa kanya si Marian dahil kapag may eksenang magkayakap sila ni Dingdong Dantes ay idinidikit nito ang breasts niya sa aktor. Si Dingdong ang boyfriend ni Marian.

"Hindi ko po alam kung saan nanggaling ang balitang iyon," sabi ni Bela. "But how can you hug a person without touching him?

"Ako naman po, ginagawa ko lang kung ano ang utos sa akin nina Direk Mac Alejandre at Direk Andoy Ranay.

"Minsan nga kapag nakikita nilang parang naaalangan ako, sinasabi nilang yakapin ko si Dingdong.

"Hindi naman kasi kami bago lang nagkakakilala sa story, fiancée ako ni Johnny at malapit na kaming ikasal." Si Johnny ay ang karakter ni Dingdong.

Sa pag-admit ni Bela, "Pero kung ako rin 'yon, magseselos din ako kung may ganoon talaga. Pero wala naman po.

"And I'm just playing what the role asks of me. Kaya naman after ng aming take, lumalayo na ako kay Dingdong. Hindi na ako nakikipag-usap sa kanya."

Sa palagay ba ni Bela ay puwedeng ma-in love sa kanya si Dingdong?

"I don't think of Dingdong like that," sagot ni Bela. "I think of him as a big brother to me. He's 30 and I'm only 19.

"And I know he will not show special interest on me dahil nga may girlfriend na siya.

"Hindi rin kami nag-uusap ni Dingdong kundi kapag magkaeksena lang kami. Pagkatapos no'n, kanya-kanya na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kami po sa set, seryoso sa mga ginagawa namin, siguro dahil very dramatic ang mga eksena, kaya pinag-aaralan ko lagi ang susunod kong eksena.

"Lalo naman po si Dennis [Trillo], talagang napakatahimik lang niya lagi sa set," kuwento niya.

Bakit daw ang tawag niya kay Marian ay "Ate Yan," pero kay Dingdong ay "Dingdong" lang?

"Parang sinunod ko lang noong una kaming magkasama ni Ate Yan sa movie namin na You To Me Are Everything na ate ko siya sa story. Si Dingdong, ganoon lang talaga ang tawag ko sa kanya noon pa.

"At ginagawa pa namin 'yong movie, sinabi na nila sa akin na kasama ako sa Endless Love. Thankful ako pero hindi ko in-expect na ang role pala ni Yumi, ang girlfriend ni Johnny sa story, ang role na ibibigay nila sa akin."

TENSION ON THE SET. May issue rin na "kinuwelyuhan" daw siya ni Marian dahil nagseselos nga ito sa kanya. Totoo ba ito?

"She didn't do anything physical to me," tanggi ni Bela.

"I'm okay naman with her. Wala pa rin naman akong nakaaway kahit noong bata pa ako.

"Siguro mga three or four times lang kaming nagkasama sa eksena ni Ate Yan dahil we work in different units.

"Ako, madalas sa unit ni Direk Andoy Ranay, sila ni Dingdong sa unit ni Direk Mac."

Hindi ba sila nag-effort na magkausap-usap?

"Hindi kami talaga nag-uusap outside ng trabaho," sabi ni Bela. "We haven't had the chance na magkausap.

"Siguro huwag muna ngayon dahil it's still hot. Ang mga issues, hot pa.

"Ako naman, when I work, work ako talaga, at hindi ko inisip na magkakaroon ng ganitong issues."

Nararamdaman ba niyang may tension sa set?

"Siguro po, kung may tension man, tahimik lang kaming lahat at nagtatrabaho lang, lalo na kung mabibigat ang eksenang kukunan sa amin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Siya ba ay may nararamdamang tension sa kanyang sarili sa nangyayari?

"Wala po naman," sagot ni Bela. "My conscience is clear, wala akong nararamdamang bigat sa dibdib.

"I hope we can still work peacefully. Idol ko si Ate Yan, she's a good actress, and sana nga ma-achieve ko ang mga narating na niya.

"Ayaw ko na rin pong mag-comment dahil magkakasama kami sa show. Ang success nito, kasama rin ako."

ROBIN & MARIEL. Tinanong din si Bela tungkol sa tito niyang si Robin Padilla. Totoo bang kasal na ang Tito Robin niya at si Mariel Rodriguez?

"Hindi po," mabilis na sagot ni Bela. "Ako na ang nagsasabi na hindi pa sila kasal kasi magkakasama kami noong isang araw lang.

"Nasa Camsur ngayon si Tito Robin, kasama niya ang mga anak niya. Hindi ko lang alam kung kasama si Mariel."

Totoo bang pinababayaan ni Robin ang mga anak niya, particularly ang bunsong si Ali?

"Not true po. Kita namin kung gaano kamahal ni Tito Robin ang mga anak niya.

"Kung kami po na mga pamangkin lang niya ay ibinibigay ang lahat na gusto namin, sa mga anak pa kaya niya hindi niya gagawin iyon?

"Si Ali po nag-ie-enjoy talaga dito sa Pilipinas. Tiyak pong malulungkot 'yon kapag dinala na siya ni Tito Robin sa Australia."

BINIBINING PILIPINAS. Sa ibang topic naman, sinabi ni Bela na balak niyang sumali sa Binibining Pilipinas.

"Yes, po, it's one of my dreams," sagot ng 19-year-old actress.

"Paghahandaan ko po ito, pero kung totoong maraming taga-GMA ang sasali, baka sa susunod na taon na ako mag-join.

"Hangang-hanga ako kay Venus Raj, at nang pinapanood ko siya during the [Miss Universe] pageant, ang feeling ko, ako 'yong nasa Mandalay Bay sa Las Vegas."

Bukod sa Endless Love, napapanood din si Bela sa Party Pilipinas every other Sunday. Kasama rin daw siya sa Team A ni Direk Mark Reyes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg"> Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg"> Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg">


Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg"> Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg"> Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg"> Endless Love" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23085/bela-padilla-answers-questions-about-the-tension-between-her-and-marian-rivera-on-the-set-of-endless" data-desc="Ang usap-usapan ay nagalit daw kay Bela si Marian dahil kapag may mga eksenang magkayakap sina Bela at Dingdong Dantes ay idinidikit daw ng baguhang artista ang" data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/ffe4dab4c.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN