Paolo Bediones says "no regrets" on TV5 transfer

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23087/paolo-bediones-says-no-regrets-on-tv5-transfer--" data-desc="The ex-Survivor Philippines host wants to instill more value on local news programs." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/1ed2c1c69.jpg">

IMAGE 0

"My work behind the scenes, magiging intense 'yan next year. Sa ngayon, the network wants me to focus on being an anchor, on being a journalist, earn my stripe, earn a couple of feathers on my cap and after that, then I can do that aspect [programming executive] naman. Kasi alam nilang mahihirapan ako to focus on being an anchor, plus being a journalist, then may desk job pa ako," said Paolo Bediones on his growing role inside the TV5 organization. PEP (Phili

Sinikap ni Paolo Bediones na tapusin ang naiwang trabaho noong araw ng Sabado, August 28, para makasama siya the following day sa press launching ng storytelling event ng Enchanted Kingdom.

"Si Paolo, dapat may spiel sa U.S.I. ngayon, pero tinapos niya kahapon para makasama siya dito sa press conference," banggit ng talent manager na si Noel Ferrer.

Ginanap ang press presentation last Sunday, August 29, sa Enchanted Kingdom, Sta. Rosa, Laguna. Kasama ang storytelling event sa series of activities na inihanda ng pamunuan ng nasabing amusement theme park in celebration of its 15th year anniversary.

Bago ang December 12 storytelling engagement ni Paolo, mauuna muna sa kanya ang iba pang co-celebrities: Gab Valenciano (September 4), Tweety de Leon (September 11), Anita Linda (September 12), Bam Aquino (September 18), John Arcilla (September 19), Bayani Agbayani (September 26), Marco Alcaraz (October 3), Joross Gamboa (October 8), Luis Alandy (October 17), at Mr. Fu with Edgar Allan Guzman, Rodjun Cruz and DJ Myke (October 31).

"This is our very simple way of giving back," sabi ni Paolo nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). "We've been very blessed throughout the many, many years that we've been in show business and this is a very simple way for us to be able to give back. Ito nga 'yong sinasabi natin na as individuals, meron talaga tayong magagawa. We're very excited to be reading stories to kids, and at the same time, may presentation na mangyayari sa harap.

"This is just the beginning of many activities that we'll be having. We're focusing on various sectors of the society, we have the little kids, and then we have the other less-fortunate individuals as well."

JUGGLING NETWORK DUTIES. Magmula nang lumipat siya from GMA-7 to TV5 late last year ay naging very busy na si Paolo, hindi lang sa harap ng camera kundi maging sa likod nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bukod sa pagiging main anchor ng news program na Aksyon at U.S.I. (Under Special Investigation), tumatayo din bilang "informal consultant" ng network si Paolo sa ilang shows na nasa ilalim ng News and Public Affairs department.

"It's an exciting time to be part of a growing, well, what used to be a fledgling network. Pero it seems na the bosses are going against the tradition... They made a commitment when they bought the network October last year na they want to be competitive, so magugulat ka on how fast the progress is," pagmamalaki ni Paolo.

Matatandaang binili ng MediaQuest group ni Manny V. Pangilinan ang Novaliches-based network sa longtime owner nito at business tycoon na si Antonio "Tonyboy" Cojuangco noong nakaraang taon.

Prior to the buy-out ay nagkaroon muna ng tie-up between the network at ang Malaysian firm na MPB Prime Media Inc. noong 2008, ngunit hindi rin ito nagtagal.

Agresibo ang marketing campaign at programming strategies ng TV5 sa ilalim ni Pangilinan. Pangunahing prayoridad ng network ang magbigay ng "alternative programming" sa mga manonood o 'yong mga programa na hindi karaniwang napapanoood sa dalawang giant networks sa bawat partikular na timeslot.

Positibo naman ang resulta nito dahil over time ay umangat ang ratings ng ilang TV5 programs sa pangunguna ng Talentadong Pinoy ni Ryan Agoncillo.

"We're very satisfied and, in fact, there are a lot of programs that are performing beyond expectations. So, kumbaga, we have realistic targets and most of the targets had been met and if not, nalagpasan. Like for example, sa simula, ang gusto lang talaga namin was double-digit audience share, na-attain 'yon and now it's like from double-digit, 20 percent na," saad ni Paolo.

Hindi magiging madali ang trabaho ni Paolo, lalo pa nga't unti-unti na rin siyang sinasanay ng kanyang home network para maging programming executive in the immediate future.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang mangyayari is, this year, focus ako dito sa trabaho ko bilang anchor, bilang journalist, and then slowly getting my feet wet. And then next year, 'yon na. By then, alam ko na dapat ang trabaho ko. So, ito, studying and getting to know the environment, ano ba talaga ang dapat pag-aralan.

"Then, darating na talaga 'yong panahon na I'll be handling shows, na I'll have five or six shows under me. Hindi ako 'yong maghu-host nun, 'yong mga ganun. But now naman, ang role ko is like parang informal consultant in a lot of programs. The producers ask for my advice like 'yong hosting ng mga talents nila and sometimes I train them or sometimes 'yong production value, 'yon."

Dagdag pa ni Paolo, "We're finding ways to augment the news and make it meatier as opposed to just the aesthetics. Kasi puwede ka mag-high tech pero kung wala rin namang additional value, sayang, parang nagpakitang gilas ka lang."

DISCOVERING NEW TALENTS. Kasama rin daw sa plano ng network ang magkaroon ng sarili nilang resident talents na sila mismo ang nakadiskubre. Sa kasalukuyan kasi ay pawang talents from other networks ang mga artista na lumalabas sa kanilang mga programa.

"You have to, e. Because if you look at both networks, the way that things are going, they are building their own pool. This could be an assumption, pero logic dictates that you build your own pool para eventually, pag masyado nang mahal ang mga talents na may mga manager, may resources ka," paliwanag ni Paolo.

Aminado si Paolo na ramdam nila ang paghihigpit na ginagawa ng ABS-CBN at GMA-7 sa kani-kanilang respective talents. Hindi na raw ganun kadali sa ngayon ang manghiram ng mga artista dahil may mga revisions na ginawa sa nilalaman ng mga kontrata.

"Although mga usapang kontrata kasi very touchy rin, e. But definitely now, mahirap. A lot of them have been tied down with mga contracts and non-compete clauses. A lot has changed and it is good for the industry dahil naaalagaan 'yong mga dapat alagaan. Nabigyan ng pagkakataon 'yong mga dapat bigyan. Hindi man kami ang nakinabang, at least gumanda naman ang buhay ng iba."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MAKING THE RIGHT DECISION. Madalas ay tinatanong pa rin si Paolo kung may panghihinayang ba siya dahil kanyang paglipat from GMA-7 to TV5.

Taong 1995 nang magsimula ang hosting career ni Paolo sa Kapuso network. Ilan sa mga shows na ginawa ni Paolo sa GMA-7 ay ang mga sumusunod: Etching: Entertainment Today with Lyn Ching (1997), Gameplan (1997), Digital LG Quiz (1999), Extra! Extra! (1999), Extra Lifestyle (2001), Extra Showbiz (2002), Extra Challenge (2003), S Files (2005), Pinoy Meets World (2006), Whammy! Push Your Luck (2007), Survivor Philippines Season 1 (2008), at Survivor Philippines Season 2 (2009).

December 3, 2009 nang ianunsyo ni Paolo ang pagpirma niya ng three-year contract with TV5.

"Sometimes nga when you go to work, minsan hindi ka makapaniwala na ito na 'yon, and to think a few months ago, kasi December lang ako lumipat, 'andun 'yong kaba. 'Andun 'yong you're wishing you made the right decision. The first few months, ang hirap sa akin kasi siyempre they were focused on so many things. Then slowly, when you get into the groove na, you realize eto na 'yon," sabi ni Paolo.

Masaya rin si Paolo sa kasalukuyang takbo ng kanyang career. Bagama't nasubukan na niya ang umarte sa pamamagitan ng 2006 television adaptation ng Captain Barbell, nasa hosting at newscasting talaga ang puso ng 36-year-old bachelor.

"Ang longevity kasi sa news, mahaba, compared sa artista, singer, even a host. Ideally nga pag host ka, mahaba rin ang buhay mo. Kaya lang ang nangyari naman kasi ngayon, singers and actors are hosting na rin," paliwanag ni Paolo.

Dagdag niya, "Basta ang goal natin is to improve even more. Stationwise, it has improved already throughout the years. Both the major networks really worked hard on making quality programs. So, kami naman, we want to up the ante as well. Hindi kami 'yong, 'Sali rin kami!' Before siguro ganun, pero ngayon hindi na."

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23087/paolo-bediones-says-no-regrets-on-tv5-transfer--" data-desc="The ex-Survivor Philippines host wants to instill more value on local news programs." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/1ed2c1c69.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23087/paolo-bediones-says-no-regrets-on-tv5-transfer--" data-desc="The ex-Survivor Philippines host wants to instill more value on local news programs." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/1ed2c1c69.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23087/paolo-bediones-says-no-regrets-on-tv5-transfer--" data-desc="The ex-Survivor Philippines host wants to instill more value on local news programs." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/1ed2c1c69.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23087/paolo-bediones-says-no-regrets-on-tv5-transfer--" data-desc="The ex-Survivor Philippines host wants to instill more value on local news programs." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/1ed2c1c69.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23087/paolo-bediones-says-no-regrets-on-tv5-transfer--" data-desc="The ex-Survivor Philippines host wants to instill more value on local news programs." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/1ed2c1c69.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23087/paolo-bediones-says-no-regrets-on-tv5-transfer--" data-desc="The ex-Survivor Philippines host wants to instill more value on local news programs." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/1ed2c1c69.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23087/paolo-bediones-says-no-regrets-on-tv5-transfer--" data-desc="The ex-Survivor Philippines host wants to instill more value on local news programs." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/1ed2c1c69.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN