Luis Alandy explains his decision to get a new manager

IMAGE 0


"Parang nakita ko lang na it's not really growing. Hindi na kami magkasundo sa direksiyon na pinupuntahan," says actor Luis Alandy about his decision to change his manager.


Nagulat ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang members of the press nang makita si Luis Alandy kasama ang talents ni Noel Ferrer papuntang Enchanted Kingdom noong Linggo, August 29. Ang pagkakaalam kasi ng lahat ay nasa pangangalaga pa rin siya ng talent manager na si Arnold Vegafria.

Pero paliwanag ni Luis, "It's been a year na I've been talking to Arnold. For finding a way na, you know, parang tinatanong ko sa kanya, 'What are the plans that you have?' Nagbigay naman siya ng plans. Although very thankful ako sa kanya sa mga nabigay niya for the past five years. Pero in-explain ko naman sa kanya, nag-usap naman kami nang maayos that I want to be released under his management, and okay naman sa kanya.

"Nag-usap naman kami. Sinabi ko sa kanya na, 'Thank you for everything. Lahat ng naitulong mo.' Kung hindi rin dahil sa kanya, wala rin ako. Parang hindi rin ako mabibigyan ng ganoong project sa GMA. So, yun lang. Parang nakita ko lang na it's not really growing. Hindi na kami magkasundo sa direksiyon na pinupuntahan."

Kuwento pa niya, "Mga June yata, nagpunta ako sa office niya. Sabi ko, 'Is it possible if we could end the management?' Sabi naman niya, 'Of course.' Tinanong niya, 'Bakit?' Ini-explain naman. Yun, nagkasundo naman kami and we had a very good talk about it."

Maayos ba ang naging paghihiwalay nila ng dating manager?

"I believe so, I believe so. Maayos naman," sagot ni Luis.

More on verbal agreement lang daw sila ni Arnold from the start at wala silang written contract. Para kay Luis, due respect lang na magkausap sila nang maayos kahit wala silang written contract.

Nilinaw rin ni Luis na noong nagpaalam siya sa dating manager ay wala pa siyang kausap na bagong manager na hahawak sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Noel naman kasi, I've known him since ABS days. Tapos yung isang friend ko, si Joaquin Valdez, he's the manager also. Si Marco [Alcaraz] naman, parang kapatid ko rin. So, nag-usap kami. Parang second wind na rin. It's a new direction for me under Noel. Parang thankful ako na yung trust na ibinigay niya sa akin."

Hindi kaya isiping si Marco ang nag-influence sa kanya na umalis sa poder ng dating manager at magpa-manage kay Noel?

"A, hindi!" sambit ni Luis. "Actually, yung kay Sir Noel, tinanong lang niya kung gusto akong tulungan. But at that time, may mga kinakausap na rin akong iba. Pero yun nga, sabi ko, parang kapatid na rin since magkakasama na rin kami nila Marco at saka si Joross [Gamboa]. In a way, naisip ko rin na maganda rin na magkakasama, parang pamilya."

Yung pag-alis niya sa dating manager, walang influence yun ni Marco?

"A, hindi. Actually, ako yata ang mas nauna na nagsasabi... Sobrang nagulat lang din ako noong nauna pa si Marco," nakangiti niyang sagot .

VILLAIN ROLES. Lately, mga kontrabida roles ang madalas naibibigay kay Luis sa mga nagdaang teleserye niya sa GMA-7. Now that he's under Noel's management, ano naman ang mga plano nito para sa kanya?

"Right now, medyo naging stagnant ang career ko dahil nga sa change of management," pag-amin niya. "Ang hirap ng transition, e. Of course, sanay na sila na si Kuya Arnold ang kokontakin siyempre.

"Yung transition lang, naintindihan ko naman yun. Nabigyan naman ako ng Lovebug. Although, dapat yun ang ipapalabas ngayong month, pero na-move yung Rocco Nacino at Lovi Poe, sa November na yata. Pero magkakaroon din ako ng storycon para sa Dramarama naman, yung kay Iza Calzado [Koronang Papel]."

May kontrata raw si Luis sa GMA-7 hanggang 2011. Hindi pa raw niya masasabing after that ay lilipat siya sa TV5, kung saan naroon ang karamihan ng mga alaga ni Noel. Sa kontrata naman daw kasi niya, ang option to renew ay nasa network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ano pa ba ang mga gusto niyang gawin?

"Ako naman, gusto ko lang yung magagandang roles. Kahit naman hindi bida. Kahit hindi kontrabida, yung roles na masasabi mo na, ako, yung fulfillment as an actor na lang. And eventually, movies talaga.

"Pero mostly, sa GMA, ang ibinibigay sa akin, kontrabida. Kasi, marami na rin silang lead stars, marami na silang bida. Ang sa akin naman, basta may work. Wala na ako sa lugar magreklamo. Basta may work. Kasi, ang dami ko rin binabayaran na bills. Kesa naman magreklamo ako at maghintay pa," saad ni Luis.

Nakabili na raw siya ng sariling bahay at kasalukuyan pa raw niya itong binabayaran, gayundin ang kanyang sasakyan.

EIGHT MONTHS WITH NO LOVE. Pagdating naman sa kanyang lovelife, ayon kay Luis, eight months na siyang walang karelasyon. Natawa ito nang sabihin namin na nagtatagal yata na single siya.

"Siyempre, kapag bata ka, labas ka lang nang labas. Punta ka lang ng bar, magpapakilala ka lang. Parang ngayon, after ng three years relationship ko na sobrang naapektuhan ako, parang pahinga muna. Ayoko muna to jump into the next relationship. Dati, two weeks lang, parang naghahanap ka na!" natatawang sabi niya.

So, tingin niya, nagma-mature na siya?

"Ngayon siyempre, mas gusto mong maging stable muna. At saka, parang ngayon nga, lumaki yung responsibilities ko. Siyempre dati, sa house lang ng parents. Yun lang ang iisipin mo. Pambayad ng kotse. Pero ngayon, ako na nagbabayad ng bills. Lahat, ako na, e. Pati groceries, lahat... Kesa maglalabas ka, magba-bar, gagastos ka ng ganyan," saad ni Luis.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN