Mylene Dizon on second reconcilation with Ira Cruz: "I've always known na mahal ko naman talaga siya."

IMAGE 0


"Ay naku, para kaming getting to know each other. Nakakatawa! Kasi, marami nang nagbago since naghiwalay kami five years ago. I'd like to believe na nag-mature ako, and I know na napansin ko kay Ira, he has matured a lot... So many things have changed and I think it's all good," says Mylene Dizon about reconciliation with Bamboo's Ira Cruz.


For the first time ay gaganap bilang mag-asawa sina Mylene Dizon at Ryan Agoncillo sa Lady Dada, ang newest comedy miniseries ng TV5 na mapapanood tuwing Miyerkules ng gabi simula September 8.

Looking back, magka-batch sa Gimik days nila sa ABS-CBN si Mylene at ang asawa sa totoong buhay ni Ryan na si Judy Ann Santos. How time flies indeed at ngayo'y nagdadalang-tao na si Judai, at magkatrabaho sa isang show sina Mylene at Ryan.

MYLENE ON CLAUDINE. Bukod kay Juday, naging kaibigan din ni Mylene si Claudine Barretto noong panahong nasa ABS-CBN pa ang huli. Ito ang dahilan kung kaya't sa presscon ng Lady Dada last August 27, nahingan din si Mylene ng reaksiyon sa isyung kinasasangkutan ngayon ni Claudine, partikular na ang away nito kay Angelica Panganiban.

"Nakakatawa 'yan, nabasa ko lang 'yan kanina.... Hindi ko alam yun, nabasa ko lang. Although, may mga nag-text about may mga lumalabas nga raw na it was in the Inquirer, I think, and then, PEP... Actually, I was still gathering information about these things, and I think, it's exciting. It's very exciting!" sabi niya.

Bakit exciting?

"Exciting, kasi alam mo naman, matumal ang mga events ngayon sa showbiz. Pag may nangyaring ganito, kinikilig-kilig tayong lahat, e. Di ba? These are the things na ayaw nating ma-involve, pero aminin na nating by human nature, gusto nating basahin [ang isyu]," paliwanag ni Mylene.

Gaano ba niya ka-close si Claudine?

"We're very good friends," sagot ng aktres. "Although matagal na kaming hindi nagkakasama, since lumipat nga siya sa GMA, hindi ko na siya nakakasama. Pero no'ng nagkita kami one time sa GMA, it was nice pa rin, 'My! Kumusta ka na? I miss you, I love you!'"

Good friends din ba sila ni Angelica?

"No, we're not," ani Mylene. "We're not friends. I don't even have her number. When I see her lang, 'O, hi!' Gano'n lang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOGETHER AGAIN. Sa personal na buhay naman ni Mylene, inamin niyang sa pangalawang pagkakataon ay nagkabalikan silang muli ni Ira Cruz, ang gitarista ng bandang Bamboo.

"We're good. Second time na 'to na balikan," banggit ni Mylene.

So, pang-matagalan na nga kaya ang pagbabalikang ito nila ni Ira?

"Noong first time naman, nagtagal kami, a. Four years."

So, kumusta nga sila ngayon ng binalikang boyfriend?

"Ay naku, para kaming getting to know each other. Nakakatawa! Kasi, marami nang nagbago since naghiwalay kami five years ago. I'd like to believe na nag-mature ako, and I know na napansin ko kay Ira, he has matured a lot... So many things have changed and I think it's all good."

Ano ba ang naging factor para magkabalikan silang dalawa after five years?

"Factor? I think it's love. It's love, it's being with somebody that you like to be with and you're comfortable with... Five years kaming magkahiwalay."

Na-realize ba niyang mahal pa pala niya si Ira?

"I've always known na mahal ko naman talaga siya," sagot niya.

This time, ano ang mga nakikita niyang dapat na i-maintain nila o gawin sa relasyon upang mag-work na ito?

"Trust sa sarili ko at yung faith sa isang relationship," sagot ni Mylene. "Not yung being faithful, pero yung faith sa relationship na, 'Puwede naman tayo, e. Okey tayo, e!' Yung gano'n."

Sino ang bumalik kanino?

"Sabay, e. Nagkukuwentuhan lang kami... Isang gabi lang na nagkaroon kami ng party kasama ang mga kaibigan, nagkuwentuhan lang kami.

"I guess, na-realize namin na mahal namin ang isa't isa. I guess so... Alam, mo yun, like, 'O, okey naman tayo, e.'Nagkaroon lang ng kaunting glitch kumbaga."

Nagkita na ba sila ni Phoemela Barranda, na naging ex-girlfriend ni Ira?

"Hindi pa yata," aniya.

Parang hindi naging maganda ang separation nina Ira at Phoemela?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I don't wanna meddle with things that I don't know anything about... It's none of my business," iwas ni Mylene.

So, hindi naman siya ang "third party" ng paghihiwalayang yun?

"Ay, hindi!" tanggi agad niya. "Pumasok ako kay Ira, malinis na tayong lahat."

THE LOVING TYPE. Isa si Mylene sa masasabing "makulay" ang buhay-pag-ibig. Dahil habang hayagan niyang sinasabing nagkabalikan sila ni Ira the second time around, nakadalawa na siyang anak sa ex-boyfriend niyang si Paolo Paraiso.

Kumbaga, si Ira bilang boyfriend ni Mylene, at si Paolo bilang ama ng kanyang dalawang anak, na kaibigan naman daw niya.

"Hindi naman imposible yun. Nangyayari naman talaga yun. Buti nga, friends kami ni Pao, e," diin ni Mylene.

Pero sa pagkakataong ito, halimbawang gusto pa niyang magkaanak, paano na?

"Ay, okey na ako! Okey na okey na ako! Quota na ako sa area'ng 'yan!" tawa ni Mylene.

Kay Ira na ba manggagaling ang ikatlong anak niya?

"Nakakaloka ka!" malakas nitong tawa. "Kay Lord manggagaling ang next baby... Alam mo, ni yung una o pangalawa, e, hindi ko nga alam na kay Paolo pala manggagaling yun, e. Hindi ko alam, hindi ko masasabi!"

Hindi kaya kay Paolo uli?

"Aaaaayyy!" napatili nang malakas si Mylene. "Basta ako, ang masasabi ko lang, nagmamahalan kami ni Ira ngayon, masaya kami, and yun na lang muna, puwede ba? One step at a time."

THE LOVING TYPE. Hindi nga ba marrying type si Mylene?

"I think, people can change their point of views, so... I am just the loving type. I like to love," sagot niya.

At this point ba ay nasa plano na niya ang magpakasal?

"I have kids. So, maraming nagbago sa mga pananaw ko. Like, family is important, and... I will move mountains for my family."

Napag-usapan ba nila ni Ira ang posibilidad na ikasal silang dalawa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pa kami sa stage na 'yan," sagot ni Mylene.

Papaano naman papasok sa buhay niya si Paolo Paraiso, ang ama ng dalawa niyang anak?

"Once a month, may pumapasok na tseke!" tawa nito. "No, no, I'm just kidding... It's all part of, you know..."

Paano si Paolo kung may Ira na sa puso niya?

"Paolo will always be a part of our lives. Siya ang kalahati ng mga anak ko. Meaning, hindi siya mawawala and hindi ko siya dapat tanggalin.

"Gusto kong lumaki ang mga anak ko na kilala si Paolo as their dad and pinu-push ko talaga lagi na magkaroon ng relasyon ang anak ko sa ama nila. I'm not the kind of yung tipong, 'Ay, you can only see your kids once a month!' Yung mga ganyan, or 'MWF lang.' Walang gano'n.

"Anytime you want! Magulang ito, e. Hindi mo puwedeng limitahin ang pagmamahalan ng mag-aama," saad niya.

Sa loob ng limang taong paghihiwalay at pagbabalikan nitong January 2010, sa palagay ba ni Mylene ay sila na talaga ni Ira ang itinadhanang magsama habambuhay?

"Ano sa palagay mo?" tawa nito. "Ako, masaya lang ako ngayon, e. Masaya lang talaga ako, yun lang ang masasabi ko."

Kay Ira na ba siya magpapakasal?

"Hindi ko nga masabi yung mga ganyang bagay, e. Mahirap magsalita ng mga ganyan. Ano, basta ngayon, masaya ako lang ako. Yun lang ang masasabi ko, ine-enjoy ko ito.

"Saka getting to know each other uli, e. After five years, alam mo, ang dami talaga nagbago. Akala ko dati, nung nagkabalikan kami, katulad ng dati na to be continued lang. Hindi. Parang bago kami."

Paano ang pakikitungo ni Ira sa dalawang anak nila ni Paolo?

"Si Ira, he loves kids. Gusto niya ang mga bata, so mahal na mahal niya ang mga anak ko. Maski na out of town ako at may trabaho ako somewhere, siya pa ang kusang magtse-check sa mga bata."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ba ang kaibahan ng pagmamahal niya kay Pao at kay Ira?

"Completely different naman 'yan. Si Paolo, ama ng mga anak ko. Kumbaga, yung respeto ko kay Paolo bilang father of my kids, e, hindi yun maihahambing sa respeto na mayroon ako kay Ira as my partner and my lover.

"'Saka, ibang pagsasama ang meron kami ni Ira. Iba yung naging pagsasama namin ni Paolo," seryosong sabi ni Mylene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN