Birthday boy Carl Guevara says "ultimate crush" Anne Curtis makes him wild

IMAGE 0


"Basta ipinapangako ko rito sa Cosmo, ibang Carl ang makikita nila rito. Siyempre, nag-ramp na rin naman ako sa Bench na naka-underwear. So, ngayon sa Cosmo, ibang Carl naman ang makikita nila," says Carl Guevara.


Ngayong araw na ito, September 2, ay ipinagdiriwang ni Carl Guevara ang kanyang 21st birthday. Kung sa mga babae ay ang 18th birthday nila ang tinatawag na debut, sa mga kalalakihan naman ay ang 21st birthday nila.

Ito ang dahilan kung bakit isang party ang idaraos mamayang gabi upang i-celebrate ang kanyang 21st birthday. Pero ayon kay Carl, intimate dinner with his family lang sana ang una niyang plano.

"Noong nag-usap kami ng manager ko, si Perry Lansigan... Kasi, kung ako ang masusunod, ang gusto ko, ang birthday ko sana with family. Tapos, iba yung celebration sa mga kasama ko sa PPL [talent management]. Pero kinausap niya ako, tutal 21 na ako. Ito nga raw yung debut sa lalaki. So, kailangan ko raw i-celebrate nang maganda.

"Bago niya ako na-convince, naisip ko rin naman na tama. Kumbaga, ito yung sa buong buhay ko na party ko na kailangang paghandaan, 21. So, pumayag na ako," nakangiting sabi ni Carl nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kahapon, September 1.

Inaasahan daw ni Carl ang pagdating ng family niya, his friends from ABS-CBN, at ang mga bagong kaibigan niya sa GMA-7.

Ano naman ang birthday wish niya?

"Kung tutuusin, yung mga wish ko naman, natupad. Katulad ng pagkakaroon ng magandang career ngayon. Yun lang ang winish ko, tapos ang dami pang dumating. Nagkaroon din ako ng manager na talagang nag-aalaga sa akin. Tapos sa GMA, sunud-sunod ang trabaho ko kaya masaya ako.

"Siguro, ang mahihiling ko na lang na wish para sa sarili ko, para sa pamilya ko. Sa Mama ko, sa Daddy ko na good health. Kumbaga, may edad na rin Daddy ko. So, gusto ko silang mai-treat pa, malibre kung saan-saan. Gusto ko na sa pinaghihirapan ko, ma-travel ko sila. Mabigyan ko sila ng magandang bahay rin na galing sa trabaho ko. Kaya ang wish ko, good health for my parents para masaksihan nilang lahat kung ano ang mangyayari sa career ko," sabi ni Carl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

HIS WILD SIDE. Isa si Carl sa Top 10 Celebrity Centerfolds ng Cosmopolitan magazine this year. Isa rin siya sa siguradong rarampa sa Cosmo Bachelor Bash on September 9 sa World Trade Center.

"Born to be wild" ang concept sa pictorial ng Cosmo Men. Kaya ang tanong namin kay Carl ay kung siya ba, in real life, ay wild?

"Hindi, e. In real life, mahiyain ako. At saka, tahimik ako. Kaya nga itong Cosmo na ito, kailangan ko talagang umisip ng gimmick kung ano ang gagawin ko sa pagrampa ko," sabi niya.

So, paano ang ginawa niya to set his mood na maging wild at makita yun sa pictorial niya?

"Siyempre, do'n mo naman ako aasahan sa pose. Kailangan mo na siyempre ano, i-pose ng talagang wild. Iisipin mo kung ano ang mga pose mo. Isipin mo na lang na wild ka!" natatawa niyang sabi.

Pero may sinasabing there's a wild side in every person. Sa kanya, ano sa tingin niya yung wild side niya?

"Sa akin siguro, kung sa mga babae, tahimik lang talaga ako. Sa totoo nga, hindi ako marunong manligaw. Pero ang feeling ko, kapag kaming magkakaibigan, siyempre lahat ng lalaki, hindi naman nawawala yung pagiging yabangan, lalo na pagdating sa mga babae, kuwentuhan n'yo, boys talk. Do'n na lumalabas yung wild imagination," sabi niya.

Among the female celebrities, ramdam na ramdam namin kay Carl ang paghanga niya kay Anne Curtis, na sa tingin niya will make him wild.

"Crush ko talaga siya noong una pa lang," pag-amin ni Carl. "Kahit noong pagpasok ko ng Star Magic, kapag nakikita ko siya sa ABS, ang ganda! Talagang humihinto ako at tinitingnan ko siya, ang ganda, e, ang ganda talaga! Natutulala ako. Siya talaga ang ultimate crush ko."

Nagkasama raw sila ni Anne sa fantaserye na Dyosa kaya nakilala niya rin daw ang young actress kahit paano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mabait siya, e. Nakikipagkuwentuhan pa siya sa amin kapag nasa set. Sobra talagang, ewan ko, kapag nakakausap ko siya, parang nabablangko ako minsan. Yun, naranasan ko talaga yun."

Ano naman ang maasahan ng mga manonood sa September 9 sa kanya sa World Trade Center?

"Basta ipinapangako ko rito sa Cosmo, ibang Carl ang makikita nila rito. Siyempre, nag-ramp na rin naman ako sa Bench na naka-underwear. So, ngayon sa Cosmo, ibang Carl naman ang makikita nila."

Bukod sa comedy series na JejeMom, kasama rin si Carl at ang ka-love team niyang si Jennica Garcia sa bagong primetime series ng Kapuso network, ang Bantatay, na ngayong buwang na magsisimula.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN