Cesar Montano says Sunshine Cruz's tweet about certain "pagsubok" doesn't refer to their marriage

IMAGE 0


Cesar's flipside cover for FHM is certainly intriguing, but what's got tongues wagging is that someting's going on with wife Sunshine, they say. Pressed about it, the Ilumina star only said, ""Hmmm... mga minor na bagay lang 'yan."


Ang actor na si Cesar Montano ang cover ng FHM Collections. Balot na balot siya in his coat and tie pero mala-James Bond ang dating dahil sa sensual na posing ng dalawang babaeng kasama niya.

Halos karamihan sa mga entertainment press na naimbitahan sa launching ng September issue ng FHM-Philippines sa Hotel Intercontinental last Friday, September 2, ay naintriga sa cover si Cesar, na flipside ng front cover featuring Bb. Pilipinas-Miss Universe 2009 Bianca Manalo.

Para sa actor, maganda at artistic ang cover bukod pa sa nag-enjoy raw siya sa pictorial. Pero sinabi rin niya, "Ay naku, hirap na hirap po ako do'n... Kailangang alalayan ko rin ang dalawang supporting na nandoon sa background. Of course, hindi madali yung trabaho nila for that shoot."

Malaking karangalan daw para sa kanya na ma-cover sa magazine. "Kaya noong ipinakita naman sa akin agad ang concept, I was amazed. Tuwang-tuwa ako. Napakaganda ng concept. I feel honored also working with Xander Angeles, napakagaling na photographer po. At sana, hindi yun ang huling pagtatrabaho namin ng photographer, napakagaling po."

Ang tanong, paano raw napapayag ang asawa niyang si Sunshine Cruz sa concept at hindi raw ba ito nag-react?

"Well, noong proposal nila, nagpasa sila sa akin ng concept, peg, ideas. When I liked it, pinakita ko agad sa asawa ko, kay Shine. And when I showed it to Shine, tuwang-tuwa naman siya. Ang sabi niya, 'Ang ganda ah, ang galing!' Kaya lang nga, hindi namin nagawa ang lahat. Talagang ako, willing akong gawin ang lahat ng peg nila but siyempre, minimal lang ang mga pages na magagamit namin for the September issue ng magazine."

PLANNING A MOVIE. Sa ngayon, bukod sa busy si Cesar sa taping ng kanyang primetime series na Ilumina, may ginagawa rin siyang script for a new movie.

"I'm about to start yung mga dialogues na. So, I do it during my free time. I tape only for Ilumina Monday, Wednesday and Friday, so I only have T-Th-S to do it. And rest during Sunday. Wala namang deadline ang script, pero gusto ko talagang ilaban 'yan [na] sa labas ng bansa ang gagawin ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nilapit niya na raw ito sa GMA Films, na siya ring nag-produce ng Jose Rizal (1998) at Muro-ami (1999) na mga pinagbidahan niya.

Aniya, "It's a matter of scheduling na lang the next meeting to crystallize everything. So far, nakapag-location hunting na ako para sa pelikula. Script na lang talaga ang inaayos namin and yung tamang amount ng budget na gagastusin talaga for the entire film."

SUNSHINE'S TWEET. Sinagot din ni Cesar ang tungkol sa Twitter status ng asawang si Sunshine na nagsabing may "pagsubok" siyang pinagdadaanan ngayon. May mga nag-speculate tuloy na baka may problema silang muli sa kanilang marriage.

Pero ayon kay Cesar na casual lang itong sinagot, "Palagi naman kaming gano'n. Ako, sanay na ako sa mga gano'n. Hindi na ako nabibigla sa mga ganoong kuwento. But with regards to our relationship, me and my wife, wala po kaming problema and going stronger at masayang-masaya po kami."

Hindi tungkol sa kanilang buhay may-asawa ang tinutukoy ni Sunshine na "pagsubok" sa kanya ngayon?

"Hmmm... no, no, siguro sa mga minor na bagay lang 'yan. Probably how to manage rin. Kasi alam niyo, being a mother is not an easy task. Siyempre, isipin mo, lalo na wala siyang trabaho. Nasa bahay lang siya palagi. Maglilinis, magtuturo siya, magsu-supervise maglinis. Mga damit ko sa shooting. Mga bata... PTA lang, mag-aano na kami, 'Sinong gustong um-attend ng PTA?' Kapag wala talaga kaming trabaho, pinipilit ko talagang um-attend. Kasi, it's important na uma-attend ka at nakikita kang nasa likod ng bata habang nag-aaral."

In short, wala silang marital problem? "Walang problema po," sabi niya.

Sabay-bawi ng, "Pero siyempre, may problema. Wala namang taong walang problema. Siyempre, minor lang po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN