Ronnie Liang defends himself against negative issues

IMAGE 0


"As far as I know, wala po akong natatandaang naging mahirap po akong kausap. As far as I remember rin, naging professional ako sa lahat ng work ko," says Ronnie Liang about rumors that he has an attitude problem.


Kamakailan lang ay nagbago na ng business manager ang balladeer singer na si Ronnie Liang. Mula sa former manager niyang si George Roca, ngayon ay under ALV Talent Circuit na siya kunsaan president si Arnold L. Vegafria.

Sa isang pakikipanayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Ronnie, inalam namin sa singer kung ano nga ba ang nangyari sa paghihiwalay nila ng landas ni George, at papaano naganap ang paglipat niya kay Arnold.

"Si Kuya George, ang dati kong manager, ay magpo-focus sa pagpo-produce niya ng indie films, kaya gusto niya akong i-transfer ng management. Si Kuya George din ang nag-transfer sa akin sa ALV and nag-consult siya sa Universal Records. Hindi na niya ako mabibigyan ng attention. Siyempre, malungkot dahil mula pa noon, bago pa ako napunta sa PDA," paliwanag ni Ronnie.

Kinumpirma naman ito ni George sa text message na ipinadala niya sa PEP: "I turned over the management of Ronnie to Arnold Vegafria peacefully, kahit until February (2011) pa ang contract niya sa akin. It is the best way for both of us so we can move on nang maayos."

Si George ang nasa likod ng success ni Ronnie from his roots sa isang singing contest sa GMA-7 hanggang sa pagpasok nito sa Pinoy Dream Academy (PDA) ng ABS-CBN.

INTRIGUES & ISSUES. Madalas, kapag umaalis ang singer o artista sa kanilang manager, laging may kaakibat itong intriga. In Ronnie's case ay naba-blind item pa siya.

Marami ring negative issues na lumalabas tungkol kay Ronnie, gaya ng minumura niya raw ang dating manager. Ano ang masasabi niya rito?

"Yun pong sa pagmumura, hindi ko po siya minura. Kung sino man po ang tinutukoy nila. Alam ko po nagmumura ako, pero hindi ako nagmumura pertaining to somebody. Ang pagmumura is like a figure of speech.

"Parang minsan, nakakapagmura ka sa situation, maybe because of the pressure... Nakakapagsalita ka ng hindi maganda but it doesn't mean na tinutukoy mo yun sa isang tao," paliwanag ni Ronnie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang isyu kay Ronnie ay kapag daw may show siya at kapag humingi pa ng isang song at wala yun sa usapan ay sinisingil niya ito sa former manager niya. Totoo ba ito?

"As far as I remember, wala po akong natatandaan na nangyaring ganyan. As far as I remember, full support ako sa clients and producers, I help as much as I can para ma-entertain ko ang audience ko.... Let's move on na lang," sabi niya.

Anu-ano nga ba ang mga bagay na hindi nila napagkasunduan ni George upang humantong sa hiwalayan ang matagal nilang pinagsamahan?

"As far as I know, wala kaming hindi napagkasunduan ni Kuya George. Pero of course, sa isang relationship o sa isang samahan, sabi nga natin, wala naman pong perfect. Meron po talagang hindi pagkakaunawaan and naiintindihan ko yun, and I'm sure naiintindihan din yun ni Kuya George."

Totoo bang nag-try si George na ayusin ang problema nila, pero wala na talagang nangyari? Sa tanong kasi namin kay George kung ano talaga ang matinding dahilan ng hiwalayan, heto ang reply ng dating manager ni Ronnie: "There were things na hindi na kami nagkakasundo. I tried to patch up since May pa, kaso talagang wala nang pag-asa. Please, sa amin na lang sana ang detalye, para wala nang masaktan. Sa ngayon, we're moving on na."

Paliwanag naman ni Ronnie, "No, kasi like nung mga nakaraang linggo, nung tinurnover niya ako kay Sir Arnold, nagyakapan kami and we're okay... We're very okey. Meaning, magkaibigan pa rin kami. Sabi nga niya, kapag may kailangan ako sa kanya, tawagan ko lang daw po siya. Pag may kailangan daw po ako, 'wag daw akong mahiyang humingi ng tulong sa kanya.

"And at the same time, nagpapasalamat po ako kay Kuya George dahil without him, wala pong Ronnie Liang. Saan man po ako mapunta and ano man ang mangyari, hindi ko pa rin makakalimutan ang utang na loob ko sa kanya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya lilinawin sa kanyang fans ang mga isyu sa kanyang may attitude problem daw siya at mahirap kausap?

"As far as I know, wala po akong natatandaang naging mahirap po akong kausap. As far as I remember rin, naging professional ako sa lahat ng work ko," sagot ni Ronnie.

Paano niya hina-handle ang issues laban sa kanya?

"This is showbiz, and nangyayari talaga yun," sabi ng singer. "Tao lang tayo na nasasaktan din, pero what's important is how we handle the issues."

Hindi ba nakakaiyak sa galit minsan yun?

"Hindi ako nagagalit or naiiyak, dahil, you know, part lang talaga... Minsan, tawanan mo na lang, gano'n."

NEW HOME. Ano ang feeling niya na nasa ALV na siya ngayon? Ito ba ang talagang gusto niyang mangyari?

"Nagpapasalamat po ako sa bago kong management na they're very organized. It's a big company, ang ALV Talent Circuit. Maaasikaso po akong mabuti," sagot ni Ronnie.

Kumusta naman ang una nilang pag-uusap ng bago niyang manager na si Arnold?

"Noong nag-usap kami ni Arnold, we'll work hard together, we'll work as a team para sa ikakaganda ng career ko.

"Nung turnover, nagpa-thank you ako siyempre at tinanggap niya ako. Nag-usap sila ni Kuya George and nag-usap kaming tatlo... Peaceful naman ang transition. Masaya lahat. Yakapan," kuwento niya.

Ano ang feeling niya at "kapatid" na niya sa kuwadra ni ALV sina Billy Crawford, Jay-R, Kyla, Iya Villania, at Geneva Cruz?

"It's an honor na maging part ako ng ALV family, lalo na sa mga malalaking names na yun."

Maging ka-level kaya siya nila soon?

"Hopefully, pag pinagtrabahuhan talaga. Why not, di ba?" sabi niya.

Gaano kahirap ang adjustment ng isang singer sa pagkakaroon ng new manager na nasanay siya sa former manager for many years mula no'ng nagsimula siya?

"May adjustment talaga. Para ka ring lumipat ng ibang work. Parang gano'n yun, e. Or ng ibang company. E, sa pagkaka-meet ko kay Sir Arnold and sa team niya, very warm ang pagtanggap nila sa akin and kumportable naman ako sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa parehong araw, nakapanayam din ng PEP si Arnold Vegaria. Tinanong namin ang damdamin nito sa panibagong artist niya under his management company, kunsaan naroon din sina Carla Abellana, Jessa Zaragoza, Geneva Cruz, Patrick Garcia, John Prats, Bianca King, at iba pa.

Sabi ni Arnold, "Yes, si Ronnie is bago sa amin. Binigay siya sa amin ng Universal Records dahil gusto na niyang mag-move on... So, okey naman. I believe naman in his talent, that's why I accepted him.

"Proper turnover 'yan ng [former] manager niya. Dahil yung manager niya, magbabago 'ata ng business. So, parang he cannot engage full time sa talent management. That's why kinausap ako ng manager niya at ng Universal Records to handle him."

Ano ang masasabi ni Arnold sa talent na meron si Ronnie?

"Actually, nung una ko pa lang siya makita sa Pinoy Dream Academy, nakitaan ko na siya ng potential. I need talaga balladeer dahil most of my singers are nasa pop and R&B genre. Wala talaga akong balladeer, yun ang kulang sa akin. That's why, ayun... I know naman how to handle a music artist, that's why I accepted Ronnie," sabi ni Arnold.

Papasukin din ba ni Ronnie ang pag-arte?

"Napag-usapan rin namin ni Ronnie yun, that's his second career, ang acting. Although his focus is music, second ang acting career. That's why dadaan din siya sa workshops para ma-enhance ang acting ability niya. Dahil may hitsura naman siya...mukha naman siyang actor rin. So, kailangan lang i-polish at ng proper workshop.

"Gagawa siya ng all-original songs na album. Bago ang music niya at papasok siya into acting. Concert din niya, meron, at sasama siyang mag-travel abroad with my artists. I'm happy and honored to handle him," saad ni Arnold.

RECORDING CAREER. Nag-renew ng contract si Ronnie with Universal Records at maglu-launch siya ng second album this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Naka-seven songs na akong na-record and sabi nila, mag-a-add pa ako," ani Ronnie.

Lalo kaya siyang papalakihin bilang isang singer ng Universal Records?

"I'm so thankful po dahil ang pag-renew pa lang ng contract ay malaking bagay na sa akin. Salamat po sa Universal family ko, kay Ma'am Kathleen [Dy-Go, UR boss]...sa pagtitiwala."

May nakikita ba siya sa new album niya na potential hit ulit after his hit song na "Ngiti"?

"Hindi ko pa po alam kung meron akong isa sa mga kanta doon na maghi-hit. Nasa ano po 'yan, sa Universal, kasi sila po ang pipili ng song, e."

Ano ang masasabi ni Ronnie na hindi siya binitawan ng Universal Records despite sa maraming negative issues sa kanya dati?

"Masayang-masaya, thankful at di ako binitawan ng UR. Salamat din sa new manager kong si Sir Arnold, at siyempre, kay Kuya George dahil kung hindi dahil sa kanya, wala ako dito sa show business," sabi ni Ronnie.

Madalas mapanood si Ronnie sa musical-variety show ng GMA-7 na Party Pilipinas. Magiging regular na ba siya rito?

"As far as I know, hindi ko pa po alam ang negotiations with my new manager and Party Pilipinas. Ang alam ko lang, pa-guest-guest pa lang ako. If ever na mabigyan ng opportunity na maging part ng Party Pilipinas, bakit hindi?" sagot niya.

RONNIE'S GIRLFRIEND. Sobrang concentrated si Ronnie sa kanyang career mula noon. Hindi ba siya tumitingin sa girls?

"May girlfriend kasi ako," sabi ni Ronnie. "Nasa U.S. siya."

Na-blind item na ang girfriend nga raw niya sa U.S. ay isang "matrona" o mas matanda sa kanya. Totoo ba ito?

"Unang-una, ang girlfriend ko po ay hindi gano'n na matanda. As far as I know, hindi ko po alam yung tinutukoy nila na matrona... Ano ba ang ibig sabihin nila ng matrona?" tanong niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi namin, para itong "cougar" na bukod sa may edad nang di hamak sa kanya ay siya pa ring sumusuporta sa kanya financially.

"Kung yun ang ibig sabihin nung matrona, wala akong gano'n... She's 23 years old. She's half-Filipina and half-white... Ako ay 25 years old and mas matanda pa ako sa kanya. Wala kaming problema," sabi ni Ronnie.

Hindi ba mahirap ang long-distance love affair?

"Hindi naman," sagot niya. "Kasi, I think, nagwo-work talaga. Kasi, last time, pinuntahan ko naman siya doon, e. Dito, nagtatawagan kami, nagcha-chat kami."

Gaano na sila katagal?

"Mga one and a half years... Maganda siya. She's so reserved. She's working there as nurse."

Paano kung nagkagusto rin siya sa ibang babae dito sa Pinas habang nasa U.S. ang girlfriend niya?

"Puwede namang makipagkaibigan sa kanila, e. Pero siyempre, magiging loyal ako sa girlfriend ko," sagot ni Ronnie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN