Sam Milby on Marie Digby: Dating but no commitment

IMAGE 0


"I mean, we're not... there's no commitment. She's single, I'm single, and we're just enjoying, you know, texting and talking on the phone," says Sam Milby about his relationship with international singer Marie Digby.


Two years nang walang karelasyon si Sam Milby since his breakup with Anne Curtis. Pero aminado naman ang Fil-Am actor-singer na he's dating someone now—international singer Marie Digby.

"Pero nasa States siya at ako nandito," banggit ni Sam sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng Fun Run ng Blue Water Day Spa last September 2, sa Encore (dating Embassy Superclub) sa The Fort, Taguig.

Paglilinaw pa niya, "Pero, I mean, we're not... there's no commitment. She's single, I'm single, and we're just enjoying, you know, texting and talking on the phone."

May mutual understanding na ba sila?

"Hindi, not even MU," diin ni Sam. "No commitment talaga, walang commitment talaga. Dating, yeah. Dating, but not exclusively. Kung may makilala siya sa States na gusto niya or gusto niyang makipag-date, puwede. Ako din dito, same with me... I mean, wala siyang say kung..."

Wala silang ground rules?

"Wala, wala. Siyempre mahirap talaga kasi long distance talaga, kailan lang yung... Ilang beses lang kami magkikita sa isang taon, mga three times. Mahirap talaga 'yon e, so... I'm not saying na hindi puwedeng mangyari, pero basta we're enjoying, you know, just talking and ganun lang.

"Pero no commitment at all. And ako, I mean, I need to concentrate on my career right now. Kasi lalo na sa Tagalog and being on Idol too, I need to concentrate. Kasi siyempre, kasama ko yung...ang galing-galing ni Sarah [Geronimo]. Si Coco [Martin], ang galing talaga umarte. I mean, I really need to push myself."

Two years nang walang karelasyon si Sam. Hindi ba mahirap maging single? Lalo pa't sa status niya, halos lahat ng babaeng magustuhan niya ay puwede niyang makuha.

"Hindi naman ganun. I don't look at it that way na I can get any girl I want. I mean, you know, unang-una, bata pa ako, I'm still... You know, I'm still young, wala pa akong plano na mag-asawa or anything. Siyempre, masarap naman maging in love, to have somebody to inspire you," sabi ng 26-year-old actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi rin daw iyon pinipilit o minamadali.

"It's nothing na hahanapin ko. Pag mangyayari, mangyayari. It just hasn't happened yet."

INDIE MOVIE. Bukod sa primetime series na Idol, na magsisismula ngayong gabi, September 6, isa pang bagong project ni Sam ay ang indie film na Third World Happy ng Cinema One Originals.

Why the title?

Ipinaliwanag ni Sam ang kanyang role: "Kasi siyempre, ang Pilipinas, third world, parang masaya sa...it's a very different story. Parang lumaki ako dito sa Pilipinas tapos nagkaroon ako ng scholarship sa States. Nagpipintura ako, nagpe-paint ako tapos may nangyari sa parents ko. Iniwan ko yung babeng mahal ko. Basta buong buhay ko, may karga, may burden, parang unresolved issues.

"For 13 years, nasa States ako, hindi ako sumasagot ng mga tawag ng mga friends ko. Tapos, may namatay sa pamilya kaya kailangan akong bumalik sa Pilipinas para sa funeral," kuwento ni Sam.

BLESSED. Sa lahat ng produkto ng Pinoy Big Brother, si Sam yata ang maituturing na pinakasikat. Pero kinontra niya agad ito.

Ani Sam, "Hindi naman... Kim [Chiu] at Gerald [Anderson]. Para sa akin, I mean, Kim-Gerald, they came from PBB, they're really ano, their love team is really strongest talaga in the Philippines."

Pero dugtong niya, "Very, very thankful ako na I still have work, and lalo na this year, I really wanna push myself more. Kasi yung last four years, hindi naman ako magaling mag-Tagalog. Pero ngayon, this year, I really want to make that ano, [my] priority.

"Sa Impostor, ang daming beses nahirapan talaga ako mag-Tagalog. Pero pinilit ng director, hindi siya nagsabi na parang, 'Mag-English ka na lang para tapusin na natin yung eksena.' Hindi niya ginawa yun, para pilitin ko na mag-Tagalog, para matuto talaga ako."

Kahit maraming nagsasabi na natatakpan ng husay niya bilang aktor ang kahinaan niya sa pananagalog, nagpupursigi pa rin si Sam

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I hope so. I feel ngayon, dahil nagta-Tagalog ako, minsan nagiging apektado yung acting ko dahil iniisip ko lang yung lines. Yung Tagalog, parang yung pagbigkas or kung tama ang sinasabi ko, parang minsan nakakalimutan ko kung anong dapat reaksiyon or emotion, di ba?

"Pero I'm hoping, you know, pag when I get over that hill of Tagalog, the challenge of the language barrier, tuluy-tuloy na yung ano, yung paggaling ng acting ko. I really wanna get well in acting, e."

After five years in the business, how would he describe Sam Milby in one word?

"Blessed!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN