Francine Prieto picks herself up after the trials

IMAGE 0


"Hindi naman po ako matapobre, hindi naman po ako nanghahamak ng tao, pero dahil sa mga pangyayaring ito sa buhay ko, mas lalo akong naging mapagmahal. Parang naging iba po 'yong tingin ko sa mga tao, sa mga nangangailangan, naging iba po lalo," says Francine Prieto.


Malaki na ang ipinagbago ni Francine Prieto mula nang dumaan siya sa sunod-sunod na dagok sa buhay, na ang pinakamatindi ay ang pagpanaw ng inang si Mrs. Amelia Falcon mula sa sakit na cancer noong Marso.

Sa presscon ng ini-endorse niyang Ever Bilena sa Max's Roces, Quezon City, bukod sa unti-unting pagiging slim ulit ng aktres ay iba na ang aura niya ngayon. Kaya labis siyang nagpapasalamat sa mga naging paraan upang malagpasan niya ang matitinding pagsubok na dumating sa kanya.

Paano niya nagawang mabawasan ng malaki ang kanyang timbang mula nang ma-depress siya?

"Unang-una, di ba po, nang nawala na 'yong stress sa akin at natapos na 'yong lahat ng pinagdaanan ko, na after ng bagyo ay nagkaroon ng rainbow sa buhay ko, malaking bagay po talaga. Para nga akong nag-start uli, nag-uumpisa ulit. Pero at least, may peace of mind na at maayos na ako. Hindi na ako masyadong nai-stress. Konti-konti na lang. Hindi naman po naiiwasan 'yon, e.

"'Tsaka masaya ako ngayon. Sabi ko nga, nawalan man ako ng Mommy, pero ang dami naman po akong naging bagong kaibigan. Tapos, 'yong mga project naman, kahit paano ay hindi naman nawawala, kaya nagpapasalamat po ako," sabi ni Francine sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Naibalita ng actress-radio host na pagkatapos ng Kung Tayo'y Magkakalayo, ang bago niyang project sa ABS-CBN ay ang Precious Hearts Romances Presents Alynna na magtatampok kay Shaina Magdayao.

Nakatakda rin siyang gumawa ng pelikula sa Indonesia ngayong October.

Kuwento ni Francine, "By October, sa Indonesia kasi, may kumukuha sa akin. First time nilang kukuha ng Filipina. Kasi usually, kumukuha sila from Japan at kung saan-saang bansa sila kumukuha. So, ngayon, first time silang kukuha sa Philippines.

"Horror-comedy po itong gagawin namin. Actually, sequel po itong pelikula na ipinalabas nila last year sa Indonesia na sobrang box-office [hit] daw. 'Yong bida ay parang half-German yata at half-Indonesian. Hindi ko muna sasabihin 'yong title, baka kasi mausog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STARTING OVER AGAIN. Naka-recover na ba siya sa mga nangyaring pagsubok sa kanyang buhay?

"Opo," mabilis niyang sagot. "Sabi ko nga, para akong nagsisimula ulit. Noong nag-start kasi ako noon, parang kamamatay lang din ng Daddy ko noon, e. Sabi ko nga, ano ba naman ito? Pero siyempre, parang may kapalit, e, 'yong masasaktan ka muna para ka bumabangon. Pero ganoon lang siguro talaga ang buhay. Siguro, para maging matatag ka pa lalo, bibigyan ka ng mga problema."

Mula sa pagiging galit sa mundo, masasabi ba niyang mabilis ng kanyang recovery?

"Kasi, high-tech na tayo ngayon, lahat mabilis na talaga. March namatay si Mommy and kailangan talaga mag-move on. Dahil kung hindi, talagang malo-lost ka sa mundong ito kapag nasa tabi ka lang, magmumukmok. Wala talagang mangyayari sa iyo, di ba?

"Masaya ako sa DZMM Teleradyo," patuloy ni Francine. "Kasi po, kahit mga batang estudyante na nagre-review, nakikinig sa amin. Ang maganda ngayon, nakikita rin kami sa TFC. Like sa ibang bansa, umaga doon at nagbe-breakfast sila, ganoon.

"March 23 ako pumasok sa DZMM at March 26 namatay si Mommy. So, ilang araw pa lang po 'yon at naiintindihan naman nila ako. Pero bago po mag-Mahal na Araw, sa wake po ni Mommy, pumasok pa rin ako. Kasi po, di ba, ganoon naman dapat sa trabaho mo, na kailangan mong maging professional?

"Kumbaga, kahit na mayroon kang pinagdaraanan sa personal mong buhay, kailangang bigyan mo ng pagpapahalaga 'yong trabaho mo. So, na-appreciate naman nila 'yong ginawa ko. Siyempre, mommy mo 'yong namatay, pero binigyan ko sila ng importansiya."

Yun bang trabaho niya sa DZMM ay nakatulong sa healing process para mas madali siyang maka-recover?

"Opo, at saka dahil po dito sa trabahong ito, sobrang na-appreciate ko lahat ng mga tao rito sa mundo natin [showbiz]. Na hindi lang mga artista, ultimo mga press, media...sobra pong na-appreciate ko talaga 'yong tulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, di ba po, isipin mo, showbiz, hindi ba puro panaginip lang, dream lang lahat, fantasy? Pero hindi, e, talagang totoong tao pa rin talaga, e, na kapag may nangailangan talaga, tutulong at tutulong sila kahit na sa anong bagay. Hindi ba, kahit 'yong suporta lang, kahit kamustahin ka lang, malaking bagay po 'yon, e."

TRIALS AND FAITH. Inamin din ni Francine na ang nangyari sa kanyang pagsubok ay masasabi niyang point sa kanyang buhay na talagang bagsak na bagsak na siya.

"Opo, itong nakaraan lang, kasi parang ako 'yong breadwinner ng family, e. So, masasabi ko talagang kailangang-kailangan, na ako 'yong tatayo para sa family ko. And kung hindi ako 'yong gagalaw talaga, sino? And kawawa naman po iyong mga kapatid ko, kawawa naman kami.

"So, dahil sa pangyayaring ito... Hindi naman po ako matapobre, hindi naman po ako nanghahamak ng tao, pero dahil sa mga pangyayaring ito sa buhay ko, mas lalo akong naging mapagmahal. Parang naging iba po 'yong tingin ko sa mga tao, sa mga nangangailangan, naging iba po lalo.

"Kaya nga po kapag may naririnig akong nangangailangan na ganyan, parang, 'O, tulong tayo.' And mabuti na lang po 'yong grupong unang-unang tumulong sa akin, hanggang ngayon ay tuloy-tuloy po 'yon, e. Kung sinu-sino po 'yong tinutulungan nila na mga nangangailangan, ang tawag nga nila Rescuers sila. Kaya nakakatuwa naman po talaga 'yong grupo namin."

Positibo naman sa kanya ang mga pinagdaanang pagsubok.

"Opo. Sabi ko nga, nawalan ako ng Mommy ko, pero ang kapalit naman ay sobrang daming kaibigan. So, I'm sure na nandiyan lang si Mommy, guardian angel ko.

"So, talagang dapat hindi nawawalan ng pag-asa, huwag kang mag-give up. Kasi ako, talagang 'yong time na 'yon, parang ano, e, kaunti na lang, kumbaga ay maggi-give up na ako. Kasi parang hindi naman ako naging masamang tao, bakit ganoon ang nangyayari sa akin, di ba? Tapos, Mommy ko pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi kumbaga, ang Mommy ko, siya 'yong pinaka-glue namin, e, tapos ganoon pa ang nangyari sa kanya. Pero ang dami ko talagang natutunan sa mga bagay na 'yon, na hindi dapat maggi-give up.

"At saka ano rin, e, ang laki talaga ng tulong ng technology natin. Sabihin man natin na masyadong advanced, na ang dami ring advantages, pero kung talagang gagamitin natin nang tama, ang laki ng maitutulong. Kasi, hindi ba, noong naglagay ako sa Facebook ko, naglagay ako sa Twitter ko na kailangan ko ng tulong? Ang bilis, hapon pa lang nakabuo na agad sila ng mangyayari.

"At saka maganda rin pala talaga kung ano, na kung minsan talaga kung walang-wala ka na at humingi ka ng tulong, magugulat ka na lang na kahit 'yong taong hindi mo kakilala, strangers, willing na tumulong sa iyo. Maraming tao pa rin talaga ang mabubuti ang puso.

"Ang dami talagang totoong tao. Ultimo nga taga-media, 'yong press, akala mo, di ba, minsan sa ibang artista ay parang galit sila sa press na parang tingin nila ay kaaway nila? Pero alam n'yo po, ang unang-unang nagbigay ng suporta sa akin ay 'yong press. Kaya sabi ko, iba, e...

"Siyempre, lahat tayo ay tao, trabaho lang naman natin lahat ito, pero lahat tayo ay may puso pa rin talaga. Na kapag may taong nangangailangan, typical na Filipino po talaga. Hindi ba alam mo 'yon, tutulong ka, susuporta ka o kung anuman? Malaking bagay po talaga 'yon," saad ni Francine.

Mas tumindi rin ba ang pananalig niya sa Diyos dahil sa mga nangyari sa kanya?

"Ay, 'yong dati na inilagay ko na 'I hate God!'... Siyempre po, kaya ko naman inilagay 'yon... Alam kong sobrang tindi no'n, pero kasi naman po, talaga sa pinagdaraanan ko ay ang hirap-hirap. Hindi lang po kasi 'yong kay Mommy, ilang taon na po kasi ito, e, sunod-sunod. Kaya ko lang naman po nasabi 'yon. Pero sabi ko, dahil sa mga nangyaring blessings din, sobra naman po akong nagpapasalamat sa Kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre po, sobra kong pinagsisihan 'yong mga nasabi ko. Kasi po, di ba, tayo naman po, ang Diyos naman natin ay willing namang magpatawad sa atin? So, sa tingin ko po, bibigyan Niya tayo ng problema para po ma-realize natin na hindi Niya tayo pinababayaan. Kaya nang dumating ulit sa akin 'yong mga blessings, siyempre po, nagpapasalamat talaga ako sa Diyos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN