Regine Velasquez excited over her first indie film

IMAGE 0


Regine Velasquez (middle) topbills the indie film Mrs. Recto, which also stars Coney Reyes (right, in white). Dante Nico Garcia (left, in pink polo) co-wrote the film with Eugene Domingo.


Sa Huwebes, September 9, na ang unang shooting day ng kauna-unahang indie movie ni Regine Velasquez na pinamagatang Mrs. Recto. Ito ay sa direksiyon ni Dante Nico Garcia, na siya ring nagdirek ng Ploning na kinatampukan naman ni Judy Ann Santos.

Kahapon, September 6, nag-ikot sina Regine at Direk Ga, palayaw ni Dante, sa vicinity ng Recto, Manila, kung saan sila magsu-shooting hanggang October. Ginawa ang pag-iikot sa Recto para maging pamilyar si Regine sa lugar na gagalawan habang ginagawa niya ang pelikula. Kasama rin nila sa pag-iikot sina Connie Reyes at Jayson Gainza na part ng cast ng pelikula.

Kuwento ni Regine tungkol sa kanyang role, "It's about Recto, yung buhay ng mga tao doon. My character is named Clara. Parang siya yung nakakakita ng mga buhay ng iba't ibang tao.

"Ang problema lang ng character ko is yung anak ko lang na ayaw mag-aral. E, di ba, yung Recto, nandoon lahat ng mga school. Ang weird na yung anak ko, ayaw mag-aral. Yung tinitirhan namin is puro eskwelahan. Yun yung irony ng istorya. And along the way, I will meet people and learn lessons from them and that will make me a stronger mom."

Nagsimula na raw silang maghanda two weeks ago with a reading of the script.

"Nire-rehearse na namin kung paano magsasalita si Mrs Recto. Kinausap ko na si Direk Dante kung paano magiging characterization ko," sabi ni Regine.

Last year pa raw inaalok ni Direk Ga ang role na ito kay Regine, pero ngayong taon lang siya nagbigay ng kanyang go-signal na gagawin niya ang pelikula.

"Dati, kuwento-kuwento lang namin. Ayaw niya mag-move kung hindi ako umoo. And I finally said 'yes.' Now, it's really happening," banggit pa ng Asia's Songbird.

Huling napanood si Regine sa musical-comedy series na Diva sa GMA-7. Ang huli niyang ginawang pelikula ay ang animated film na Urduja, kung saan siya ang naging speaking at singing voice ni Urduja.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN