Pagkatapos isabak ni Stef Prescott bilang kontrabida sa GMA-7 primetime series Langit sa Piling Mo nina Heart Evangelista at Mark Herras, isang bagong fantaserye naman ang ginagawa ngayon ng StarStruck 4 alumna.
"So thankful to GMA dahil kasama uli ako sa Grazilda. This is a follow-up project after Langit sa Piling Mo. Telebabad naman ito. At si Glaiza [de Castro] ang bida sa bagong fantaserye ng GMA. Kung hindi ako nagkakamali, papalit ito o kukunin nito ang timeslot ng Pilyang Kerubin. At sa pagkakaalam ko rin, tentative pa lang yata yung September 13 airing nito, pero sana mag-push through ng ganung date," simulang kuwento ni Stef sa PEP (Philippine Entertainment Portal).
ANOTHER VILLAIN ROLE. Kung kontrabida ang papel ni Stef sa Langit sa Piling Mo, muli'y gaganap pa rin siyang kontrabida sa Grazilda.
"Kontabida nga uli ako. Kasi yung role ko sa Langit..., kontrabida ako pero parang nangangailangan lang ako ng pera nung time na 'yon. Kaya lang naman ako naging masama. Pero sa ending ng story, naging mabait ako. Nagpakatotoo ako. Sinabi ko lahat ng aking kasalanan ko at nag-sorry ako," kuwento niya.
Tila nag-e-enjoy na siya sa pagiging kontrabida?
"They're enjoying making me a kontrabida!" natatawa niyang sabi. "Hayan, masaya naman para sa akin kasi parang it gives you another chance to do a different character. Masaya naman. Like, being a kontrabida, you get away [from] being me.
"So, parang binabayaran ka para maging masama. I'm so happy with this kind of role. At least, masaya ako kasi sabi nila, nabibigyan ko naman ng justice kung anuman yung character na ibinibigay sa akin.
Hindi ba siya natatakot na ma-typecast sa pagiging kontrabida?
"Hindi naman," mabilis na sagot ng dalaga.
Dagdag niya, "Kasi masaya naman kapag isa kang kontrabida. You're able to do what you want to do. Na hindi mo madalas ginagawa. Na hindi madalas nakikita sa iyo. At saka acting talaga ito, di ba?
"Kapag bida kasi, parang alam mo na agad ang gagawin mo. Sa pagiging kontrabida, may magagawa ka sa papel na ibinigay sa iyo. Sobrang exciting din."
Patuloy ni Stef, "Yung mga role ko rin, tumatatak sa tao kasi kinaiinisan nila ako. So maganda rin maging kontrabida kasi matagal mamatay ang character, di ba?"
Kadalasan, kinaiinisan ng mga televiewers ang mga kontrabida. Handa na ba siyang kainisan ng mga tao?
"Okay lang," sagot niya. "Bumabawi naman ako. Kapag wala ako sa screen at kapag may mall shows, nakikita naman nila kung ano yung totoo sa akin. Hindi ko naman dinadala yung pagiging kontrabida ko sa malls. Ibang-iba naman ako in person kaya hindi ako takot kung makilala man ako bilang kontrabida.
"Mabait naman ako sa tao in real life, so wala akong dapat katakutan. At ang sarap kaya ng pakiramdam kapag sinasabihan ka ng 'Ay, mabait ka pala sa personal!' Akala kasi nila masungit din ako sa personal. Pero sinasabi ko rin naman sa kanila, 'Hindi po, acting lang po yun.'
"Kung dati, sinasabunutan pa ng mga fans, ngayon, hindi na. Iniuunawa na rin. Alam naman nila na role lang yung ginagampanan mo.
"Hindi ako natatakot sa ganun kasi ano naman, e, iba na rin ang mentality ng mga fans. Kung dati, susugurin ka agad, now it's totally different. Parang titingnan ka muna. Then lalapitan ka na nila at kakausapin.
"I have experienced that many times. Yun nga, afterwards, sasabihin nila, 'Ay, mabait ka pala sa personal. Akala namin masungit ka rin katulad ng role mo.' Mga ganun ba? So safe ka na rin kahit maging kontrabida ka pa for life," paliwanag ng young actress.
STEF'S IDOLS. May ginagaya ba siya o iniidolo sa pagiging kontrabida?
"Idol ko sa pagiging kontrabida? Ah, siguro... Dati nakita ko si Ms. Cherie Gil sa Lastikman, hindi pa ako marunong magsalita ng Tagalog. Kababalik ko lang from the States. Sobrang sabi ko, 'Napaka-effective nito, a.' I told my mom, 'Look, mom, I think she's mean.' Like, yung mukha niya mismo, kapag nakaseryoso talaga, parang mangangagat na. Parang nakakatakot na siya.
"Sa mga baguhang kontrabida, I think magaling si Kat [Katrina Halili]. Kasi nakita ko yung galing niya sa Langit sa Piling Mo, na kahit hindi siya yung super ingay... Kasi yung iba, sumisigaw, pero si Katrina, ginagamit niya talaga yung mata niya. Magaling siya. Mahusay yung kanyang facial expression. Magaling din para sa akin si Bianca [King]."
GLAIZA'S KONTRABIDA. Ayon kay Stef, noon pa raw niyang hinahangaan ang co-star niya sa Grazilda na si Glaiza bilang kontrabida.
"Si Glaiza [de Castro], magaling talaga siyang kontrabida. Nakasama ko siya sa Boys Nxt Door, mga four years ago. And nung time na yun, bida pa silang dalawa ni Marky [Cielo, RIP]. Sabi namin, sa tinagal-tagal niya sa showbiz, sa pagiging kontrabida pala siya bobongga.
"Nung napapanood ko siya sa Diva before, ang galing niyang gumamit ng mata. Umaarte talaga ang mata niya. Ang husay niya dun. Super-galing niya," paghanga ni Stef sa co-star niya.
Sa husay ni Glaiza, hindi ba siya nai-intimidate kapag kaeksena na niya ang magaling na aktres?
"Before sa Boys Nxt Door, hindi naman. Dito sa Grazilda, hindi pa kami nagkakasama sa eksena kasi pilot week pa lang kinukunan. Nasa fantasy world pa lang, wala pa yung mortal world. So, wala pa kaming eksena together. But I'm looking forward to it. Sana makayanan ko!" natatawang sabi niya.
How does it feel to be a kontrabida to Glaiza na kilala bilang magaling na kontrabida at ngayon, bida na?
"Actually, masayang-masaya ako para kay Glaiza. Nakita ko rin naman kung gaano siya katagal naghintay. Ang tagal na rin niya sa showbiz. Almost 10 years na rin yata. Nagsisimula pa siya sa kabilang network [ABS-CBN]. Sobrang hanga rin ako sa kanya kasi matagal din talaga siyang naghintay ng break.
"At lahat ng projects na ibinibigay sa kanya ng GMA, she shows that acting is her thing. Naipapakita niyang magaling talaga siyang umarte. So, nung nakuha siya sa Grazilda, kasi nag-audition kami, and she got the part, natuwa ako for her.
"I know, kayang-kaya niya and I know she deserves the role. Masaya ako for Glaiza kasi yung Grazilda, kakaiba siya. Mag-i-start si Grazilda bilang kontrabida tapos si Cinderella [Gwen Zamora] yung aapihin niya. Ang mangyayari, aapihin ni Grazilda si Cinderella kasi stepsister niya.
"So, si Ate Jolina [Magdangal], siya naman ay fairy godmother. Sobrang ganda ng role ni Ate Jolina doon. Tapos, iba-ban si Grazilda, mapupunta siya sa mortal world. Siya naman yung aapihin namin. Parang si Grazilda, naging Cinderella. So, yung kontrabida, magiging bida na."
"Sobrang natuwa ako sa story kasi since GMA is known for telefantasya, kakaiba naman siya. It's a story that you already heard before. Pero may bagong twist. Yun ang aabangan nila," patikim ni Stef sa magaganap sa bagong GMA fantaserye.
Handa na siyang apihin si Glaiza?
"Opo,"mabilis niyang sagot. "Handang-handa na. Para sa ikagaganda ng istorya namin. Gagawin ko ang lahat to make her suffer."
WORTH THE WAIT. Mukhang nagbunga na rin yung paghihintay ni Stef sa showbiz?
"Actually, parang hindi naman ako naghintay nang walang ginagawa," sabi niya. "Yung iba kasi sinasabi, 'Ay, mag-aaral na lang ako o magpapahinga muna ako.' Yung sa akin naman, nag-aaral ako pero may konting panahon pa rin ako sa showbiz para hindi ako totally mawala.
"Mahirap mawala, e. Sa dami ba naman ng bagong artists ngayon, baka mamaya, makalimutan ka na. So, kumbaga, patiently waiting lang ako. Kapag tinatanong ako, 'Hindi ka ba naiinip?' sabi ko, hindi. Siyempre, alam ko namang bibigyan ng project at opportunity yung mga nanalo sa StarStruck.
"And since yung ka-batch kong sina Aljur [Abrenica] at Kris [Bernal], okay na yung career nila, bongga na sila, feeling ko, panahon naman namin na mabigyan ng chance. So, 'eto na nga yun. Kahit papaano, hindi ako nawawalan ng project. So thankful ako sa GMA for the chance and the opportunity to prove my worth naman as an actress," saad pa ni Stef.
Pero dumating din ba yung time na tipong nadi-disappoint na siya?
"Nakakainggit siyempre kasi kasabayan ko, pero alam kong pana-panahon lang naman ito. Ganyan naman sa showbiz, di ba? Kailangan lang maging matiyaga ka. Maging patient. Eventually, mabibigyan ka rin naman ng chance to shine.
"Hindi rin naman ako naghahangad ng sobrang kasikatan. Ang sa akin lang, hindi lang ako mawala ng project, okay na ako. Pero kung mabibigyan ng chance, why not? Hindi natin aayawan 'yan.
"Lagi ko na lang iniisip that God has His own time naman. Basta't may talent ka—na sa tingin ko naman may talent naman ako—may mararating ka. So, kapag hindi ako busy, nag-enhance na lang ako. Nag-voice lessons ako. Nag-workshop on my own.
"Tapos after my debut, nag-break ako ng three months para sa sarili ko naman. So, ngayong nabibigyan ako ng break, okay, sabi ko, time to focus naman," sabi ni Stef.