GMA-7 grooms newcomer Gwen Zamora as "the next teleserye star"

IMAGE 0


"It feels good. It really feels good that people are taking care of me and that they see talent in me. Because they wouldn't take care of me pag wala silang nakikita. If they are giving me a lot of attention it means na may pressure talaga. But I'll just try to prove to people na kayang-kaya ko," says Gwen Zamora.


Malaki ang pasasalamat sa GMA-7 ng bagong Kapuso actress na si Gwen Zamora dahil sa pagbibigay sa kanya ng magandang role bilang si Cinderella sa latest telefantasyang Grazilda, na mapapanood na sa GMA Telebabad simula Lunes, September 13.

"Who would not be happy to play the role of Cinderella, na very popular fairy tale character, di ba? Every child loves her, everybody loves her story. Kaya I'm very happy and thankful to GMA for giving me this role," sambit ni Gwen nang ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Grazilda kagabi, September 7, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Dahil wala ngang hindi nakakakilala kay Cinderella, mas nakakaramdam daw ng pressure si Gwen.

"Of course, there is pressure. Like I said, very popular si Cinderella. Just by playing the role, meron nang pressure, lalo pa this is my first teleserye and I'm working with some of the best actors in the industry. Pero naka-focus lang ako sa work and hindi ko na lang iniisip yung pressure."

Aminado si Gwen na na-shock siya nang malaman niyang sa kanya napunta ang role ni Cinderella pagkatapos ng auditions.

"Shock po. But shock in a good way na parang super thankful kasi all my prayers were answered. Kasi I've wanted this for so long na po, e. I've been in the Philippines for a year. I've been doing workshops and working out kasi mataba po ako noon, e," sabi ni Gwen, na galing sa Australia.

Ano ang feeling niya na siya ang susunod na igu-groom ng GMA-7 bilang "next teleserye star"?

"It feels good. It really feels good that people are taking care of me and that they see talent in me. Because they wouldn't take care of me pag wala silang nakikita. If they are giving me a lot of attention it means na may pressure talaga. But I'll just try to prove to people na kayang-kaya ko," sabi ni Gwen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH GLAIZA. Gumaganap bilang isa sa wicked stepsisters ni Gwen sa Grazilda ang bidang si Glaiza de Castro as Grazilda. Kumusta namang katrabaho si Glaiza?

"It's great. Mabait siya and hindi mataray in real life, far different from her role. At saka magaling talaga siyang umarte," sagot ng newcomer.

Nakaranas na ba siya ng sampal kay Glaiza?

"Hindi pa naman. Wala pa kaming ganun eksena. Pinapahirapan pa lang niya ako, like yung may isang scene kami na kinakawawa nila ako kasi ang dami nilang inuutos. At saka nung inaaway niya ako."

Wish nga ni Gwen na maging close sila ni Glaiza habang ginagawa ang Grazilda.

"Sana maging friends kami. I can see naman na we can get along with each other," sabi niya.

THE NEW FAYE. Bukod sa kanyang Cinderella role sa Grazilda, hinaharap din ni Gwen ang malaking pressure sa pagganap naman bilang pinakabagong Faye at leading lady ni Vic Sotto sa pelikulang Agimat ni Enteng with Bong Revilla. Papalitan ni Gwen ang matagal nang gumaganap na Faye sa Enteng Kabisote movies na si Kristine Hermosa. Ang iba pang dating gumanap na Faye sa telebisyon ay sina Alice Dixson, Tweetie de Leon, at Dawn Zulueta.

"Yeah, a lot of pressure. So, pag nasa set na ako, zone out, focus. So far, the focus has been working."

Nakapag-first day shooting na raw siya two weeks ago at may shooting ulit sila this Friday, September 10, sa Tanay, Rizal. Kumustang kasama si Bossing Vic?

"He's very nice and very accommodating," sagot ng dalaga. "At first super kinabahan ako, pero mabait po siya. Super starstruck ako nung una but parang ignore na lang. In-ignore ko na lang yung nerbiyos ko."

SUPPORTIVE FAMILY. Ano ang reaksiyon ng family niya sa pagpasok niya sa showbiz?

"They're already prepared. It's not something like 'Wooh!' You see, I've talked to them about this. So, they're really supportive. Sometimes they help me sa script. They helped me dress up. Kasi minsan hindi ako fashionista. Yung mga pinsan ko, sila ang tumutulong sa akin. They are really supportive, which is good," lahad ni Gwen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ready na ba siya sa mga intriga?

"Ready-ready, yeah. Into one ear, out the other."

Sino ang nagturo sa kanya ng ganung attitude?

"Papa ko," sagot niya. "Kasi, parang he knows a little of showbiz kasi he used to model before in Australia. Parang alam niya yung mga intriga-intriga. So, he's really helping me."

Masasabing half-half si Gwen dahil ang daddy niya ay French-Italian habang Filipino-Vietnamese naman ang mommy niya.

ALJUR ABRENICA. No lovelife muna para sa 19-year-old na si Gwen dahil gusto nga muna niyang mag-focus sa career niya. Pero aminado siya na crush niya ang young actor na si Aljur Abrenica.

"Nakita ko siya sa Party Pilipinas, namula ako!" kinikilig na sabi ni Gwen. "Sabi niya, 'Hi, I'm Aljur.' Pero kilala na niya ako. Parang nag-joke siya. Tawa lang ako nang tawa."

Paano kung ligawan siya ni Aljur?

"Hmmm...wala na akong masabi. I'm contradicting myself!" natatawang wika ni Gwen.

Ano ba ang impression niya kay Aljur?

"Very Pinoy-looking. Gusto ko yun, e, very Pinoy tapos machong-macho. Tapos charming. His eyes speak when he talks to me."

Sa Grazilda ay si Benedict Campos ang Prince Charming niya. Gusto niya bang si Aljur ang maging Prince Charming niya in real life?

"Let's see," matipid na sagot niya.

Magiging happy raw siya kung magkakasama sila ni Aljur sa isang project. Bukod kay Aljur, gusto rin niyang makatrabaho si Richard Gutierrez.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN