Cherie Gil postpones New York vacation to play wicked stepmother in Grazilda

IMAGE 0


"Masyado lang ako na-identify sa ABS-CBN. Noon pa naman may offer ang GMA-7 sa akin. Nagkakataon lang na kapag may role sila for me, natanggap ko na ang offer ng Dos. Minsan naman, wala ako sa bansa kaya they have to get somebody else," says Cherie Gil.


Palipad na sana patungong New York City ang aktres na si Cherie Gil para bisitahin ang kanyang mga anak na nag-aaral doon at para ipagamot na rin ang kanyang lalamunan. Pero biglang dumating ang offer sa kanya na gumanap bilang wicked stepmother ni Glaiza de Castro sa bagong fantaserye ng GMA-7, ang Grazilda, kaya na-postpone ang kanyang pagpunta sa New York.

Kuwento ni Cherie sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "I told myself na after Rubi sa ABS-CBN, last series ko muna 'yon kasi naka-set na ang lahat para sa bakasyon ko. But I finished pa my other commitments, like yung stage play na Master Class for a month. After no'n, tuloy na ako sa New York. I need na rin kasi na magbakasyon and to have my throat treated.

"But then this offer came and it was really so hard to give up. Maganda ang role, e. Kahit na kontrabida, which is always the case, may magandang twist ang Grazilda.

"So, I had to check with my doctor kung okey lang na ma-postpone muna ang pagpapagamot ko because I have to do this series. For one season lang naman. Mga three months. Pinayagan naman niya ako and he just gave me medicines to take. Nag-promise naman ako na after the series, aasikasuhin ko na ang throat ko."

SECOND SOAP WITH GMA-7. Ito pa lang ang second time na gumawa ng series si Cherie sa Kapuso network. Ang una ay ang Now & Forever Presents Dangal (2006) with Jennylyn Mercado and Dennis Trillo.

Bakit tinanggap niya ang role bilang Veronna dito sa Grazilda?

"Bakit naman hindi?" natatatawa niyang sabi. "Masyado lang ako na-identify sa ABS-CBN. Noon pa naman may offer ang GMA-7 sa akin. Nagkakataon lang na kapag may role sila for me, natanggap ko na ang offer ng Dos. Minsan naman, wala ako sa bansa kaya they have to get somebody else.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This time, wala pa namang bagong offer ang ABS-CBN sa akin kaya I accepted Grazilda. Gusto ko naman na makatrabaho ang mga artista dito sa Kapuso network, di ba? For a change lang naman. I want to have this experience with GMA-7.

"I love working with new actors," sabi pa ng award-winning actress. "Mga aggressive kasi sila. They know na trabaho ito at natutuwa ako na very professional silang lahat. We all had fun doing the series.

Natuwa rin daw si Cherie sa script ng Grazilda. Akala nga niya ay makakasama siya sa fantasy world kunsaan naka-costume ang cast. Yun pala ay sa present world inilagay si Cherie.

"I thought kasi ako yung wicked stepmother sa mundo ng Fantasia. Kay Rio Locsin pala ang role na 'yon. Sa present world pala ako magiging wicked stepmother.

"Anyway, nag-request nga ako kay Direk Dominic [Zapata] na sana mabigyan ako ng chance na makapagsuot ng costumes. Titingnan daw niya kung paano magagawa 'yon.

WORKING WITH HER NEPHEW. First time ding makakatrabaho ni Cherie sa Grazilda ang kanyang pamangkin na si Geoff Eigenmann, na anak ng kapatid ni Cherie na si Michael de Mesa.

"In this series, hindi kami magkadugo ni Geoff. He protects Grazilda (Glaiza) na inaapi ko.

"Pero isa lang ang hiling ko, na hindi ko sasaktan physically ang pamangkin ko sa show. I can never slap Geoff. Hindi ko magagawa 'yon sa kanya. Puwede ko siyang sigawan or tarayan, but I can never make sampal.

"I love my nephews and nieces. Ayokong masaktan sila kahit na sabihin nating acting lang. Yun lang naman ang hiling ko sa kanila," saad ni Cherie.

Proud auntie nga si Cherie sa kanyang mga pamangkin na pumasok na rin sa showbiz. Nakakarating daw sa kanya ang professionalism sa trabaho ng kanyang mga pamangkin at pinupuri rin ang husay nila sa pag-arte

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Up to date ako sa activities ng mga pamangkin ko," sabi ni Cherie. "Like si Geoff, I know he's been doing great projects like Rosalinda and Basahang Ginto. Magaganda ang mga sinasabi nila about his performance and attitude.

"I'm also in touch with Sid [Lucero], Gabby [Eigenmann] and Andi [Eigenmann]. I've been getting good feedback from other people tungkol sa kanila. I am very proud of them.

"Lalo na siguro ang mga parents nila, especially Ralph [Eigenmann a.k.a. Mark Gil], kasi lahat ng mga anak niya nasa showbiz na. Si Mike [Michael de Mesa] naman, he's always in touch with us. Proud siya sa achievements ng mga anak niya.

"Ako naman," patuloy niya, "bilang Tita Cherie nila, I always impart to them ang importance ng pakikisama at pagiging professional sa trabaho.

"We might only see one another kapag may reunion kami or any special event in our family. But I make them feel special sa akin. Lahat sila mahal ko and I am very happy sa mga nararating na nila ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN