Joey de Leon says entertainers must always remember: "Empleyado ka."

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg">

IMAGE 0


Veteran comic Joey de Leon has two new shows with TV5, but the talk of the town is Willie Revillame's program on the Kapatid network. The House or Not host says he has no problem with that, but demurs, "Kunwari sasadyain nung istasyon [na] iba-back-to-back kayo. E, siguro sa parteng yun, to be honest, medyo teka muna... parang ang pangit naman, di ba?"


Araw at gabi nang napapanood sa telebisyon si Joey de Leon.

Sa GMA-7, mula Lunes hanggang Sabago ay makikita siya sa noontime show na Eat Bulaga!

Sa hapon naman ng Sabado, ay kasabay niyang hino-host ang showbiz talk show na Startalk with Lolit Solis, Butch Francisco at Ricky Lo.

At sa gabi ng Linggo ay nasa talk show siyang Mel & Joey with Mel Tiangco.

Sa TV5 naman, gabi-gabi ay mapapanood siya sa bagong gag show na Wow, Meganon?! with comic DJ Mr. Fu.

At sa Linggo ng tanghali, bago sumalang ang musical variety show na PO5, ang game show niyang House or Not ang matutunghayan.

COUCH POTATO. Kaya naitanong tuloy ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Joey kung may pahinga pa ba ito.

Sinabi niyang nakakatulog pa rin naman siya.

"Wala akong extra-curricular, e," bungad niyang pahayag. "Wala nga akong golf, wala akong club, walang bar. Biyahe lang ang pinaka-break ko, e.

"TV lang, kaya nga alam ko lahat ng shows, e. Pag-uwi ko ng bahay, anong tawag doon, couch potato. Tinutuhog ko 'yan, mula Tweetbitz, SNN... Juicy... may replay pa nga ang Tweetbitz, e."

Kasama niya ang pamilya sa panonood ng telebisyon, "Kaya nga kuwela, e, nagtatawanan kami sa mga tsismis. Mga anak ko nga pag umuuwi, 'Daddy anong latest?'"

Matagal na siya sa television business. Bakit hindi niya naisipang kumuha ng mga commercial plug at mangumisyon sa mga programa niya?

Sagot niya, "Mahina ako sa business. 'Saka ayoko nang gano'n para hindi ako nakatali. Actually, yun yun, e. Nakatali kang kailangan gawin mo.

"Kaya wala akong exchange deal, e, na kailangang banggitin ko itong, 'Thank you to my..." Kaya ang joke namin ni Vic, pag may tiga-Bulaga na thank you kay gano'n, kay ganito—'Uy, gumastos naman kayo!'"

WILLIE'S PROBLEM. Hindi raw pinagdudahan ni Joey ang nababalitang paglipat ni Willie Revillame sa GMA-7 o sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaki na ang problema niya, e. Problema na niya yun... hindi naman kami gano'ng kasamang tao para pakialaman pa yun. Hindi naman kami ang may-ari ng istasyon," sey niya.

Pero okey lang bang lumipat si Willie sa alinman sa dalawang network?

"Hindi ko masagot yung 'okey lang'... Ang pangit lang kasi na kunwari sasadyain nung istasyon [na] iba-back-to-back kayo, yung mga gano'n. E, siguro sa parteng yun, to be honest, medyo teka muna... parang ang pangit naman, di ba?

"Magkatapat kayo? 'Saka hindi natin alam kung babalik pa din yun doon [sa ABS-CBN]. Baka mam'ya nandoon uli siya," sagot ni Joey.

Ano ang pag-analisa niya sa mga nangyari sa pagitan ni Willie at ng dating home network?

"Walang analysis doon," tugon niya. "Dapat nagbati na lang sila, tapos na, e. Ayokong sagutin sana, e. Hehehehehe, 'yan ang isusulat ninyo, e! Hahahaha!...

"Dapat lang lumamig lang ang ulo niya. Ahmm, binati na niya agad si ano. O nag-usap na lang sila... Hindi ko rin alam kung ano yung ano ng company sa kanya, kung ano ang feelings sa kanya.

"'Saka parang inano mo yung company, di ba, hinamon? Parang 'bigat yun."

Hindi ba siya nakarating sa puntong may gusto rin siyang patanggal sa show niya?

"'Yan na nga ang sinasabi ko, e. Dapat hanggang ngayon, empleyado ka, empleyado ka. Huwag kang pumapel na ikaw ang may-ari. Kasi kailangan mo sila. Mas binild-up ka nila," paniniwala niya.

CLEARING HIS NAME. Minsan na ring nagbanta si Joey na aalis sa Eat Bulaga!, dahil pinigilan siyang magsalita sa programa para linisin ang kanyang pangalan.

Ito iyong naganap ang malagim na stampede sa ULTRA Stadium involving Wowowee noong February 4, 2006, kunsaan 78 ang namatay at 400 ang sugatan, at siya ay itinuro ng kabilang istasyon na pinagtawanan pa raw ang insidente.

Naiintindihan ni Joey na ang Bulaga ay isang peace-loving program, kaya hindi siya pinayagang pagsalitain upang maiwasan ang gulo at isyu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagkasunud-sunod ang bira sa kanya ng kabilang istasyon, kaya sa halip na sa Bulaga siya nagsalita, ginamit niya ang Startalk bilang venue para ipagtanggol ang sarili.

Naging emosyonal si Joey nang ilabas ang kanyang sama ng loob sa showbiz talk show.

Pero matapos raw nito ay nagkaayos naman sila ng Bulaga management, at hanggang ngayon ay nananatiling matibay ang bond nila.

Dito naman sa bagong gusot ni Willie, ang masasabi niya, "Lahat na ng grasya nasa kanya na, e. Ayaw mo pa ba no'n?"

LONGEST-RUNNING TV SHOW. Proud si Joey na ang Eat Bulaga! ang pinakamatagal nang palabas sa Philippine television. Nag-umpisa ito nung 1979 sa RPN-9 (now Solar TV).

"Siguro kasi sumasabay kami sa agos. Kung ano ang uso, ginagawa lang namin," pakiwari niya sa sikreto ng success nito.

Binanggit nga raw ni Joey sa column niya sa Philippine Star na ang Eat Bulaga!, on its 31st year, ay may "same title, same lead hosts, same time, 'tapos three networks, six presidents. Mabigat yung record niya, e.

"Sabi ko, 'We deserve a standing ovation.' 'Tapos kinorek ko. Hindi pala standing ovation, 'withstanding ovation,' hehehehehe! Na-survive namin, e. Na-outlead naming lahat yun.

"Hindi namin alam kung anong sikreto...

"Kaya nga kayo, kapag sinasabi ninyo sa akin na may bago kayong show na katapat, ano ba? Hindi na kami nagri-react sa ganyan, e.

"Kasi we believe na hindi kami basta iiwanan ng kasama namin for 31 years. Hindi ka basta lilipat... unless pangako ng kalaban ninyo na lahat kayong nanonood, 'Bibigyan namin kayo ng P1 million a month para manood sa amin!'"

May panahong nagdi-dip din ang rating ng Bulaga, pero "hindi naman nawawala yun e... The first time was... naalala ko yung kay Randy Santiago [at a competing show], yung shades na ganyan. Ipinangtapat namin si Aiza Seguerra. Bumalik," kuwento ni Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung anu-ano nang programa ang itinapat sa Bulaga. Ang Showtime ang pinaka-latest, matapos ilagay sa ibang time slot ang dating katapat na Pilipinas, Win na Win!

IMMUNE TO RATINGS. Pero nananatili pa ring moog sa tigas na hindi natitinag ang Eat Bulaga!.

"Hindi na namin pinapansin ang ratings, e. Nag-uusap nga kami nila Vic [Sotto]. Never kaming nag-claim na number one kami. No-no sa amin yan, e, magsalita. Pinapagalitan namin...

"N'ong nabubuhay pa si Francis [Magalona, sinabi niya,] 'We will be back with the number one noontime show.' Pinapatawag namin 'yan. 'Pare, Pare, ayaw namin ng line na yun.' Never kaming nagsabi no'n.

"Kasi sa noontime, we believe two can survive. With the advent of the remote control, kahit three can survive. Lahat kayo puwede.

"Pag nag-commercial kayo, problema mo pag mahaba ang commercial mo, mahaba ka ring wala. So, yung A lilipat sa B. Lahat can survive, e."

Hindi rin daw masyadong kabado si Joey na ipinagtapat ang kanyang TV5 game show na House or Not, sa dalawang musical variety shows na Party Pilipinas ng GMA-7 at ASAP ng ABS-CBN.

"Hindi ako kampante, pero naniniwala ako na alternatibo siya. Ngayon, kung ginawa ko na pareho rin na, kunwari, PO5 rin ang style, ASAP o Party Pilipinas, magkakaproblema ka.

"Kasi game show ka, e. Yung mga mahihilig sa iba na masaya naman.

"Basta, hindi na kami yung, 'Sino kalaban?' Makikibalita kami—kasi nagmo-monitor kami, e. 'Si ano guest nila. Oh!' Hindi na, nalusutan na namin, 31 years na kami.

"Basta kami, natural na lang kung ano yung dumating."

" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg">


" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg"> " data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23172/joey-de-leon-says-entertainersmust-always-remember-empleyado-ka--" data-desc="Eat Bulaga! is the longest-running show on Philippine television." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/a99755836.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN