Willie Revillame's new show on TV5 pushing through despite legal issues with ABS-CBN?

IMAGE 0


If everything falls into place, viewers will see Willie Revillame hosting on TV again. But this time, on another network. Reports say Willie's new show will be on TV5, but details remain unclear.


Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng TV host na si Willie Revillame para sa kanyang bagong show sa bakuran ng TV5, gaya ng unang naiulat sa PEP Alerts noong September 8.

Ayon sa isang source na may kinalaman sa produksiyon ng bagong show, mahigit isang linggo na ang ginagawang pag-eensayo ng grupo ni Willie.

Karamihan sa grupo ay ang mga nag-resign na dancers at staff ng Wowowee, ang dating noontime show ni Willie sa bakuran ng ABS-CBN.

Mahigit tatlumpung empleyado ng Wowowee, ayon sa bilang ng PEP source, ang nagsi-resign bilang suporta kay Willie nang magdesisyon ang pamunuan ng Kapamilya network na palitan ang Wowowee ng Pilipinas, Win Na Win!

Lahat sila ay tinanggap ni Willie para raw sa anumang proyektong sisimulan niya.

Noong Miyerkules ng gabi, September 8, nasaksihan mismo ng reporter na ito ang rehearsals ng mga dancer ng sisimulang TV show ni Willie sa Kapatid network. Ginanap ito sa isang studio ng Viva Entertainment sa Scout MadriƱan, Quezon City.

Hindi namin namataan si Willie nung Miyerkoles, pero isang regular na tao sa studio ang nagsabing halos araw-araw ay nandoon ang TV host.

Dagdag pa ng taong ito, ang bagong show ni Willie sa TV5 ay co-production ng TV host at ng Viva Entertainment, na pinamumunuan ni Vic del Rosario, na officially ay nasa kampo na ni Willie. Si "Boss Vic" daw ang broker ni Willie sa mga negosasyon nito para sa mga proyekto.

May bali-balitang isang afternoon variety show ang proyekto. Meron ding lumabas na report na primetime ang timeslot nito, 6-8 p.m.

Pero ayon sa source, "Noontime show 'yon, pero hindi live."

Kung totoo ang mga usap-usapan, ang magiging title ng bagong show ni Willie ay Wiling-Willie Kami!

ONGOING LEGAL BATTLE. Magsisimula na raw mag-taping ang bagong programa anytime this week.

At kung wala raw magiging aberya ay malamang na magsimula na itong ipalabas bago matapos ang Setyembre. Pero may nagsasabi ring sa October 10 ito magsisimula, para 10-10-10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung anumang araw magsimula ang show ni Willie, marami ang nag-aabang kung matutuloy nga ito.

As of press time, hindi pa rin naaayos ang legal battle sa pagitan nina Willie at ng ABS-CBN. (CLICK HERE to read related story.)

Matatandaang sinampahan ni Willie ng P11.5-million case ang ABS-CBN dahil sa pagkakatanggal niya at ng Wowowee sa ere noong July 31, 2010.

Sa formal complaint ni Willie noong August 20, hiniling ng TV host sa korte na bigyan ng "judicial confirmation" ang pagpapawalang-bisa ng kanyang kontrata with ABS-CBN, na sa September 2011 pa matatapos.

Pero iginiit naman ng ABS-CBN na si Willie ang nag-violate ng "behavioral provisions" ng kanyang kontrata kung kaya't wala siyang karapatan na tapusin ito nang mag-isa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN