(UPDATED) FIRST READ ON PEP: Marian Rivera and Bela Padilla officially end their rift

IMAGE 0


Marian Rivera (right) and Bela Padilla (left) settled their rift in a meeting initiated by GMA executive Wilma Galvante earlier this afternoon, September 14.


Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng report ngayon lamang hapon, September 14, na nagkaayos na sina Marian Rivera at Bela Padilla.

Nangyari ang paghaharap nina Marian at Bela sa opisina ni Ms. Wilma Galvante, ang SVP for Entertainment TV ng Kapuso Network, kaninang bandang alas-kuwatro ng hapon.

Kasama ni Marian sa naturang closed-door meeting ang kanyang manager na si Popoy Caritativo.

Kasama naman ni Bela ang mga manager niyang sina Claire dela Fuente at Ms. Ida Henares ng GMA Artist Center, na magkatulong na nangangalaga sa kanyang career.

Naroon din ang GMA Films President na si Ms. Annette Gozon-Abrogar.

Ayon sa PEP contributor na si Ruel Mendoza, bagamat naroon ang crew ng GMA News at ng showbiz talks shows na Startalk at Showbiz Central, hindi pinayagan ang mga ito na kunan ang mga kaganapan sa loob ng opisina.

Nakunan lamang nila sina Marian at Bela sa pagpasok at paglabas ng mga ito sa opisina ni Ms. Wilma.

Tumagal ang closed-door meeting ng "10 to 15 minutes," ayon kay Ruel.

Pagkatapos ng meeting ay nanatili pa si Bela at kinausap pa ni Ms. Wilma. Kapansin-pansin daw ang pagiging masaya ni Bela sa kinahinatnan ng meeting na iyon.

Si Marian naman daw ay nagmamadaling umalis kasama ang kanyang manager.

Upang malaman kung bakit nagmamadali si Marian, nag-text ang PEP kay Popoy Caritativo. Ito ang sagot ng talent manager sa pamamagitan din ng text message:

"She went straight to Dingdong who is confined in the hospital and is undergoing a series of tests."

Nang mag-text uli ang PEP upang ipaalam ang pag-upload ng sagot niya, sumang-ayon si Popoy. Dagdag niya, "That's the truth."

Hindi na pinainterbyu ni Ms. Wilma sina Marian at Bela sa crew ng Startalk at Showbiz Central. Sa halip ay si Ms. Wilma na lamang ang humarap sa media.

Bagamat hindi idinetalye ng GMA-7 executive ang eksaktong nangyari o pinag-usapan sa loob ng kanyang opisina, sinabi nito na nagkaayos na sina Marian at Bela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Ms. Wilma, pagkatapos pumutok ng isyu sa pagitan nina Marian at Bela ay agad pinag-usapan ng management ang paghaharap ng dalawa.

"Blown out of proportion" lamang daw ang isyu at hindi na dapat lumaki.

Matapos ng miting, nag-issue ng official statement ang GMA-7 management.

Narito ang kanilang pahayag:

"GMA Management met with all parties concerned surrounding the alleged issues that happened on the set of Endless Love.

"An agreement has been reached not to give further comment or opinion on the matter that has, unfortunately, been blown way out of proportion.

"Marian Rivera, being GMA's prime artist, has agreed to put this matter behind.

"Bela Padilla, on the other hand, being one of GMA's newest talents and potential stars as well, has also graciously agreed to comply.

"The Network acknowledges that misunderstandings and disagreements are inevitable as we go through demanding production assignments. Harmony and professionalism should nonetheless prevail.

"We request everyone to respect the decision of both parties to put this matter to rest.

"Thank you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN