FIRST READ ON PEP Update on the Claudine Barretto-Angelica Panganiban rift: A possible peace

IMAGE 0


"All that Angelica ever wanted was for Claudine to stop all the harrassment and false accusations against her. Mukhang tumigil naman din po si Claudine," says Atty. Joji Alonso, legal counsel of Angelica Panganiban (left), to explain the latest development in the rift between her client and Claudine Barretto (right).


Isang linggo nang walang naririnig tungkol sa alitan nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban. Ang huling artikulong lumabas sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng isyung ito ay noong Setyembre 3. (CLICK HERE to read related story.)

Malinaw na pinili munang manahimik ng magkabilang kampo matapos silang maglabas ng kani-kanilang pahayag.

Ngunit lingid sa media, ang katahimikan ay sinabayan ng behind-the-scenes work ng mga manager ng dalawang aktres.

Si Shirley Kuan, ang manager ni Claudine, ay regular at kusang nakikipag-usap kina Johnny Manahan, ang chairman emeritus ng Star Magic, at Mariole Alberto, ang head ng Star Magic, na nanatili namang bukas sa paghahanap ng solusyon sa problema.

Matatandaang unang nagsalita si Claudine nang akusahan niya si Angelica ng pagkakalat diumano na may relasyon siya sa best friend ni Derek Ramsay na si Martin Castro.

Sinabi rin ni Claudine, na kasal sa aktor na si Raymart Santiago, na ang pakay ni Angelica ay sirain ang pagkakaibigan ng boyfriend nitong si Derek at ng non-showbiz guy na si Martin. (CLICK HERE to read related story.)

Sa panig naman ni Angelica, nagsalita para sa kanya si Johnny Manahan—o mas kilala sa bansag na Mr. M.

Ang Star Magic, talent arm ng ABS-CBN, ang nangangalaga sa career ni Angelica, at nangalaga rin sa career ni Claudine noong nasa bakuran pa ito ng Kapamilya network.

Sa magkakahiwalay na text messages na ipinadala ni Mr. M sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ay malinaw ang mensaheng ipinarating nila kay Claudine:

Una, hindi natatakot ang Star Magic sa banta ni Claudine na idemanda si Angelica. Pangalawa, ang dahilan ng pananahimik ni Angelica ay dahil ang sasabihin nito ay maaaring makasira sa career ni Claudine. At pangatlo, kung hindi ititigil ni Claudine ang pagkakalat ng mga mapanirang akusasyon kay Angelica, mapipilitan silang gumawa ng legal na hakbang.

Kaugnay ng huli, nagpadala na ang legal counsel ni Angelica na si Atty. Joji Alonso ng "final demand letter" kay Claudine kaugnay ng "false accusations" at "grave threats" nito laban kay Angelica. (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Upang alamin kung ano na ang bagong kaganapan sa alitang Claudine Barretto at Angelica Panganiban ay hiningan namin ng pahayag si Atty. Joji Alonso. Narito ang pahayag ng abugado via text message:

"All that Angelica ever wanted was for Claudine to stop all the harrassment and false accusations against her. Mukhang tumigil naman din po si Claudine. At patuloy na nag-uusap sina Shirley Kuan at ang Star Magic kung paano matutuldukan ito, at nang malinis ang pangalan ni Angelica.

"Sobrang nasaktan at na-traumatize si Angelica sa mga pangyayari. She is still in the process of healing.

"Letting it go remains as an option. After all, they are both young and belong to a small industry. But then, the final decision will rest on a number of considerations. Sana nga lang, patuloy na ang pananahimik ni Claudine at lubayan na nang lubusan si Angelica."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN