Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Star Magic vehemently denies malicious rumor about John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao

Sep 13, 2010
Star Magic, the talent arm of ABS-CBN, has denied a malicious rumor, which began as a blind-item report, saying that sweethearts John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao were brought to the hospital because of a very rare medical condition called "penis captivus."

Pinabulaanan ng Star Magic ang tingin nitong malisyosong balitang kumakalat kaugnay sa dalawang talents nila, ang magkarelasyong sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao.

Ang Star Magic ang talent arm ng ABS-CBN, kung saan parehong nakakontrata sina John Lloyd at Shaina. Ang head nito ay si Ms. Mariole Alberto.

Nitong nakaraang linggo, nagsimula ang mga tanong tungkol sa blind items na sangkot ang isang celebrity couple.

Iba't ibang reports sa tabloids at radyo ang lumabas na lumikha ng ugong at mga espekulasyon sa katauhan ng dalawa.

Hanggang sa tuluyan na ngang pinangalanan ang showbiz couple bilang sina John Lloyd at Shaina.

Sa kumalat na intriga, diumano'y sabay na isinugod sa ospital sina John Lloyd at Shaina. sa isang eksenang binahiran ng malisya dahil may involved na elemento ng sex dito.

Base sa mga kumalat na balita, ang kundisyong dinanas umano ng celebrity couple ay may medical term na penis captivus.

Continue reading below ↓

Ayon sa wordiq.com, penis captivus "is a possible urban legend describing an event that allegedly happens in rare instances during heterosexual intercourse when the muscles in the vagina clamp down on the penis much more firmly than usual, making it impossible for the penis to withdraw from the vagina regardless of erection status."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

A BIG LIE. Ayon sa statement na ipinadala ng Star Magic sa The Buzz, isang malaking kasinungalingan ang balitang sabay na isinugod sa ospital sina John Lloyd at Shaina.

Base sa nakuhang impormasyon ng The Buzz:

Una, ayon na rin sa isang insider sa tinutukoy na ospital na pinagdalhan daw kina John Lloyd at Shaina, walang anumang eksenang naganap na sangkot ang magkasintahan, o sabay silang dalawa.

Ni anino ng dalawa ay hindi raw nakikita sa premises ng ospital.

Ikalawa, sa panahong tinukoy ng diumano insidenteng ito ay kapwa abala sa trabaho ang dalawa.

Nagte-taping noon si Shaina para sa nalalapit niyang teleseryeng Precious Hearts Romances Presents Alyna.

Continue reading below ↓

Habang si John Lloyd naman ay puspusan din ang taping para sa upcoming primetime show niyang Imortal with Angel Locsin. Karamihan daw sa mga eksena nito ay kinukunan pa sa labas ng Metro Manila.

Pero sa kabila ng mga intriga, isang mapayapa at masayang magkarelasyon ang nakita ng lahat ng dumalo sa 4th Star Magic Ball sa Makati noong September 5 sa Shangri-La Makati.

Walang bahid ng lungkot o pagkabahala ang nakita kina John Lloyd at Shaina na sabay na dumating sa naturang pormal na event.

Sa gitna ng maraming espekulasyon, piniling manahimik ng dalawa.

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Star Magic, the talent arm of ABS-CBN, has denied a malicious rumor, which began as a blind-item report, saying that sweethearts John Lloyd Cruz and Shaina Magdayao were brought to the hospital because of a very rare medical condition called "penis captivus."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results