Gary V. on rift between wife Angeli and Annabelle Rama: "From the Valenciano family, this is a closed issue."

IMAGE 0


"[There's] always a time and a place to talk about certain things. Magsigawan kayo, mag-ano kayo, okay lang. Pero when it happens in public kasi, parang iba na," says Gary Valenciano (main photo) about the confrontation between his wife Angeli Pangilinan (inset, top) and Annabelle Rama (inset, bottom).


Sa live guest appearance ni Gary Valenciano sa The Buzz kahapon, September 12, ipinagtanggol ng tanyag na singer ang asawa at manager niyang si Angeli Pangilinan sa alitan nito kay Annabelle Rama, na isa ring talent manager.

Nagpaliwanag din si Gary sa lumabas na balitang nagalit siya sa ginawang pagkumpronta ni Annabelle kay Angeli sa birthday party ni Ogie Alcasid noong August 27.

May kinalaman ito sa diumano'y unsolicited advice ni Angeli sa anak ni Annabelle na si Ruffa Gutierrez, tungkol sa pagpaparetoke raw ng mukha ng actress-TV host.

"Dun sa lumabas na balitang galit daw ako," simula ni Gary, "I think, and I will forever say this, I think yun ang reaction ng kahit sino naman, e.

"Kapag iyan ang nangyari sa mahal mo sa buhay, you will react with a certain anger na parang galit ka sa nangyari. Pero that was what I felt.

"Sa ngayon, I'm okay. My heart is fine, Angeli's heart is fine.

"Kung anuman ang naririnig pa namin tungkol sa isyung ito, you know, hindi na namin gagawing problema ito."

Gusto raw paniwalaan ni Gary ang message ni Annabelle sa Twitter account nito na ayaw na nitong pahabain ang isyu.

"I think, kanina, Tita Annabelle said na ayaw na niyang pahabain pa. And I think that's the right thing to do.

"Ang sa akin lang...siguro my final statement would be, there's always a time and a place to talk about certain things.

"Magsigawan kayo, mag-ano kayo, okay lang. Pero when it happens in public kasi, parang iba na," sabi ni Gary sa panayam sa kanya ni Toni Gonzaga.

Bagamat sinabi ni Annabelle sa kanyang Twitter account na ayaw na niyang pahabain ang isyu, taliwas naman ito sa sinabi niya sa kanyang interview sa Paparazzi kahapon din, Sept. 12.

Ayon kay Annabelle, hindi pa tapos ang issue sa kanila ni Angeli, dahil hindi pa ito nagso-sorry sa kanya at sa kanyang anak na si Ruffa Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

OLD FRIENDS. Nalulungkot si Gary sa nangyari dahil may magandang pinagdaanan naman daw sina Ruffa at Angeli.

Sandali kasing hinawakan ni Angeli si Ruffa noon bilang talent, bago tuluyang si Annabelle ang nag-manage sa anak.

Sabi ni Mr. Pure Energy, "Between my wife and Ruffa kasi, magkakilala na yung dalawang yun noong-noon pa.

"At that time, si Angeli, lagi siyang tine-text [ni Ruffa], you know, like a mom. She was asked for advice.

"Being the kind of person she [Angeli] is, ibibigay niya kung ano yung nasa puso niya, kung ano yung totoo, kung ano yung dapat marinig.

"And what I do know is that, I think, as the days gone by, through text also, naayos na rin yung problema between the two, between Ruffa and Angeli."

After that incident ay nagkaroon ba ulit sila ng face-to-face na pagkikita o pag-uusap?

"No, no. I haven't seen Tita Annabelle up close again nor has Angeli," sagot ni Gary.

BACKING UP ANGELI. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng kaalitan si Angeli sa showbiz. Paano hina-handle ni Gary ang ganitong sitwasyon?

"Ang akala kasi ng marami, pag may nangyayari sa asawa ko, parang wala akong alam. Kasi hindi ako nagre-react, e. Lagi akong tahimik.

"Pero pagdating namin sa bahay, talagang pinag-uusapan namin. Hindi lang ako at saka si Angeli.

"Pero nandun din si Paolo [panganay nina Gary at Angeli]. Paolo is 25 years old na.

"So, talagang ina-analyze din namin kung ano yung dapat...kung paano ma-handle yung isang sitwasyon. And then we pray.

"We do pray, and then we ask God to seek our hearts kung meron talaga kaming ginawang mali.

"Kung hindi naintindihan ng isang party, sana dumating din yung panahon na mauunawaan din kami, or Angeli for that matter."

Sa totoo lang daw, napakamatulungin talaga ni Angeli, at wala itong pinipiling oras sa pagtulong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I back my wife up sa lahat ng ginagawa niya," sabi ni Gary.

"Minsan alas-tres ng umaga, alas-dos ng umaga, may mga artista mismo na tumatawag sa kanya or nagte-text sa kanya, 'Tita, I need your help. Pa-advise lang po kung puwede.'

"O, sige. Alangan naman [hindi pansinin], di ba?

"If it is a text that comes at that early in the morning, ibig sabihin importante siguro ito, yung hinihingi ng tao.

"So, she does her part na tulungan kahit papaano pag may text sa kanya."

Ibinunyag din ni Gary na noong mangyari yung confrontation sa pagitan nina Angeli at Annabelle ay present siya sa naturang birthday party ni Ogie.

"Nandoon ako. Doon ko masasabi talaga na medyo kahit anong sabihin ng ibang tao—admirable talaga ako, yung asawa ko.

"Kasi pagpasok na pagpasok namin, nandun si Ogie and I saw Kyla. And then, nagpa-picture ako.

"Nakita yata ni Angeli si Tita Annabelle doon sa isang table. Lumabas na siya doon para i-greet lahat ng mga nandoon sa table.

"Hindi ko nakita mismo yung confrontation na yun. Pero nandoon ako, as in siguro mga 20 feet lang away.

"Tapos, nakita ko si Angeli, palapit sa akin. Sabi niya, 'Hay, I can't breathe.'

"Why, what's wrong?

"Sa harap ni Ogie, 'May nangyari, e.'

"Tapos, ikinuwento niya briefly. Tapos when I looked at that [table nina Annabelle], tuluy-tuloy pa rin ang nangyayari.

"Parang hindi ko maintindihan. It's Ogie's party. He's the president of OPM [Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit].

"Ako yung vice president. Hindi nag-swak dun sa scenario na yun.

"Tapos, lumabas si Angeli. Sabi niya, 'I'll go out first.' Kasi parang hindi na niya kaya.

"Tapos ang sabi sa akin ni Kathleen Go [Universal Records lady boss], 'Go to Angeli. She needs you there.'

"Kasi I wanted to ask what happened. So, I went out. Tapos dun na, bumigay na dun si Angeli. Shocking lang," salaysay ni Gary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WANTS TO END THE ISSUE. Madalas sabihin ni Gary na si Angeli ang source of strength niya sa lahat ng bagay.

Sa ganung pagkakataon na nakita niyang lumuha ang asawa, ano ang feeling niya?

"Yun nga, because I'm her husband.

"Alam mo, lahat tayo dito magkapamilya, di ba?

"Kung meron akong kaibigan na kahit na galing sa ibang istasyon, pag kaibigan ko. at somebody comes and treats that person in a certain way, magagalit ka talaga.

"E, 'eto, asawa ko. So, siyempre nandun ako.

"Nung nangyari yun, yung initial reaction is just an initial reaction. And a natural reaction for any husband to react that way to a wife na ganun ang pagtrato sa kanya.

"Tama yung sinabi mo, Toni, na wala ako dito kung hindi dahil kay Angeli.

"Kaso, hindi yun nakikita ng lahat ng tao. Hindi nauunawaan ng mga tao.

"Hindi nauunawaan ng mga tao kung bakit kami istrikto sa diet ko.

"Kasi, yun nga, naranasan na ni Angeli yung dilated na ang mata ko. Sinasampal ang mukha ko, pero hindi na ako gumagalaw.

"Pero hindi nakikita ng tao yun," saad ni Gary, na ang tinutukoy ay ang pagkakaroon niya ng sakit na diabetes.

Patuloy niya, "So, naniniwala kami na dahil sa prayers namin, every time we meet... Darating ang araw na mauunawaan din ng mga detractors ni Angeli kung ano yung talagang nilalaman ng puso ng asawa ko.

"Sa bawat artist, actually hindi lang artists...sa bawat lumalapit sa kanya na humingi ng tulong."

MESSAGE TO ANNABELLE & ANGELI. Para raw kay Gary ay tapos na ang isyung ito. Pero may gusto lang siyang sabihin kay Annabelle.

"We love your daughter, Tita Annabelle. Your family—from Richard, Raymond, all of them, and Ruffa.

"Nakita ko rin yung tuwa na, especially with Ruffa, yung ngiti ni Angeli pag nag-uusap sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag lumalapit siya sa akin before we go to bed. 'O, hon, let's pray for Ruffa kasi she wants to do this. I hope na makuha niya yung project, ganyan-ganyan.'"

Addressing Annabelle, sabi ni Gary, "I thank you na nasabi mo na sana huwag nang pahabain ito. I agree with you.

"Tita Annabelle, sana one time we can talk.

"And you know, God bless you. Lahat ng...all your plans for your family. I love Tito Eddie. I think alam n'yo na 'yan.

"I guess that's all I can say. Just God bless you, Tita Annabelle. From the Valenciano family, this is a closed issue. And we'll just move on from there."

May mensahe rin si Gary for Angeli.

"If there's any message that I want to give her, 'Angeli, if somebody comes to you, pag may lumapit sa iyo at humingi ng tulong at konting advice, you have the backup of your husband.

"Go for it. Speak to them.

"Any word that you say, ang sabi nga ni Lord, di ba, kung anuman ang sabihin mo sa kanya, hindi babalik sa iyo hangga't hindi pa nabubuo yung purpose kung bakit mo sinabi yun sa taong yun.

"Angeli, you have my support. I love you. And I'll back you up 100 percent... 200 percent."

MUSIC VIDEO. Sa huli, hindi naman napigilan ng host na si Toni Gonzaga na linawin kay Gary ang natamong sugat ng singer sa kamay nang mag-shoot ito ng latest music video niya.

Dito ay direktor pa ng singer ang boyfriend ni Toni na si Paul Soriano.

Gustong malaman ni Toni kung may kinalaman ba ang issue kina Angeli at Annabelle kaya naging intense ang isang eksena sa music video at napasuntok ito sa pader.

Ito kasi ang naging dahilan ng pagkasugat ng kamay ng singer.

"Hindi, kasi sabi ni Direk Paul, na parang yun ang scene na parang wanting to break free. So, talagang parang I internalized na lang," paliwanag ni Gary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Walang kinalaman ang isyu rito?

"Ay, hindi, wala."

Ang naturang music video ng kantang "Did It Ever?" ay may kinalaman sa ilalabas na bagong album ni Gary na pinamagatang Replay.

Dito ay kinuha niya ang ibang kantang kasama sa old albums niya na potential hits sana, pero hindi na-promote. Inaasahan niyang ngayon ay mapapansin ang mga kantang ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN