Regine Velasquez thanks friends who offered to help in her wedding

IMAGE 0


"Siyempre, much as we want to invite everybody, hindi naman pwede dahil maliit ang lugar," says Regine Velasquez on how many guests she will invite on her wedding day this December.


Malaki ang pasasalamat ni Regine Velasquez sa mga kaibigan na nagpaabot ng kanilang maitutulong sa nalalapit niyang pagpapakasal sa kasintahang si Ogie Alcasid sa darating na Disyembre.

"We're very happy kasi, siyempre, lahat sila willing to sing in our wedding. Hindi pa namin alam kung sinu-sino talaga at kung sinu-sino ang pwede," ani Regine sa anniversary party ng PPL Entertainment noong Biyernes, September 10, sa C3 Events Place, Greenshills, San Juan City.

Bukod sa mga ilan nang tumango na kakanta sa pinakahihintay na araw nina Regine at Ogie, may ilan na rin na umako ng ilang gastusin para sa kasal.

Isa na rito ang beauty surgeon na si Dr. Vicki Belo na napabalitang magbabayad ng wedding gown ni Regine na gagawin ng sikat na Pinoy fashion designer na si Monique Lhuillier. Matatandaan na inilabas sa PEP Scoopbox kamakailan ang presyo umano ng wedding gown na ito.

Nang tanungin ng media ang Asia's Songbird kung totoo ba ang nasabing presyo, natawa ito at sinabing, "Hindi ko alam, e. Hindi ko alam kasi nga gift 'yon. I think I'm not supposed to know."

Pinakiusap din niya na huwag na siyang usisain kung ano ang hitsura ng kanyang susuotin sa kasal. Nakangiti niyang hiniling, "Pwede akin na lang 'yon. Basta it's not white."

"MARAMING SALAMAT SA GESTURE." Nagpasalamat din ang singer-actress sa mga gustong magbigay para sa kanilang kasal.

"Siyempre, natutuwa kami. Ang daming nagsasabi, 'Kami ang sasagot niyan, kami ang sasagot nito.' Pero, siyempre, nahihiya din kami dahil mahirap naman kung lahat libre. But we're very happy. Maraming salamat sa gesture. It's the thought that counts, 'ika nga," sabi ni Regine.

Natuwa rin si Regine dahil bukod sa kanyang pamilya, marami pang iba ang bumabati sa kanya.

Pahayag ni Regine, "My sisters are very excited. Of course, my parents are very excited. My manager, who is also my sister, siya 'yong tumutulong sa amin para ayusin ang wedding. Parang siya nga 'yong ikakasal, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, lahat naman kami very happy and very excited. I think pati ang sambayanang Pilipino. (Laughs) Siguro, kasi alam nila ang feeling ko na matagal rin akong naghintay. So, everybody is just really happy for me. Thank you, thank you very much. Ang daming mga [bumabati]. Minsan, nagpupunta lang kami sa mall, kino-congratulate ako. Nakaka-touch naman."

Sa tingin ba niya ay matutupad ang kanyang dream wedding sa Disyembre?

"Wala naman ako talagang [dream wedding]," sagot ni Regine. "I know lahat ng babae mayroong dream wedding. Ang daming beses na akong kinasal sa pelikula, sa soap. Sa dami ng weddings na in-attend-an ko, parang I just want a party. Parang we want to celebrate this very important day with our friends, with our loved ones. Ganun ko na lang siya tinatrato kasi hindi ko naman talaga alam kung ano ang dream wedding ko."

Gayunman, natutuwa siya dahil ang kanyang long-time boyfriend ay talagang abalang-abala sa paghahanda para sa kanilang "big day."

"Si Ogie, kinakarir niya. Kasi feeling niya, ito 'yong ibibigay niya sa akin na dream wedding!" natatawang sabi ni Regine.

Pabiro rin niyang binanggit, "I am involved in the whole preparation of the wedding pero hindi talaga ako 'yong tumututok. Mas tutok si Ogie kasi ayaw kong ma-stressed!"

Bukod sa kanyang wedding day, magiging abala rin si Regine para sa kauna-unahan niyang indie film titled, Mrs. Recto, na ididirek ni Dante Nico Garcia. Ayon sa local diva, magsisimula raw ang filming nito ngayon linggo. (CLICK HERE to read related article)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN