Camille Prats comments on separate issues involving childhood friends Angelica Panganiban and Shaina Magdayao

IMAGE 0


At the presscon of her latest project with GMA-7, Bantatay, Camille Prats (in photo) was asked about the current issues concerning her two childhood friends, Angelica Panganiban and Shaina Magdayao. Angelica is involved in a controversy with Claudine Barretto, while rumor mills keep churning stories about Shaina and boyfriend John Lloyd Cruz.


Isa sa pinakamatalik na kaibigan ni Camille Prats sa showbiz si Angelica Panganiban.

Kaya naman sa presscon ng kinabibilangang primetime series ni Camille sa GMA-7, ang Bantatay, hindi maiwasang hindi siya matanong tungkol sa alitan sa pagitan ni Angelica at ng kasamahan nila noon sa AngTV na si Claudine Barretto.

"Ako, ang wish ko, sana maayos. Sana mapag-usapan, tapos ayusin," asam ni Camille nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Bantatay kagabi, September 14, sa Studio 5 ng GMA Network Center.

Dagdag niya, "Kasi si Angel at si Ate Claudine, sobrang close sila, as in sobrang close talaga sila."

Pare-parehong galing ng ABS-CBN sina Camille, Angelica, at Claudine. Ang una nilang pinagsamahang proyekto ay ang defunct youth-oriented gag show na AngTV, kung saan nagsimula sina Camille at Angelica bilang child stars, at si Claudine bilang teen star.

Tumanggi si Camille na isiwalat ang bersiyon ng kuwento ni Angelica tungkol sa mga akusasyon sa kanya ni Claudine.

"Huwag na nating... Well, of course, it's between the two of us," iwas ng 25-year-old actress, kasunod ang komento na "naloloka" siya dahil siya ang natatanong tungkol sa isyu sa kaibigan.

"Sana ako na yung involved sa intriga, di ba? Pero hindi rin, okey na akong tahimik!" natatawa niyang sabi.

Ano ba ang tunay na nararamdaman ni Angelica sa mga nangyayari sa kanilang dalawa ni Claudine at sa akusasyong sinisiraan niya ito?

"Siyempre, she's sad," sabi ni Camille.

"Kahit sino naman pong tao, if you have a problem with someone close to you, masakit yun, kawalan yun, e.

"Pero siyempre, in a way, hurt din siya, nasaktan din siya. Basta, sad siya at saka hurt siya."

DEFENDING ANGELICA. May mga nagsasabing may pagka-tactless si Angelica. Ano ang masasabi ni Camille dito?

"Siguro nami-misinterpret lang po siya kasi sobrang upfront. Very upfront, very honest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam mo yun, na kapag magsalita siya, kung ano lang yung totoo. Kasi yun ang napi-feel niya.

"Pero doon lang po yun. Nami-misconstrue lang ng mga tao na baka masungit, pero hindi talaga," pagtatanggol niya sa kaibigan.

Maging sila raw ni Angelica ay nagkaroon din ng samaan ng loob noon.

"Oo, totoo," sabi ni Camille. "Kaya ang wini-wish ko talaga is for them to fix it because it took us years to be friends again.

"Kasi, di ba, nagkaroon kami ng problema and naging civil kami?

"So, for a time, ang na-feel ko no'n, malamang hindi na bumalik yung friendship namin dahil nagkaroon na ng rift.

"But then, I realized na hindi pala gano'n. Kung ang friendship ninyo is strong at talagang gusto ninyong maging magkaibigan uli, it's actually possible."

Ano ba ang dapat maintindihan ng mga tao tungkol kay Angelica?

"Ngayon kasi, hindi po kasi siya nagsasalita kaya ang dami nang namumuong mga haka-haka sa isip ng mga tao.

"Pero para sa akin, I think it's just right na hindi na muna siya magsalita.

"Kaysa may masabi siyang makasakit sa kapwa niya tao o artista.

"O mamaya, makagawa na naman ng kuwento out of that kasi she opted to stay quiet na lang muna."

TORN BETWEEN FRIENDSHIP & WORK. Hindi ba mahirap sa part ni Camille na kaibigan niya si Angelica at katrabaho niya ngayon sa Bantatay ang asawa ni Claudine na si Raymart Santiago?

Lalo na't alam niya, more or less, ang kuwento sa pinagmulan ng away nina Angelica at Claudine?

"Actually, hindi po naging problema yun," sagot ni Camille.

"Si Kuya Raymart at si Ate Claudine, mataas ang respeto ko sa kanila.

Si Ate Claudine, ang tagal kong nakasama. Si Kuya Raymart, ngayon ko lang nakasama and I wouldn't want to be involved in any other issues that, to begin with, I'm not concerned with.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, wala po talagang problema. I'm sure nirerespeto rin nila yun na malapit sa akin si Angelica.

"But at the end of the day, hindi pa rin ako kasama doon sa problema."

Hanggang trabaho lang daw sila ni Raymart, ayon kay Camille, at walang pagkakataon na pinag-usapan nila ang isyu kina Angelica at Claudine.

"Hindi naman po dapat mapag-usapan dahil, unang-unang po, wala naman po doon yung mga involved na tao.

"Baka lang makalala sa sitwasyon. I think it's just right na hindi na lang mapag-usapan para na rin po matapos na," sabi niya.

Bilang kaibigan, hindi raw nagtatanong si Camille sa mga isyung kinasasangkutan ni Angelica.

Pero napagsasabihan naman daw niya ang kaibigan.

"Sinasabi ko naman sa kanya na, 'Sis, medyo mali ka diyan.' Oo naman, nasasabihan ko siya.

"Si Angel, sobrang lawak ng utak niya.

"Siya yung taong bago siya mag-react o masaktan, iisipin muna niya kung saan ito nanggagaling at bakit nagkakagano'n."

Inamin ni Camille na noong magkaroon ng intriga sa pagitan ni Angelica at ng kapatid ni Claudine na si Gretchen Baretto ay pinayuhan din niya ang kaibigan.

"Sabi ko sa kanya, deadmahin na lang kung anuman.

"Kasi, yun nga ang sinasabi ko sa kahit kanino, na ang liit-liit ng showbiz para may makabangga tayo.

"Hindi mo alam bukas, sila ang katrabaho mo.

"At ayaw mong lumiit yung mundo, na pagdating ng panahon, hindi ka gusto ng mga katrabaho mo.

'Yun ang iniiwasan natin. Alam niya yun.

"Sobrang napakadali niyang pakisamahan. Sobrang dali niyang kasama.

"It's just that na kapag minsan, sobra siyang nasasaktan.

"At feeling niya na ina-attack na siya, kailangan niyang ipaglaban ang sarili niya," sabi ni Camille tungkol kay Angelica.

Nagbigay rin ba siya ng advice kay Angelica sa isyung kinasasangkutan nito at ni Claudine?

"Hindi na masyado kasi unsolicited advice na yun, e," sagot niya. "I gave her support.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And also Ate Claudine... Hindi ko lang nakakausap si Ate kasi hindi naman kami ganon ka-in touch din, mula noon, kahit dati pa.

"Si Angel talaga is really a good friend. Alam mo yun, as much as possible, we don't talk about it.

"Happy-happy na lang. Mas maganda yung masaya na lang."

Pero ramdam daw ni Camille ang pinagdadaanan ng kanyang kaibigan sa kontrobersiyang hinaharap nito.

"Hindi madali para sa kanya.

"Bini-visit ko siya palagi sa bahay niya, kasi gusto lang niya minsan ng kakuwentuhan, kasama sa bahay niya.

"Hindi talaga madali para sa kanya.

"Hindi naman siya umiiyak, pero tahimik.

"Hindi yung typical na maingay na madaldal.

"So, I know for a fact na affected siya dito.

"Ang wish ko lang talaga is for them to fix it."

SHAINA MAGDAYAO. Samantala, hindi rin naiwasan ni Camille na pag-usapan ang isa pa niyang kababata at kaibigan na si Shaina Magdayao, na ex-girlfriend naman ng kanyang kapatid na si John Prats.

Inamin niyang naapektuhan ang friendship nila ng nakababatang kapatid ni Vina Morales nang makipag-break ito sa kanyang kuya.

"Hindi na kami in touch," pag-amin ni Camille. "Siyempre, nanghinayang, pero hindi naman ibig sabihin no'n na hindi kami puwedeng maging magkaibigan.

"Siguro in time, kung okey na ang lahat. Though, okey naman siya ngayon."

Nang matanong si Camille kung totoo bang nasaktan ang pamilya niya sa breakup nina John at Shaina, itinanggi niya ito noong una.

Pero binawi rin niya dahil hindi raw niya kayang mag-deny.

Humingi muna siya ng isang basong tubig para makabuwelo sa susunod niyang mga sasabihin.

"Yun ang sabi ng utak ko, i-deny mo na lang... Hindi ko kaya!" natatawa niyang sabi.

"Well, siyempre, to begin with, hindi naman madali kasi she was part of our family, sobra.

"Isa siyang... kapatid ko siya. Lumaki siya na kapatid ko siya. Lumaki siya sa harap ng mga mata ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maraming pinagsamahang proyekto sina Camille at Shaina noong pareho pa silang nasa ABS-CBN.

Kasama na rito ang AngTV at ang drama series na Marinella.

Pagpapatuloy ni Camille, "So, parang hindi naging madali... Actually, noong umpisa pa lang that they decided to enter into a relationship, siyempre isa na 'yan sa mga fears na baka masira yung...

"Kasi hindi natin masasabi na lahat ng relationships magiging successful, na tatagal.

"Pero she was actually a part of the family. Nandoon siya the whole time.

"When I gave birth, nandiyan siya. Ninang siya ni Nathan. Tapos Nathan is very close to her.

"So, parang siyempre, ang laki din no'ng naging partisipasyon niya sa pamilya.

"Hindi lang si John yung nasaktan, pati yung buong pamilya. Masakit. Masasabi ko, masakit," pag amin niya.

Hindi na idinetalye ni Camille kung ano ang dahilan ng breakup nina Shaina at John, pero nilinaw niya na walang nararamdamang hatred ang kanyang pamilya para kay Shaina.

"Siguro yung hatred, yun ang una nating dapat alisin, huwag tayong magalit.

"Siguro, more of tampo na lang, pero hindi na rin tayo dapat magtampo.

"Siguro ano na lang, mag-move on.

"Masaya na siya, masaya na si John.

"Yun ang importante sa ating lahat. Masaya siya.

"Si John, wala siyang love life.

"Masaya lang siya sa piling naming pamilya niya."

Nagulat naman si Camille sa kumakalat na malisyosong balita ngayon tungkol kay Shaina at sa boyfriend nito ngayon na si John Lloyd Cruz.

Aniya, hindi siya naniniwala sa isyu at naaawa siya kay Shaina dahil ito ang pinuntirya ng intriga.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN