Venus Raj's new wardrobe reflects beauty-queen status

IMAGE 0


Tungkol sa pananamit, mas gusto raw ng 2010 Miss Universe 4th runner-up Venus Raj ng simple at kaswal. Subalit dahil sa sa kanyang title, kailangan niyang magbihis ayon sa inaasahan mula sa isang beauty queen.


Itinanghal ngayon na isa sa pinakamaganda sa mundo—ngunit sino ang mag-aakala na ang tulad niya, na may simpleng pinanggalingan, ay papasok at magtatagumpay sa glamoroso ngunit kumplikadong mundo ng beauty contests?

Kung dati-rati ay sa mga pilapil ng kabukiran siya naglalakad araw-araw, matapos ang kanyang pagkapanalo ng fourth runner-up sa 2010 Miss Universe pageant ay sunod-sunod na ang pagrampa ni Venus sa catwalk ng fashion shows.

Noong nakaraang Sabado, Oktubre 30, rumampa uli si Venus kasama ang ibang beauty queens─Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles at Bb. Pilipinas-Miss Universe 2009 Bianca Manalo—para sa Lee fashion show sa SM Mall of Asia Atrium.

Matapos ng show, nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap si Venus tungkol sa kanyang fashion style.

Ayon kay Venus, if she's not working the ramp, simple lang daw talaga siyang manamit.

"Ganito lang, normal lang yung style ko. Minsan naka-jeans lang. Siguro, a nice top would do. Nice top lang, jeans, and rubber shoes, ganun lang," aniya.

As much as possible daw, mas gugustuhin ni Venus ang mga ganitong damit na kumportable.

Ngunit dahil na rin sa kanyang bagong titulo at sa kanyang biglaang celebrity status, kinakailangan na niyang mag-ayos nang nararapat para sa isang beauty queen.

Sabi nga ng marami, ang Pilipinas, bukod sa basketball-mad country, ay beauty-queen mad din. Napakaraming beauty contests sa lahat ng level ng community at ang mga nakokoronahan ng national titles ay talagang kinikilatis.

Ano pa kaya ang isang gaya ni Venus na nagkaroon ng international title?

"Siyempre, ang dami-daming tao ang nag-e-expect sa kung ano ang magiging itsura mo, at maraming mga tao ang tumitingin araw-araw, kaya siguro naman marapat lang na mag-ayos tayo," nakangiting pahayag ng 22-anyos na beauty queen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN