Camille Prats reveals investing her showbiz earnings in her school

IMAGE 0


"Lahat ng pinag-ipunan ko mula nung kabataan ko, medyo na-invest ko dito. DepEd-approved and recognized po kami. Ang recognition po ng DepEd, depende po sa progress ng school. We were recognized on our second year," says a proud Camille Prats about her school.


Maliban sa bago niyang show, ang lumalagong eskuwelahan ni Camille Prats ang paksa ng interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong Martes ng gabi, September 14, sa presscon ng bagong primetime series na Bantatay sa GMA-7.

Flattered si Camille na successful na siya bilang directress-owner ng Divine Angels Montessori, isang pribadong paaralan sa loob mismo ng subdivison nila sa Cainta, Rizal.

Pero nilinaw ng dating child star na hindi naman malaking-malaki ang kanyang eskuwelahan.

"Hindi super laki, ano lang, little by little," nakangiti niyang sabi.

"Ngayon, may Grade 2 na kami. Dati kasi, Prep lang kami. Every year, nagdadagdag."

Posible bang maging university ang kanyang eskuwelahan balang-araw?

"Naku, sana," sambit ni Camille. "Kung ibibigay ni Papa Jesus, why not?

"Pero ako, gusto ko lang grade school. Kung papalarin, high school. Hanggang doon na lang muna."

Binanggit din ni Camille na may mga gusto na raw mag-franchise ng kanyang school.

"Maraming nagtatanong sa akin. Pero actually, hindi ko pa masyadong mabuo yung franchise. Mahirap din kasing mag-gano'n kasi baka hindi ma-maintain yung [standard]."

Nilinaw ni Camille ang balitang nagpatayo raw siya ng building.

"Actually, yung building po kasi, existing na siya — office ng daddy ko," sabi niya. "Tapos, nag-move out po siya sa village.

"So, nabakante po yung building. Since nasa main road siya, it is a perfect location for a school.

"Ngayon po, ang number ng students namin ay 90 plus.

"Kasi po, mid-year na po, ang dami pang nag-e-enrol, ang daming lumilipat," masaya niyang pagbabalita.

Dito raw napunta ang lahat ng kanyang pinaghirapan sa showbiz.

"Yung puhunan ko po, lahat po ng pinag-ipunan ko mula nung kabataan ko, medyo na-invest ko dito.

"Saka DepEd-approved and recognized po kami.

"Ang recognition po ng DepEd, depende po sa progress ng school.

"We were recognized on our second year," aniya.

Gustuhin man ni Camille na magturo, hindi raw siya puwede dahil kailangan graduate siya ng education.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Saka kailangang licensed ka to teach kaya directress-owner po ako," dagdag niya.

Kontrabida ang papel na gagampanan ni Camille sa Bantatay, pero tiniyak niyang hindi ito makakaapekto sa image niya at sa paningin ng mga bata sa kanyang school.

"Ay, hindi, love nila ako!" sambit niya.

"Actually, excited sila dito sa serye namin.

"Ibinalita ko na sa kanila. Sinabi ko na sa kanila na kontrabida ako, pero it's just a role, acting lang.

"Excited yung mga estudyante ko na panoorin yung show namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN