Cogie Domingo appreciates his love scenes with Sid Lucero on Muli

IMAGE 0


"Para sa akin, hindi siya bastos. Nagmamahalan yung dalawa. Parang ganoong anggulo ang nakikita ko. Although, nagulat pa rin ako. Pero siyempre... nakikita pa rin na nakahubad kayo!" says Cogie Domingo about his love scenes with co-star Sid Lucero on Muli

.


Isang mapangahas na Cogie Domingo ang mapapanood ng mga tao sa kanyang pagbabalik sa silver screen — ang indie film na Muli. Sa kauna-unahang pagkakataon ay pumayag si Cogie na magkaroon ng love scenes sa kapwa niya lalake, si Sid Lucero na gumaganap bilang gay lover niya.

Sa presscon ng Muli kagabi, September 14, sa Max's Roces Ave., Quezon City, inamin ni Cogie na maging siya ay nagulat nang mapanood ang kinalabasan ng mga eksena nila ni Sid sa pelikula.

"Nagulat nga...wala lang. Siyempre, maganda talaga. Nagandahan din ako.

"Para sa akin, hindi siya bastos. Nagmamahalan yung dalawa. Parang ganoong anggulo ang nakikita ko. Although, nagulat pa rin ako.

"Pero siyempre, kung titingnan mo na nanonood ka lang nang walang sound, nakikita pa rin na nakahubad kayo!" natatawa niyang sabi.

First time niyang ginawa ang ganitong move sa kanyang showbiz career. Posible kaya itong masundan pa?

"Oo naman! Sure, why not?," sagot ni Cogie sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

Ito ba ang gusto niyang maging bagong image, ang pagiging daring?

"Hindi naman, nataon lang na ganoon. Baka yung susunod naman, hindi na ganoon," nakangiti niyang sabi.

Dagdag ni Cogie, "Na-convince naman ako na gawin ang movie lalo na noong nabasa ko ang script. Naging masaya naman ako sa mga sinasabi ng mga nakapanood na at reaction ng mga tao."

Ang script ng Muli ay base sa Palanca-award winning screenplay ni Jerry Gracio. Si Adolf Alix Jr. ang nagdirek nito.

ACTING BATTLE WITH SID. Sa reviews na naglabasan tungkol sa Muli, na unang ipinalabas sa Cinemalaya Film Festival, hindi maiwasang makumpara ang acting nina Cogie at Sid na siyang mga pangunahing tauhan ng pelikula.

Nakilala si Cogie bilang isa sa most promising young actors noong nagsisimula pa lang siya sa showbiz. Napansin ang husay niya sa pag-arte sa mga pelikulang Deathrow (2000) at Yakapin Mo ang Umaga (2000), at sa mga GMA-7 primetime drama series na Ikaw Lang ang Mamahalin, Kung Mawawala Ka, at Bakekang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Sid naman ay itinuturing na isa sa pinakamahusay na batang aktor sa kasalukuyan dahil sa kanyang sensitibong pagganap sa indie films, gaya ng Tambolista (2007), Selda (2008), Aurora (2008), at Astig (2009). Sa TV naman ay napansin ang kanyang husay sa ABS-CBN primetime series na Dahil May Isang Ikaw (2009).

Pero dito sa Muli, mas maganda ang reviews na nakuha ni Sid kumpara kay Cogie. Posible kayang kahit paano ay nanibago si Cogie dahil matagal-tagal din siyang hindi umarte sa harap ng kamera?

"Siguro every project naman needs improvement," sagot ng 25-year-old actor. "Kailangan meron kang bagong ina-apply.

"Pero masasabi ko, parang pareho lang. Siguro I need to exert more effort lang dahil siyempre, iba na ngayon."

How did he find working with Sid?

"Okay naman, at saka magaling si Sid. Nagalingan ako sa kanya while doing the film."

Hindi naman daw siya na-offend kung naikukumpara ang acting nila ni Sid.

"Kanya-kanya naman kasi 'yan," sabi niya. "At saka, kahit ako naman, nagagalingan din ako kay Sid.

"Lalo na sa mga ganitong klase ng movie (indie films). Siguro si Sid, may experience na siya gumawa ng indie films. Kaya naalalayan din niya ako in a way."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN