Gelli de Belen on reuniting with ex-boyfriend Raymart Santiago in Bantatay: "Hay, balik-tambalan ba ito?"

IMAGE 0


Actress Gelli de Belen is reunited with ex-boyfriend Raymart Santiago on the upcoming GMA-7 primetime series Bantatay. The former couple have not worked together for nearly 15 years now.


Hindi na halos maalala ni Gelli de Belen ang title ng huling pelikulang pinagsamahan nila ni Raymart Santiago.

Pero sa tantiya ng aktres, may 15 years na raw siguro silang hindi nagkakasama sa anumang project.

Dating magkasintahan sina Gelli at Raymart.

Kaya natawa na lang daw si Gelli nang malaman niya na sila ni Raymart ang gaganap na mag-asawa sa bagong primetime series ng GMA-7, ang Bantatay, na magpa-pilot na sa Lunes, September 20.

Two years nagkaroon ng relasyon sina Raymart at Gelli. May nagsabi na during those times daw ay "bad boy image" pa si Raymart, na kinontra naman agad ni Gelli.

"Hindi naman bad boy 'yan! Kunyari lang na bad boy 'yan, good boy 'yan!" natatawang sabi niya.

Ipinarating ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Gelli ang sinabi ni Raymart na parang naiilang ang actress/host/endorser sa dating boyfriend. (CLICK HERE to read related story.)

"Well, noong umpisa...noong umpisa," pag-amin naman ni Gelli. "Naninimpla ako... Unang eksena, puwede?!

"Siyempre, nananantiya ako. Pero hindi dahil siya si Raymart na ex ko, kung hindi dahil bagong grupo. Bagong katrabaho.

"Every time na may una ako, may bago akong ginagawa, sa unang araw, sa unang eksena, medyo nangangapa ako," paliwanag niya.

Ayon pa kay Raymart, hindi pa rin sila nakakapagkuwentuhan ni Gelli.

"E, hindi naman siya nagtatanong, e!" natatawa namang buwelta ni Gelli.

"O, bakit naman siya naiilang, e, open na open naman akong magkuwento?"

REMINISCING. Sabi ni Raymart, he still finds her sexy at maganda. Ano ang masasabi ni Gelli dito?

"Mabuti naman yun!" tawa niya ulit.

Pero ano nga ba ang feeling na after 15 years ay magkasama silang muli at mag-asawa pa ang role na kanilang ginagampanan?

"Wala, parang balik lang sa dati," sagot ni Gelli. "Although, iba na yung mga estado namin sa buhay.

"Tapos, iba na yung ugali namin. Kasi dati, parang mga bata, naglalaro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga konting kibot, away! Ngayon, kalma lang.

"Actually, natawa ako. Parang, 'Hay, balik-tambalan ba ito?' Ganoon lang ang nasabi ko."

May sinabi rin si Raymart na natuwa siya nang malaman niyang si Ariel Rivera ang napangasawa ni Gelli.

Mas boto raw kasi siya rito kumpara sa ibang lalaking nanligaw sa aktres.

Sabi naman ni Gelli, "Palagi niyang sinasabi sa akin 'yan!"

Sino ba yung mga inayawan ni Raymart na nanligaw sa kanya?

"Tanungin n'yo siya kung sino ang ayaw niya!" natatawang sabi ni Gelli.

"Pero si Ariel, gusto niya. In fairness, boto naman siya kay Ariel.

"Kahit noon, sinasabi niya sa akin yun.

"Kasi, there are times na magkikita kami na nagkakausap.

"Sinasabi niya sa akin na, 'Gusto ko si Ariel. Okey siya, okey siya.'"

Aware naman daw si Ariel sa bagay na yun.

E, siya, boto ba siya nang malaman niyang si Claudine Barretto ang napangasawa ni Raymart?

"Oo naman! Basta masaya siya, go!" bulalas ni Gelli.

BANTATAY. Pagkatapos nito ay nagkuwento naman si Gelli tungkol sa kanyang role sa Bantatay.

"Ang background story ko, I used to be a Med student. I came from an affluent family.

"Because of my love for Bernard [Raymart's character], na ayaw ng pamilya ko, itinakwil nila ako noong mag-asawa kami.

"So, I had to leave without the finances of my parents. I had to stop school. Yung mga ganyan.

"So, medyo makikita n'yo rito na napapagod din ako, kasi ako lahat. So, yun ang medyo conflict ko."

Malalayo rin daw ang location taping nila, tulad ng Batangas.

Pagkatapos ng Panday Kids, ang akala namin ay magpapahinga muna siya sa paggawa ng mga teleserye.

Pero bakit ilang buwan pa lamang ang nakakalipas ay balik na naman siya sa teleserye?

"Nag-iisip nga ako ulit kung bakit!" natatawa niyang sabi.

"Bilang kaninang umaga, e, nine o'clock na akong umuwi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, masaya naman. Medyo naninibago lang ako, pero, happy naman.

"Palagi naman akong ganyan. Meron akong adjustment stage, but I'm happy.

"At saka, yung mga katrabaho ko naman dito, sila rin yung kasama ko sa Panday Kids at sila rin ang kasama ko sa JejeMom."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN