Boy Abunda surprised by "shocking" news about Mariel Rodriguez

IMAGE 0


Like everyone else, talent manager and TV host Boy Abunda (main photo), was taken by surprise when news broke that his ward, Mariel Rodriguez, married Robin Padilla (inset top) in Baguio City early this week. Boy was also unaware about the rift between Mariel and Toni Gonzaga (inset bottom). "Ngayon, alam na nating lahat. At least, magkakasabay tayo!" he says with a laugh.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang talent manager at TV host na si Boy Abunda sa studio ng SNN kagabi, September 16.

Inamin niyang dalawang beses siyang na-shock sa kanyang alagang si Mariel Rodriguez.

Una, sa alitan nito at ng co-host ni Boy sa The Buzz na si Toni Gonzaga. (CLICK HERE to read related story.)

Pangalawa, ang pagpapakasal nito kay Robin Padilla sa Baguio noong September 13. (CLICK HERE to read related story.)

THE WEDDING. "Actually, natutulog ako nang ipalabas ang TV Patrol," banggit ni Boy tungkol sa report ng ABS-CBN tungkol sa pagpapakasal nina Mariel at Robin.

"Paggising ko, tinanong ako kung alam ko raw bang ikinasal na si Mariel kay Robin. Nasorpresa ako dahil wala akong kaalam-alam.

"Pero yun nga... Over the weekend, mag-uusap na kami ni Mariel.

"Ang statement ko nga diyan, talking about happiness — Mariel deserves that.

"From the beginning, sinabi ko, kung saan siya maligaya, dun ako. Hanggang ngayon, 'yan ang aking pinaninindigan.

"She's 26. Alam na niya kung saan siya liligaya and I will respect that," deklara ni Boy.

Pero hindi makakasagabal sa career ni Mariel ang kanyang pagpapakasal?

"Mali yung phrasing, e," sabi ni Boy.

"Magkakaroon siya ng maraming trabaho dahil sa kanilang dalawa [ni Robin].

"You can also look it that way."

MARIEL-TONI RIFT. Ano naman ang reaksiyon ni Boy sa pag-amin ni Toni na may alitan nga sila ni Mariel?

Inamin ito ni Toni sa interview niya with PEP and other members of the media sa presscon ng Kokey@Ako last September 15.

"Gusto ko sana silang magkaayos. Magbi-birthday ako sa October, ang wish ko ay magkaayos sila.

"Ngayon, alam na nating lahat. At least, magkakasabay nating nalaman!" natatawang sabi ni Boy tungkol sa gulo ng dalawa.

Dagdag niya, "Even Toni, hindi nagsabi sa akin dahil bumubuwelo.

"Sabi kasi ng staff, one month na akong gustong kausapin ni Toni, pero hindi nangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa mga talents ko kasi, hindi ako nakikialam sa personal. Karera ako.

"Hangga't hindi sinasabi sa akin ng artista ko ang personal na bagay, ayaw ko talagang magtanong.

"Pag nakakaapekto na, yun siguro."

Mag-uusap ba sila ni Toni sa Linggo, September 19, dahil magkikita sila sa The Buzz?

"Mag-uusap talaga kami. I will open [the subject], now that I know," sabi ni Boy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN