Shaina Magdayao says nasty rumor about her and John Lloyd Cruz has only made their relationship stronger

IMAGE 0


"Actually, matatanggap mo pa kung pupunahin nila yung mga kapintasan mo, sa mukha mo or sa pag arte mo. But not something like this. Yung ganito kababoy, ganito ka-cheap, ganito kababa, I don't think it's right kasi pagkatao mo na yung tinitira dito. Hindi na lang yung pagiging artista mo," says Shaina Magdayao about the nasty rumor concerning her and boyfriend John Lloyd Cruz.


Muling pinabulaanan ni Shaina Magdayao ang malisyosong balita tungkol sa kanila ng boyfriend na si John Loyd Cruz sa panayam niya sa radio program ni German "Kuya Germs" Moreno sa dzBB, ang Purely Gossip, kahapon, September 17.

Unang nagsalita si Shaina tungkol sa kumalat na tsismis na naospital daw sila ni John Lloyd dahil sa rare medical condition na "penis captivus," sa presscon ng kanyang afternoon series sa ABS-CBN, ang Alyna, noong September 16. (CLICK HERE to read related story.)

"Kahit magtanong pa sila sa mga hospital na pinagbibintangan nila, hindi po totoo yun," giit ni Shaina sa kanyang phone-patch interview sa radio program ni Kuya Germs.

(Ang nakakatandang kapatid ni Shaina, na si Sheila Magdayao, ay asawa ni Federico Moreno, ang adopted son ni Kuya Germs.)

"IBANG KLASE 'TO!" Nagsimula ang lahat sa isang blind item tungkol diumano sa sikat na couple na "magkapatong na isinugod sa ospital."

Hindi naglaon ay pinangalanan ang mga ito na sina Shaina at John Lloyd nga.

Kumalat na ang balitang ito sa Internet at sa mga pahayagan hanggang sa maging usap-usapan na ng maraming tao, kahit walang ka-pruweba-pruweba o anumang paper trail o ni isang malinaw na source ito.

Ano ang naisip at naramdaman ni Shaina nang tukuyin sila ni John Lloyd ng tsismis na ito? Nagalit ba siya?

"Actually, hindi nga galit ang reaksiyon ko, e.

"Kasi nalaman ko yun nung tumawag yung handler ko.

"Of course, sinabi nila sa Star Magic first bago sa akin."

Ang Star Magic ang talent management group na namamahala sa careers nina Shaina at John Lloyd. Ito rin ang official talent management arm ng ABS-CBN.

"Noong una, sinabi ko na masyado yatang nanonood ng Grey's Anatomy itong taong ito, hindi nakuha yung exact scientific term nung tawag doon," sabi ni Shaina, na ang tinutukoy ay ang hit U.S. drama series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag niya, "Nalaman ko lang yun yung eksena nila dun sa Grey's Anatomy. Nalaman ko na lang nung sinabi nila sa akin, 'A, yun pala yung tawag dun!'

"Noong una, parang na-shock ako kasi meron palang mag-iisip ng ganun.

"Sanay naman tayo na mapintasan.

"Sanay naman tayo na hindi lahat ng tao mapi-please natin.

"May masasabi at masasabi talaga sila.

"Kasama yun at parte ng trabaho na pinasok ko.

"Pero something like this, something so bastos...

"This is the first issue na nasabi sa isang artista sa industriya natin, kaya na-shock ako na may ganung klaseng tao na nakaisip nun.

"Ibang klase na 'tong ibinabato nila sa akin!" bulalas pa ng 20-year-old actress.

Sabi rin niya kay Kuya Germs, "Alam n'yo naman po kung ano ang nararamdaman ni Daddy at Mama at our whole family, kung papa'no po ang reaksiyon ng lahat.

"So, if ever naman na may makarating man dun at hindi pa rin titigil, siguro si Daddy at Star Magic at yung lawyers na ang mag-uusap, if ever man po. "

STAR MAGIC'S INVESTIGATION. Ano ang naging reaction ni Johnny Manahan—o Mr. M, ang chairman emeritus ng Star Magic—sa pagkakadawit ng pangalan nito sa tsismis?

Ayon kasi sa isang unsourced report ay kasama raw si Mr. M na naghatid sa ospital kina Shaina at John Lloyd, na parehong contract stars ng Star Magic.

"Nagbigay na ng statement si Mr. M na hindi po totoo yun," sabi ni Shaina.

"Actually, pinagtatawanan lang po niya.

"Sinasabi nga po na ipagdasal na lang daw po namin kung sino man ang nagsimula nitong tsismis na 'to."

Pero gumagawa na raw ng imbestigasyon ang Star Magic upang alamin kung sino ang nasa likod ng malisyosong tsismis na ito.

"More than anything, hindi naman ito normal na ibinabato sa isang artista," sabi ni Shaina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, matatanggap mo pa kung pupunahin nila yung mga kapintasan mo, sa mukha mo or sa pag arte mo. But not something like this.

"Yung ganito kababoy, ganito ka-cheap, ganito kababa, I don't think it's right kasi pagkatao mo na yung tinitira dito.

"Hindi na lang yung pagiging artista mo.

"And I think, wala naman akong tinatapakan na tao."

May mensahe rin si Shaina sa nasimula ng tsismis na ito.

"Kung sino naman ang nagsimula ng ganitong tsismis, hello, we both know na it's not true.

"That person knows na wala naman akong ginawang hindi maganda sa kanya.

"Konsensiya na lang niya yun.

"Kargo na niya yun.

"Ang Diyos na ang bahala sa kanya," saad niya.

May idea na ba sila kung sino ang taong nagpakalat ng tsismis na ito?

"Ang Star Magic ang talagang gumagawa ng paraan para malaman kung sino ang gumawa.

"Pero alam naman natin mahirap kasing magbintang.

"Pero definitely, Star Magic is doing something about it."

At tulad nang ginawa niya nang una niyang tinalakay ang isyung ito noong Setyembre 16, sinabi rin niya sa programa ni Kuya Germs:

"Nagpapasalamat po kami sa mga tao sa industriya na ipinagtanggol kami na kahit hindi namin hinihingi, ipinagtanggol kami. Maraming salamat po."

STRONGER THAN EVER. Sa kabila ng kontrobersiyang dulot ng malisyosong tsismis na ito, ayon kay Shaina, nananatiling matatag ang relasyon nila ni John Lloyd.

"Actually, I'm very thankful kasi never naman akong iniwan ng taong yun.

"Lagi naman siyang nandiyan to support me.

"Kasi sa isyu na ganito, ang lagi namang apektado yung babae at pagkababae mo.

"He's always there naman para alalayan ako," sabi ni Shaina tungkol sa kasintahan.

Ano ang reaksyon ni John Loyd nang malaman niya ang tungkol sa tsismis sa kanila?

"Disappointed po siya na may mga taong ganitong nagkakalat ng ganitong klaseng balita," sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw apektado si Shaina sa mga sinasabi sa kanyang paligid kapag lumalabas sila ni John Lloyd, bagamat hindi na raw siya gaanong nakakalabas dahil sa trabaho.

Ngunit dagdag niya, "Yung mga tao naman kasing nakakausap ko ay galit. Galit sila for me kasi they know me as a person.

"Galit sila.

"Pagkatapos nila magalit, natatawa na lang sila dahil nga may mga ganung klaseng tao na nag-iimbento ng mga ganung bagay.

"Ayun nga, hindi naman natin sila mapipigilang mag-imbento ng ganung bagay.

"Kaya dun sa mga taong nagku-confirm man daw, sa mga tao na natatawa, natutuwa...

"At sa aming mga artista na mga biktima, sa mga artistang ginaganito, hindi po sila nakakatuwa."

Pakiusap ni Shaina, "Sana tigilan na nila."

HATE CAMPAIGN? May lumalabas na hate campaign daw kina Shaina at John Lloyd ang malisyosong balitang ito.

Maaari raw na may mga taong nagseselos kay Shaina o kay John Loyd simula nang umamin sila sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ano ang masasabi ni Shaina rito?

"Actually, tinanong din nila sa akin 'yan, na dahil umamin kayo, kaya marami ang bumabatikos sa inyo.

"Hindi ko na lang iniisip na ganun dahil umamin kami.

"Iniisip ko na lang na kaya binigay sa amin yung ganitong problema, definitely may purpose, definitely may reason.

"And I think this obstacle in life, they are right, para siguro kami maging better persons.

"Siguro sana lahat po tayo maging masaya na lang.

"Tama na ang issue.

"Ipagdadasal ko na lang po sila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN