Jennylyn Mercado takes a break from TV to focus on movie Rosario, where she has "very sensual" love scenes with Dennis Trillo

IMAGE 0


"Malaking pelikula siya at ramdam ko na malaki ang expectation sa akin ng maraming tao. Kaya I want to give a good performance," says Jennylyn Mercado about her latest movie, Rosario

.


Marami na ang nakaka-miss na mapanood si Jennylyn Mercado sa isang drama series.

Huling napanood ang young actress sa GMA Sine Novela, Gumapang Ka Sa Lusak, na nagwakas noong Hunyo ng taong kasalukuyan.

Tatlong buwan na ang nakalilipas, pero hanggang ngayon ay wala pa ring bagong proyekto si Jennylyn sa kanyang home network.

Napabalita tuloy na baka lumipat na siya ng ibang network.

Pero ayon kay Jennylyn, siya mismo ang nag-request sa Kapuso network na huwag muna siyang bigyan ng drama series.

Gusto niya kasing mag-concentrate sa shooting ng pelikulang Rosario.

Ang Rosario ay produced ng Cinemabuhay at idinidirek ni Albert Martinez.

Isa ito sa official entries sa 2010 Metro Manila Film Festival na magsisimula sa December 25.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn, sinabi niyang may TV projects na raw na nabanggit sa kanya.

Pero gusto raw niyang tapusin muna ang movie para hindi siya nahihirapan.

"Nasabi ko naman sa kanila na kapag tapos na kami sa movie, puwede na akong mag-TV ulit," sabi niya.

"Kahit nga yung Party Pilipinas, hindi rin ako nakaka-oo sa kanila kasi nga mas focused ako sa movie namin.

"Gano'n din naman ang request ko sa mga taga-Party Pilipinas.

"After ng shooting ko ng movie, puwede na ulit akong mag-perform.

"Nakakahiya naman kasi na hindi ako nakakapag-rehearse.

"Mas mabuti na yung hindi muna ako mag-perform at tapusin ko muna ang commitment ko sa movie namin."

Ang nababalitang susunod na drama series na gagawin ni Jennylyn ay ang Paano Ba Maging Isang Ina?, kung saan posible niyang makasama sina Lovi Poe at Rocco Nacino.

HER BIGGEST MOVIE YET. Masasabi ni Jennylyn na isa na sa pinakamalaking pelikula na ginawa niya ang Rosario.

Isa itong period movie na ang setting ay noong 1920s.

Bilib nga si Jen sa production design at costumes.

Maging ang hairstyle at makeup ng lahat ng mga artista ay binubusisi raw talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi sila nagtitipid, huh!" tawa ni Jen.

"As in, kumpleto sila sa mga kailangan sa bawat role ng mga artista sa pelikula.

"Yung pag-ayos nga sa akin, inaabot ng almost four hours ang pag-set ng buhok ko.

"Kasabay na doon ang makeup at ang pag-fit sa akin sa costume.

"Pati mga accessories, talagang pinipili nila nang maayos."

Ginagampanan ni Jennylyn ang title role, si Rosario, isang liberated Pinay noong kapanahunang 'yon.

"It's a different role talaga," sabi ng kauna-unahang StarStruck female winner.

"Malayo sa unang nagawa kong period movie na Blue Moon [2006].

"Kung doon sa Blue Moon, medyo conservative ako, dito sa Rosario, kabaliktaran ng role ko doon.

"Iba ang suot ko kumpara sa ibang mga babae sa movie.

"Lumaki kasi ako sa America at iba ang paniniwala ko pagdating sa mga damit at ayos ng mga babae.

"Pati yung pananalita ko rito ay iba rin.

"Magugulat sila sa paraan ng pananalita ko sa movie."

Um-attend din si Jen ng workshop para sa Rosario bago sila sumabak sa shooting.

Pati ang pagsasalita ng Spanish ay inaral din niya.

"Ito nga ang dahilan kung bakit hindi ako makatanggap ng drama series talaga.

"As in, naka-focus lang ang energy ko dito sa Rosario.

"After kong mag-audition para sa role at ako ang nakuha, talagang sinabi ko sa sarili ko na gagalingan ko ang pagganap ko.

"Hindi kasi ito basta-basta na pelikula.

"Malaking pelikula siya at ramdam ko na malaki ang expectation sa akin ng maraming tao.

"Kaya I want to give a good performance."

Goal ba ni Jennylyn na manalo ng best actress award para sa Rosario?

"Hindi naman masama ang mangarap, di ba?" ngiti niya.

"Kung sa tingin nila ay pang-award ang mapapanood nila sa akin sa movie, matutuwa ako at tatanggapin ko 'yon.

"Patunay lang ang isang award na may nagawa kang tama, at regalo 'yon for a job well done.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero wala naman akong expectations talaga.

"Kung manalo man ako, matutuwa ako.

"Kung hindi naman, matutuwa pa rin ako dahil ipinagmamalaki ko ang movie namin."

LOVE SCENES WITH DENNIS. Kasama ni Jennylyn ang real-life boyfriend na si Dennis Trillo sa Rosario.

May love scenes din sila sa pelikula kahit na umabot lang sa six shooting days sa Dennis.

"Yun lang talaga ang shooting days ni Dennis kaya tapos na siya.

"Mas busy kasi siya sa Endless Love ngayon, tapos may bago yata siyang gagawin with Carla Abellana.

"Tungkol naman sa love scenes namin, panoorin na lang nila ang movie para makita nila kung pasado ba o hindi!" sabay tawa ni Jennylyn.

"Ayokong ikuwento yung mga eksenang 'yon kasi marami siya.

"Pero nagpapasalamat ako kay Direk Albert kasi maganda ang kinalabasan nung mga eksena.

"Pinapanood naman sa akin yung mga takes at natuwa ako kasi maganda.

"Masasabi ko na very sensual ang pagkakakuha ni Direk Albert sa amin ni Dennis."

ALEX JAZZ. Nang mapunta ang usapan sa kanyang anak na si Alex Jazz at sa ama nitong si Patrick Garcia, mabilis na sinabi ni Jennylyn na okey naman ang lahat sa kanila.

"I can say na at peace na kaming lahat. Parang magaan na sa pakiramdam ang mga nangyayari ngayon.

"Malaya naman si Patrick na kunin si AJ sa bahay kapag gusto niyang ipasyal o dalhin sa kanila.

"May blessing naman na siya mula sa akin.

"Ang importante, nakikita kong masaya si AJ.

"Kapag masaya ang anak ko, mas masaya ako.

"Ganito pala talaga ang maging isang ina, 'no?

"Mas importante ang happiness ng anak mo kesa sa happiness mo.

"Ako naman, handa akong gawin ang lahat for my son.

"Kaya heto, nagiging maayos na kaming lahat.

"Ang tanging dasal ko na lang for AJ ay ang parati siyang maging healthy at lumaking mabait na anak," asam ni Jennylyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN