Sarah Geronimo on having two bodyguards: "Kahit na ayaw ko, kailangan kong sundin ang mga mas nakakaalam sa pagprotekta sa akin."

IMAGE 0


Last September 11 in SM Manila, Sarah Geronimo graced the launch of Superstar Online Search, which will hold auditions in SM Sta. Mesa on September 18 and SM Iloilo on September 19. There will also be online auditions, where a participant have to get at least 20,000 points when he/she sings a Premium Song. The 15 finalists will have the chance to be part of the Pop Princess's upcoming album and concert.


Bagamat busy sa kanyang mga showbiz engagements, nakarating si Sarah Geronimo sa launch ng Superstar, ang first 3D online videoke game na iniindorso niya, sa SM Manila, noong nakaraang Sabado, September 11.

Ang bungad niya, "Hindi ko naman sila puwedeng biguin, e. Alam ko na marami sa kanila, may ibang ginagawa.

"Pero kapag alam nilang may show ako sa ganitong lugar, pupunta sila at ini-expect nila ako.

"Ako naman, I try my best na makarating talaga. Supposed to be ay may rehearsal talaga ako para sa isang show.

"Pero nakiusap lang ako na pupuntahan ko lang yung launch ng Superstar.

"'Tsaka may auditions nga roon at gusto kong makilala yung mga sasali.

"Pinayagan naman ako kaya tuwang-tuwa akong makita silang nandoon."

Sa estado niya bilang Pop Princess at Box-office Queen, hindi nakakalimutan ng dalaga na utang niya ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon sa kanyang mga masugid na tagahanga.

"Sobrang sad ako kapag alam ko na may mga tao na gusto akong makita, pero hindi ko napagbibigyan dahil sa mga lakad ko.

"Kung mahahati ko lang talaga ang katawan ko sa sampung Sarah Geronimo, gagawin ko para mapagbigyan ko lahat," ang kuwento ng prized talent ng VIVA.

Dugtong ni Sarah, "Kaya ang ganitong mga okasyon, gusto ko pong puntahan talaga para mapasaya ko sila at magpasalamat kasi nga nanonood sila ng iDOL at sinusuportahan nila ang mga albums ko.

"Isang way ito ng pasasalamat ko sa kanila."

THEN AND NOW. Natutuwa si Sarah at maraming pumipila para sa Superstar Online Search. Malapit daw sa kaniya ang ganitong contest.

"Nakaka-relate talaga ako kasi nga, sa ganitong contest ako nagsimula.

"Tiyaga lang at confidence ang kailangan ng isang tao para mag-succeed.

"At siyempre, may kasamang dasal.

"Kung nakaya ko noon, kaya rin 'yan ng ibang tao," aniya.

"Mas high-tech lang ngayon," pagkukumpara ng iDOL female lead star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong mag-audition ako para sa Star For A Night, hindi po ganito.

"Bring your own minus one pa noon. Ngayon, pipili ka na lang sa computer.

Sa nasabi ring launch, dumating si Sarah na guwardiyadong-guwardiyado.

May dalawang bodyguards itong kasama at talagang binabantayan ang mga taong gustong makalapit sa kanya.

Kung tutuusin daw ay hindi kumportable kay Sarah ang meron siyang bantay.

Mas sanay daw siyang nilalapitan na lang ng mga fans.

Ang pahayag niya, "Kahit na ayaw ko, kailangan kong sundin ang mga mas nakakaalam sa pagprotekta sa akin.

"Nalalapitan pa rin naman nila ako. Basta sabihin ko na okey ang mga lalapit.

"Hindi naman sila yung magtataboy basta ng mga tao.

"Nasanay talaga ako na walang bantay.

"Pero para nga sa ikabubuti ng kalagayan ko, susunod po ako sa gusto nila."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN