Angelu de Leon is now Mrs. Lorenzo "Wowie" Rivera

IMAGE 0


After everything she's been through, Angelu de Leon has found a very good man. "Thank you, he really is!" she affirms happily. Angelu and Lorenzo "Wowie" Rivera were married on September 17 at Sofitel Philippine Plaza Manila.


Ikinasal noong Biyernes, September 17, alas-siyete ng gabi sa isang function room ng Sofitel Philippine Plaza sa Manila ang aktres na si Angelu de Leon sa non-showbiz boyfriend nitong si Lorenzo "Wowie" Rivera. Mahigit na 30 guests lamang ang invited sa intimate wedding.

Live na nag-guest si Angelu sa StarTalk kahapon, September 18, at nagpa-interbyu sa mga hosts na sina Ricky Lo, Butch Franciso, at Lolit Solis.

Ayon kay Angelu, matagal na silang magkakilala ni Wowie. At para sa kanya, answered prayer ang pagdating ng kabiyak sa kanyang buhay.

Ang kuwento ng newly-wed, "Actually we've known each other for four years. We were friends, we were badminton friends and then the relationship grew siguro mga three years ago.

"And then, I realized... when he was going to church already with me, kasi naging Born Again [Christian kami]... All the signs and answers to prayers made this wedding possible.

"Kumbaga if it wasn't God's will, I mean, this wouldn't be possible. So I'm just really really blessed because He made it possible."

Sa Spiral restaurant ng Hotel Sofitel rin ang reception. Nagdetalye ang 31-year-old actress tungkol sa mga nangyari.

Aniya, "It was very, very intimate. Family namin and close friends lang who made a mark on our relationship. Thirty people. Christian wedding. It was my head pastor, Bishop Chito Sanchez, who presided over the ceremony.

"It was just three tables so medyo kinabahan lang ako... meron ako actually picture. Sa sobrang kaba ko, naging purple yung toes ko. Hahahaha. Parang hanggang ngayon purple pa rin siya 'pag nate-tense ako."

Close ba ang mga anak niya kay Wowie?

"Oh, yes. When we had a talk, I had to ask them if they were okay with it. 'We like him, he's cool!' Guma-ganu'n pa sila," ang masayang pahayag ni Angelu tungkol sa magandang relasyon ng asawa sa mga anak niyang sina Nicole at Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagpapatuloy niya, inilarawan ni Angelu ang kanyang husband, "Si Wowie... Wowie is a very, very simple guy. He's from a good family and he's very nice... ano pa ba ang puwede kong sabihin?

"I guess, we've proven our relationship kasi, we've been through a lot. It really came to... okay, this is really it, parang ganun..."

Matagal ba ang ginawang pagpaplano para sa kanilang kasal?

"No. Four years na kami and I got engaged noong June 22 sa Bangkok... Sa Bangkok kami naging engaged kasi, we were on a trip there with our friends, 'tapos iyon...

"The wedding... it was well-planned in my head, how it would go. Akala namin madali lang. I guess it was really God's will.

"Kasi nung Thursday, everything just went smoothly—the papers, everything... So parang talagang sabi namin, 'O, tuloy na tuloy na... God wants it to happen.'"

Bakit private and intimate?

"Kasi our relationship talaga was really private... none of you knew I had a boyfriend because siguro, for once, I think this was just parang my gift to myself.

"I really wanted it to be treasured.

"Kahit ngayon, pag may marinig ako na hindi maganda o ganyan, tapos na. It's done, it's over."

Totoo bang sa Europe sila magpapakasal in November?

"That was the original plan. Actually... kaya rin siya napabilis because we're going to Europe and we wanted our relationship to be right in God's eyes," aniya.

INVITED CELEBS. Si Sherilyn Reyes lang at ang asawa nitong si Chris Tan ang artistang inimbitahan niya.

Paliwanag niya, "Kasi sila talaga yung, 'pag nagbe-breakup kami, sila yung una naming tinatawagan.

"Nagkaroon pa ng bull session minsan, so ganun-ganun yung relationship namin with Sherilyn and Chris.

"They would always show us what husbands and wives really ought to be. And they've been very, very good... parang role models for husband and wife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I guess, it comes naturally to someone who's going into a marriage to seek advice from those who are credible, 'di ba?"

Dahil private ang kanilang kasal, maraming hindi naimbitahan sina Angelu at Wowie.

"Sinasabi nga namin, 'Don't worry because there's gonna be an after-party and there's gonna be a bigger wedding after this.'

"Kumbaga this is just because we want to seal the deal, 'di ba?"

Ang mensahe ni Angelu sa kanilang pamilya at mga kaibigan?

"From the bottom of my heart, thank you, thank you, kasi alam ko po maraming nagdasal. And God is really good because he has given me a very, very good man. Parang God's gift siya talaga."

HONEYMOON AND BABY PLANS. Gaya ng nabanggit ni Angelu, sa Europe ang honeymoon.

Plano ba nilang magkaroon agad ng baby?

"Not anytime soon kasi, as much as possible, we wanna enjoy muna being husband and wife."

Babalik pa ba si Angelu sa showbiz?

"Oh, yes! Hindi naman niya ako pinipigilan, pero siyempre since may asawa na, siyempre kailangang magpaalam."

Lastly, ang mensahe ni Angelu kay Wowie:

"To my husband, thank you for giving me a new chapter in my life.

"My mom says, she's very happy that she gained a son and she didn't lose a daughter.

"And I'm thankful to Wowie for the love he has shown me. I just wanna say thank you and I love you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN