Iza Calzado topbills GMA-7's upcoming series The Beauty Queen, stars with the country's certified beauty queens

IMAGE 0


Iza Calzado returns to primetime via The Beauty Queen, which will also star Katrina Halili and beauty queens 1969 Miss Universe Gloria Diaz, 2007 Binibining Pilipinas-World Maggie Wilson and Ms. Universe 2010 4th runner-up Ma. Venus Raj.


Magbibida si Iza Calzado sa upcoming primetime series ng GMA 7, ang The Beauty Queen.

Excited si Iza dahil ang mga makakasama niya sa serye ay puro beauty queens—sina 1969 Miss Universe Gloria Diaz, 2007 Binibining Pilipinas-World Maggie Wilson, at Ms. Universe 2010 4th runner-up Ma. Venus Raj.

Sa interbyu ng StarTalk kay Iza sa presscon ng nasabing TV series, ang bungad niya, "Kabadong-kabado talaga ako."

Kapansin-pansin naman na lalong gumaganda si Iza.

"Natutuwa ako kapag nakikita ko na maganda yung itsura ko, pero gusto ko, inaayusan ako," pagsang-ayon niya.

Isa pa raw sa mga dahilan kung bakit blooming si Iza ay dahil maganda ang takbo ng lovelife niya sa piling ng boyfriend na si Atticus King.

Wala pa ba silang planong magpakasal?

"I wish for certain things and I wish that whoever is the best man for me, will be my partner for life. Hopefully, it's Atticus.

"But whoever it may be, as long as the guy treats me right until the day I die, then iyan ang panalangin ko talaga," pahayag pa ni Iza.

Kung wala pang balak magpakasal si Iza, tuloy na tuloy naman ang kasal ng co-star niyang si Maggie Wilson sa non-showbiz boyfriend nitong si Victor Consunji sa Disyembre.

Ayon kay Magie sa panayam rin ng StarTalk, "Ang wedding ko will be out-of-town, on a beach sa Legaspi, a private resort.

"Pero I heard na yun nga, yung mga beach weddings hindi raw tumatagal, pero hindi, I have a feeling na tatagal siya, ito na talaga 'to.

"I want to be a good wife and hopefully a good mother to his kids.

"Actually, gusto na niyang magka-baby, kaya lang sabi ko sa kanya mag-wait muna, siguro mga mid-next year siguro. By mid next year, I'll be pregnant na."

Kasama rin sa The Beauty Queen si Katrina Halili, na di gaya nina Maggie at Iza, ay tila na-trauma naman sa pag-ibig.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang sabi ng StarStruck Batch 1 alumna, "Marami po akong hinaharap na problema, marami akong responsibilidad, ganun, 'di ba?

"Parang feeling ko, hindi ako puwedeng maging masaya hangga't marami akong iniisip na problema.

"Ini-enjoy ko lang muna yung pagiging single ngayon kasi 'pag may boyfriend ako, hindi po ako makakapagtrabaho nang maayos. Ayoko."

Samantala, si Ms. Gloria Diaz naman ay naguguluhan pa rin hanggang ngayon sa ilang mambabatas na nagbantang idedeklara siyang persona non grata sa Cebu.

"It was misquoted, mis-edited, misinterpreted, and I think they owe me an apology.

"I'm neither a persona non grata, nor a persona ingrata, because I love the Cebuanos and I know they love me, too," ang maigting na pahayag ng dating Ms. Universe.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN