Heart Evangelista admits to introducing Daniel Matsunaga to her family

IMAGE 0


It was on the set of Langit Sa Piling Mo that Heart Evangelista became close to her co-star and now her boyfriend, Daniel Matsunaga.


Dumating noong Biyernes, September 17, mula sa dalawang linggong pagbabakasyon sa Amerika si Heart Evangelista.

Bago lumipad si Heart patungong U.S. ay usap-usapan ang pagkakamabutihan nila ng Brazilian-Japanese hunk actor/model na si Daniel Matsunaga.

Naging malapit sa isa't-isa sina Heart at Daniel nang nagkasama sila sa katatapos lang na drama series ng GMA 7, ang Langit Sa Piling Mo.

Sa isang interbyu ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Daniel, inamin nitong sinagot siya ni Heart noong August 20. (CLICK HERE to read related story.)

At tila isang kumpirmasyon ang pagsundo sa airport ni Daniel kay Heart. May dala-dalang bouquet of flowers ito para sa aktres.

Nakunan ng StarTalk ang naturang eksena, kung saan ang reaction ng dalaga ay, "Thank you for the flowers. They're nice. He's not the type to give flowers but he gave me flowers so that's nice, yun lang."

Si Daniel naman na tila hindi inaasahan ang pagsipot ng TV crew ay nahihiya.

"Well, I'm very [embarrassed] 'coz I didn't expect this interview," ang natatawang sabi ng newbie.

Inusisa ng StarTalk si Heart tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Daniel; medyo nag-preno ang 25-year-old star.

Aniya, "Mag-uusap pa kami, wait lang. Relax lang kayo. Hay, ang init ng Pilipinas. Mag-uusap lang muna kami, magbe-breakfast lang muna kami, puwedeng magkape muna?"

Pero hindi ikinaila ni Heart na naipakilala na niya si Daniel sa kanyang pamilya, ang mga Ongpauco, na kilalang may-ari ng Barrio Fiesta chain of restaurants.

Ang matipid niyang kuwento, "They like him a lot. He's very nice. Yeah..."

Sinang-ayunan naman ito ng kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco, "Opo, okay naman po. Mukhang mabait naman po. Sana po talaga, sincere dahil as Heart's ate, I'm very protective. So kung saan siya masaya, 'di masaya na rin ako."

Ano naman ang masasabi ni Daniel sa pamilya ni Heart?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Really nice," ang kanyang nasambit. "Like when I met them the first time, you know, I talked to the father. Everybody was so nice to me. I felt comfortable. I'm really happy!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN