Boy Abunda says he has no information about Mariel and Robin's "wedding"

IMAGE 0


"Wala akong karapatan na magsalita tungkol sa kasalan nila dahil I am not privy to the wedding, or to the alleged wedding. Wala akong... I have no information. Kasi, ang alam ko ay iyong lumalabas lamang at saka iyong mga statements na ipinapadala," says Boy Abunda (inset) about the reported wedding of his ward, Mariel Rodriguez, to Robin Padilla.


Sinadya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang manager ni Mariel Rodriguez na si Boy Abunda sa dressing room nito sa showbiz talk show na The Buzz kahapon, September 19.

Kinuha namin ang reaksiyon ni Boy sa mga pahayag ni Robin Padilla na wala raw kasalang naganap sa kanila ni Mariel sa Baguio City noong September 13.

"Hindi ko alam," mabilis na sagot ni Kuya Boy nang tanungin namin kung may alam ba siya sa likod ng pagtangging ito ni Robin.

"Si Robin sent a statement that we were supposed to read on The Buzz, na babasahin ko sa SNN for Monday [Sept. 20].

"Ako talaga, wala akong masasabi except to defer to the statement of the couple. I am not the official spokesperson...

"Alam mo, 'eto nga ang ina-adjust ko, is it bad or good not to know everything?

"I am not supposed to know everything about... Ako dapat, kapag mayroong kinalaman lang sa karera.

"Ngayon, kapag mayroong mga bagay na nangyayari, may tanong po ang aking mga artista na may apekto ngayon sa karera, doon ako papasok lang.

"But that is a privilege that is given by an artist to a manager."

CONVERSATIONS WITH MARIEL. Sa huling panayam ng PEP kay Boy ay sinabi niya maging siya ay nagulat nang malaman niya ang report na nagpakasal sina Mariel at Robin noong September 13. (CLICK HERE to read related story.)

Sabi pa ng talent manager ay mag-uusap sila ng kanyang alaga. Nagkausap na ba sila ni Mariel?

"Oo, nag-usap na kami, paunti-unti. Pero hindi pa namin napapag-usapan ang lahat-lahat," sagot ni Boy.

"Kasi nga, nagkita kami sa isang restaurant, na hindi ko naman alam, napakaraming tao. I had a meeting with her in a restaurant.

"Friday evening, akala ko'y makakapag-usap kami.

"But, nakakapag-usap naman kami. Anong tawag doon? Pahapyaw, panaka-naka...ayun.

"Pero I cannot speak, wala akong karapatan na magsalita tungkol sa kasalan nila dahil I am not privy to the wedding, or to the alleged wedding.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala akong... I have no information.

"Kasi, ang alam ko ay iyong lumalabas lamang at saka iyong mga statements na ipinapadala.

"Ako, ang position ko lamang, from the very beginning I said this, I really mean this from the bottom of my heart, kung saan talaga si Mariel masaya.

"Remember, she's 26. She's not 16, she's not 14."

Bilang talent, may instance ba na medyo pasaway si Mariel kapag in love?

"That's a very general question. Lahat tayo ganoon," nakangiting sagot ni Boy.

"Karamihan ng palagay ko sa atin, ganoon. And I would not want to deprive...

"Kasi ako, ang sinasabi ko sa mga artista ko, lahat tayo, hindi ba, may mga pagkakataon na you'll do a lot of things to be happy? Nag-aaral ka, nagtatrabaho ka para sa kaligayahan.

"But if you'll find the happiness without having to go through what we all go through, bakit hindi?"

Pero kunwari, naging pasaway si Mariel sa lovelife niya, hindi ba niya ito sinasaklawan o pinapakialaman?

"Kung iyong pagiging pasaway niya sa love ay hindi niya rin sinisipot ang kanyang trabaho, iyon ang panghihimasukan ko.

"Pero iyong pagiging pasaway niya sa love na nag-aaway sila ng syota nila halimbawa o nagkakamabutihan sila, kanila lang 'yon.

"And we're talking about general artists. That's their business.

"Remember, ang dami kong pinagdaanan na ganito. Hindi bago sa akin ang mga problemang ganoon.

"Mariel, if she's happy katulad ng sinasabi ng lolo at lola, if that makes her happy...

"Alam mo, noong kausap ko [si Mariel], she is happy.

"Siguro tayong nanonood, marami tayong hindi nauunawaan, marami tayong mga...

"But bottomline, masaya siya. She is happy," diin ni Boy tungkol sa kanyang alaga.

PROJECT WITH ABS-CBN. Binanggit ni Robin sa kanyang statement at interview na ang pagpapakasal nila ni Mariel ay part ng project na gagawin nila sa ABS-CBN. May alam ba si Boy kung ano ang tinutukoy ni Robin na project na ito? (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I am not aware, you should ask ABS CBN," sagot ng veteran TV host.

"Ang pinag-uusapan kasi rito, ang pinag-usapan namin that time ni Mariel [last Friday evening]—na puwede namang marinig ng mga tao sa paligid namin—ay karera.

"Ang mga plano, kung ang schedules halimbawa... Dahil siya ay pupunta ng India at gagawa ng pelikula, para maayos namin 'yon, kasama na ang mga commitment."

Nasorpresa ba siya sa bilis ng mga pangyayari sa relasyon nina Mariel at Robin?

"Mayroong mga nagpakasal na matagal na, pero after a year ay naghihiwalay. So, wala naman talagang formula ito.

"So, kung ang tanong ay ako ba ay nasisindak o nasosorpresa sa bilis ng mga pangyayari, hindi, sa totoo lang."

MARIEL ON STARTALK. Nagbigay rin ng pahayag si Boy sa paglabas ni Mariel sa Startalk ng GMA-7 noong Sabado ng hapon, September 18.

Si Mariel ay isa sa mga host ng direktang katapat na programa ng Startalk, ang E-Live ng ABS-CBN. Kaya marami ang nagtaka, pati na sa Kapamilya management, kung bakit pumayag na lumabas si Mariel sa kalaban nilang programa.

Ayon kay Boy, "Ang explanation ni Mariel ay wala siya, she is not aware that it was happening that way. Kinausap niya rin ang maraming tao rito sa ABS CBN.

"Hindi siya aware na ganoon ang magiging arrangement. So, hindi niya alam na siya ay lumalabas doon...hindi niya alam na naka-live feed [sa Startalk].

"I take the explanation of Mariel, pero problema iyan between Mariel...

"Iyan, may kinalaman iyan sa karera. Papasukan ko iyan, hindi ba?

"Kasi, ang aming kontrata naman ay hindi kami pinapayagang lumabas o mag-promote in any show, or in any channel, that is directly competitive to your show, okay?

"So, ang paliwanag ni Mariel: 'I was clueless. I was innocent of what was happening. Hindi ko alam, etcetera.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa desisyon ng Çhannel 2, kung ano ang desisyon ng Channel 2...

"Kung tatanggapin ang paliwanag [ni Mariel] ng Channel 2... Kung kami ay parurusahan ng Channel 2, tatanggapin namin.

"Ganoon lang kasimple 'yon. Ipatatawag ka, magpapaliwanag ka, kung paniniwalaan ka, etc, etc...

"Kung ang defense mo ay karapat-dapat, paniniwalaan ka. Kung sa palagay ng ABS-CBN ay kami ay hindi kapatawad-tawad, tatanggapin namin.

"Wala pa kaming formal na pag-uusap, pero haharapin ko iyon," sabi ni Boy.

MARIEL AND WILLIE. Kinuha rin ng PEP ang komento ni Boy ukol sa balitang lumabas na nag-text daw si Mariel kay Willie Revillame na anytime kailanganin siya nito sa bagong show ni Willie sa TV5 ay payag siya.

Dating magkasama sa defunct noontime show ng ABS-CBN, ang Wowowee, sina Mariel at Willie. Noong nakaraang linggo ay lumabas ang kumpirmadong balita na pumirma na ng kontrata si Willie sa TV5 at may bago siyang gagawing show rito.

"Hindi ko alam," sambit ni Boy.

"Narinig ko na 'yang usapan na 'yan, pero I am not aware of that.

"I am not aware of that, yet. Pero iyon ang isa sa mga bagay na tatanungin ko siya."

Pero kung gustong lumipat ni Mariel sa ibang channel, puwede ba 'yon?

"She has a contract with ABS CBN. She has a contract with ABS-CBN up to December 31 of 2010," sagot ni Boy.

"Mayroon siyang kontrata sa E-Live. Iyon, alam ko iyon kaya pakikialaman ko iyon.

"Iyong sa personal niya, hindi ko alam, ayaw ko talaga!" nakatawang pag-iwas niya.

"It's a privilege that your artists tell you. Pero alam n'yo, hindi ko talaga naging ugali na...

"Mano-notice ninyo, ako, I'm very public kasi napapanood ako sa telebisyon araw-araw. Pero may buhay ako, may pribadong buhay talaga ako.

"Pribado in a sense, I mean, for the lack of a better word, but, you know...

"Ang mga artista ko, halimbawa, like Mariel, kapag tumatawag ako sa kanya, hindi na magkandaugaga 'yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, alam ni Mariel na hindi ako tumatawag na, 'Hoy, Mariel, kamusta ka, ano na ang buhok mo?'

"Ako, ang tanong ko: 'Ano ang nangyari sa booking, did you do well? What did you wear, ano ang response? Alam mo ang hosting mo ay may pagka...'

"Kasi noong nag-uumpisa iyan, sila nina Bianca [Gonzales], ang bagal! Talagang sobrang bagal na, 'Sobra kang magsalita, paantayin mo muna... Tapos ikaw, Bianca, medyo inaantok ako...' Ganoon.

"Iyong mga simula nila noon, about seven years ago. Dito sa dressing room na ito dinala sina Mariel at Bianca noong nagsisimula sila," pagbabalik-tanaw ni Boy.

Pagkatapos nito ay magalang nang umiwas si Boy sa iba pang pag-uusisa tungkol sa iba pang issue kay Mariel, partikular na ang alitan nito kay Toni Gonzaga. Subalit sinabi niyang umaasa siyang balang-araw ay maging maayos din ang lahat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN