Former PBB Double Up housemate Sam Pinto moves from the Kapamilya to the Kapuso network

IMAGE 0


Sam Pinto was one of the housemates in the recent season of ABS-CBN's Pinoy Big Brother, but the 20-year-old model is now with GMA-7.


Mula sa pagiging isang Kapamilya, officially ay ipinakilala na ang ex-Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Sam Pinto bilang Kapuso.

Ginawa ito sa GMA-7 shows na Party Pilipinas at Showbiz Central noong Sunday, September 19.

Sa interview niya sa Showbiz Central ay tinanong siya ni John "Sweet" Lapus kung ano ang nararamdaman niya na Kapuso na siya ngayon.

"It's great! I can't believe I'm here! They are so nice and welcoming. Thank you so much for welcoming me," nakangiting sabi ng Viva talent.

Ang una raw naging impression ni Sweet kay Sam ay laking-Amerika ito dahil sa pagiging Inglisera niya. Pero nilinaw ng newcomer na sa Pilipinas siya lumaki, pero sa bahay raw nila ay English talaga ang means of communication nila kaya nagkaroon siya ng problema sa pagsasalita ng Tagalog.

Nagsimula si Sam bilang model at the age of ten, through different TVC and print ads. Ngayon, showbiz naman ang gusto niyang pagtuunan ng pansin.

"I'm really open to anything. Being a model is different from being an actress. I just want to try it lang and see if it's for me," saad ng 20-year-old model turned actress.

Wala ba siyang planong sumali sa mga beauty contest?

"May tattoo ako, e, hindi raw puwede. Actually, bawal po," nakangiti niyang sagot.

Si Sam ang magiging leading lady ni Sen. Bong Revilla sa Metro Manila Film Festival 2010 entry na Agimat Ni Enteng, na co-produced ng GMA Films at pinagbibidahan din ni Vic Sotto.

Ano ang pakiramdam na sina Sen. Bong at Bossing Vic ang katrabaho niya?

"I know. Grabe nga! I'm super privileged. I can't believe I'm working with them. Manila Filmfest pa. I'm super excited," sunud-sunod na sabi niya.

Bukod sa Agimat Ni Enteng ay kasali rin si Sam sa launching movie ni Vice Ganda na Petrang Kabayo. Ang una naman niyang magiging regular show sa GMA-7 ay ang Bubble Gang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ina ni Sam ay isa palang lawyer. Ano ang feeling ng mommy ni Sam na nag-showbiz ito instead of pursuing a different career?

"Actually, she's super supportive in everything I do. I'm so happy that she's there for me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN