Megan Young proves that one can be lucky in both career and love

IMAGE 0


"I really like to invest in land. Kasi, feeling ko, we're overpopulated na, parami nang parami ang tao. So, everyone will need land or a place to build," says Megan Young.


Isang solo presscon ang ipinatawag ng Regal Films nung September 20 para sa young actress-TV host na si Megan Young.

Kasama si Megan sa cast ng upcoming horror film, White House, na pinagbibidahan ni Gabby Concepcion. Ayon kay Megan, may temang reality show ang White House.

"Bale ako kasi, broken-hearted ako dito. So, parang dahil do'n, naisipan ko na sumali sa reality show.

"Alam na namin na haunted yung bahay. Ang mangyayari, e kung sino yung makakatagal, yun ang matitira," paglalarawan niya sa istorya ng pelikula.

Masaya si Megan na naging part siya ng White House. In real life, hindi niya magagawa yun dahil matatakutin siya.

INVESTMENTS. At the age of 20, marami-rami na rin palang investments si Megan, mostly lupa.

"Actually, I'm not comfortable talking about money or my investments. Wala lang," nakangiti niyang sabi.

Ang daddy raw niya ang adviser ni Megan pagdating sa finances.

"My dad kasi is an accountant. So, alam niya where to put money.

"Ako naman, I really like to invest in land. Kasi, feeling ko, we're overpopulated na, parami nang parami ang tao.

"So, everyone will have a need for land or a place to build. So, yun, meron akong na-invest sa Subic, sa Zambales," banggit ni Megan.

Ang ibang kapatid daw niya ay may sarili na ring investments.

CHANGING COURSE. Megan is still in school. Nag-transfer siya from Trinity College to La Salle.

"Dati kasi, ang course ko, MassCom, but I decided na mag-shift na lang to Digital Film para mas may focus. Kapag Masscom kasi, masyadong broad yung scope.

"I want to work in the industry. I want to work with a network. Puwedeng behind the camera naman."

Parang hindi naka-set ang mind niya na maging mas malaki pang artista?

"Of course, lahat naman, di ba, lahat naman gustong maging superstar. Pero ako kasi, basta okay naman ang role.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang din, meron pa akong ibang puwedeng gawin," sabi ng StarStruck alumna na nasa ABS-CBN na ngayon.

LOVE & CAREER. Natawa si Megan nang sabihin namin na bakit hindi niya bigyan ng advice ang ibang mga artista na nagsasabing hindi nila kayang pagsabayin ang love life at career bilang paraan ng pagde-deny sa kanilang love life. Si Megan kasi ay nagagawang pagsabayin ang career at love life.

Aniya, "Alam n'yo, time management lang naman. Like me, I tell the EP [executive producer] na after school or ganitong time ako puwede.

"Yung boyfriend ko naman kasi, he's also busy. Pero we find time naman for each other.

"At least once a week siguro, nagkikita kami. May way naman basta gusto mo."

Kasalukuyang mapapanood si Megan sa sitcom nina Aga Muhlach at Ai-Ai delas Alas sa ABS-CBN, ang M3: Malay Mo Ma-develop at meron din siyang show sa Cinema One.

Ayon kay Megan, kapag two days na siyang walang ginagawa, pakiramdam niya ay napaka-idle na ng araw niya.

"Ganoon talaga ako. Gusto ko palaging may ginagawa," nakangiti niyang sabi.

More than a year na raw sila ng non-showbiz boyfriend at going strong pa rin daw ang kanilang relationship.

"Siguro kasi, wala naman kaming pressure sa isa't isa kaya okay siya. Busy rin siya, kasi he's also in school. Pero yun nga, we find time naman for each other."

BEAUTY-QUEEN MATERIAL. Marami pa ring humihikayat kay Megan na sumali sa beauty contest dahil bukod sa maganda ay may height din naman siya. Pero feeling niya, hindi pa siya ready.

"I don't know. Bata pa naman ako. I mean, siguro kapag naka-graduate na ako ng college. Puwede pa naman.

"Gusto ko kasi yung ready talaga ako when I join. It's not because sabi ni ganito or ganyan.

"And right now, parang mas nakaka-pressure din after Venus Raj won [in Miss Universe as 4th runner-up], dapat yung susunod, ganoon din. Parang ganoon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Or maybe, it's because I'm not yet ready pa talaga. Kumbaga, hindi pa yun ang priority ko," nakangiti niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN