Jhake Vargas says controversy drives him to do better

IMAGE 0


"Ngayon po masaya kasi magkakasama na naman kami. Nandoon na naman po ang pag-jamming-jamming namin off-cam. Nakaka-miss nga po sabi namin," says Jhake Vargas about being reunited with his co-stars in First Time

.


Parang bumalik ang grupo ng First Time sa bagong youth-oriented show ng GMA-7, ang Tween Hearts, dahil muling nagkasama-sama sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, at Jhake Vargas. May mga nadagdag din sa kanilang grupo.

Sa kaso ni Jhake, natutuwa siya na kasama siya sa Tween Hearts kahit na meron pa siyang primetime series na kasalukuyang ipinapalabas ngayon, ang Ilumina.

"Okay naman po ako, dire-diretso naman po ang career ko. Dalawa po ang tine-taping ko ngayon at saka yung iba pa pong mga project," sabi ni Jhake nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Tween Hearts nung September 20.

Dugtong pa niya, "Ngayon po masaya kasi magkakasama na naman kami. Nandoon na naman po ang pag-jamming-jamming namin off-cam. Nakaka-miss nga po sabi namin.

"Minsan nga, kapag may nag-i-interview sa amin, tinatanong kami kung hindi namin nami-miss ang mga kasama namin sa First Time. Siyempre po, nami-miss namin. At ngayon nga po, kasama na namin sila."

BEA BINENE. Sina Jhake at Bea ang magkapareha sa Ilumina at dito rin sa Tween Hearts.

Mas okay raw kay Jhake na sila na ni Bea ang magka-love team kesa maging ka-triangle siya nina Barbie at Joshua.

"Mas okay na po sa akin yun. Matagal na rin po kaming nagkakasama [ni Bea]. Sa First Time at sa iba pang shows na ginawa namin. Parang balewala na yung hiyaan sa sarili."

PAST ISSUE. Hindi naman lingid sa marami ang naging isyu sa kanila ng diretor nila noon sa First Time na si Andoy Ranay. Ngayong tapos na ang naturang isyu, nagkaroon ba ito ng epekto kay Jhake?

"Sa akin po siguro, hindi naman po ako naaapektuhan. Kumbaga, salita lang naman po yun na sinabi sa akin na may pagkabastos, pero okay na po yun.

"Nagkausap na po. Nag-apologize na, wala na po," sabi ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagkaroon din ba siya ng fear na baka maapektuhan ang career niya?

"Actually po, hindi ko naman na-feel na parang mawawalan ako ng career kapag nangyari yun. Kumbaga, inisip ko na lang na trabaho lang po talaga.

"Hindi naman po ako na-trauma. Parang wala na lang po sa akin. Kinalimutan ko na lang po siya."

Sila ni Direk Andoy, okay na ba sila?

"Okay na po kami ni Direk Andoy. Nagka-usap na po kami," sagot ni Jhake.

Kung sa susunod niyang project ay si Direk Andoy pa rin ang magiging director niya, okay lang ba sa kanya?

"Okay lang po, trabaho lang naman po yun. Wala naman pong personalan.

"Kahit naman kay Kuya Germs [his manager], wala naman pong problema sa kanya. At kung makakatrabaho ko man siya, okay lang sa akin. Ibig sabihin, may bago akong show."

Kasabay ng isyu na yun sa kanila ni Direk Andoy ay ang tungkol sa hindi niya pagbibigay ng hinihingi sa kanyang acting sa harap ng kamera.

Naging motivation ba yun sa kanya para mag-improve?

"Opo, na-challenge po ako do'n. Kahit sa pagkanta, pag-arte.

"Ngayon po, natuto na po ako sa sarili ko. Naging professional na rin po. Kasi, kailangan po 'yan.

"At saka, tingin ko po, nag-improve naman po ako. Nagwo-workshop din po ako."

Dalawa na ang shows niya. Saan niya nilalagay ang earnings niya?

"Siyempre po, sa pag-ipon. Unang-una sa pag-ipon, kailangan para makabili ka ng mga gamit na kailangan mo sa buhay.

"Natutulungan ko na rin po yung mga kapatid ko, nanay, tatay, lahat-lahat... Kasi ako po ang breadwinner sa lahat."

Bukod sa pag-arte, ginu-groom din si Jhake bilang singer. May ginagawa raw siyang album under Dyna Records.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN