Joyce Ching shifts from bad girl to "nature lover" in Tween Hearts

Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg"> Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg"> Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg">

Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg"> Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg"> Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg"> Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg">

IMAGE 0


"May pagkakikay ako, medyo weird lang kasi nakikipag-communicate ako sa nature. Yung mga halaman at mga puno kinakausap ko. Parang sila ang mga best friends ko. Mas kinakausap ko pa sila kesa sa mga tao," says Joyce Ching about her role in Tween Hearts.


Pagkatapos gumanap bilang batang Shirley sa Endless Love, muling mapapanood ang commercial model turned TV actress na si Joyce Ching sa bagong "tween show" ng GMA-7 na Reel Love Presents Tween Hearts.

Ito ay mula sa direksiyon ni Ms. Gina Alajar.

Masaya ang 15-year-old newcomer dahil magkakasunod ang mga show na ginagawa niya sa Kapuso network.

After ng Endless Love ay napasama siya sa afternoon comedy-reality show na Ang Yaman Ni Lola.

Tapos, dumating itong Tween Hearts, kunsaan makakasama niya ang mga katulad niyang tween stars na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Jhake Vargas, Louise delos Reyes, Kristoffer Martin, Lexi Fernandez, at Derrick Monasterio.

Dito sa Tween Hearts ay gaganap si Joyce bilang si Aya, isang eccentric student na kumakausap sa mga puno at halaman.

Ka-love triangle siya rito nina Kristoffer Martin (playing Chris) at Lexi Fernandez (playing Leslie).

"Malayo nga po ang role ko dito sa Tween Hearts as compared sa Endless Love. Dun kasi bad girl ako, dito sa Tween Hearts masayahin ako, friendly.

"May pagkakikay ako, medyo weird lang kasi nakikipag-communicate ako sa nature. Yung mga halaman at mga puno kinakausap ko. Parang sila ang mga best friends ko. Mas kinakausap ko pa sila kesa sa mga tao.

"Natuwa naman po ako kasi different ang role ko as compared sa iba. Sabi nga ni Direk Gina, kailangan mapabilib ko ang mga manonood na may pagka-weirdo ako sa role ko. Kaya I gave it my best," paglalarawan ni Joyce sa kanyang role.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Joyce sa presscon ng Tween Hearts noong Lunes, September 20, sa 17th floor ng GMA Network Center.

CONTRAVIDA ROLE. Pero kung papipiliin daw si Joyce ng role, gusto talaga niyang gumanap na kontrabida, tulad ng ginawa niya sa Endless Love. Mas natsa-challenge daw siya sa gano'ng role at marami siyang puwedeng gawin kapag kontrabida siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gustung-gusto ko talaga ang role ko as Shirley," sambit niya.

"Sabi nga ng mga friends ko, bagay daw sa akin ang kontrabida. Kasi nga, matalim daw kung makatitig ang mga mata ko. Para raw akong si Gladys Reyes na magaling na kontrabida.

"Minsan nga, pinipilit ako ng mga classmates ko na tarayan ko sila. Gawin ko raw sa kanila ang ginawa ko kay Jenny [Kathryn Bernardo] sa Endless Love.

"Natatawa na lang po ako kasi mahirap umarteng kontrabida kapag walang kamera sa harapan mo. Kaya nagkukunwari na lang ang classmates ko na may camera sila. Cell phone camera na lang ang gamit namin basta mapaarte lang nila ako!" sabay tawa ni Joyce.

FROM COMMERCIALS TO TV SOAPS. Nagsimula si Joyce sa paggawa ng TV commercials sa edad na 11.

Naka-isang dosenang TV commercials na raw siya bago siya nag-audition sa GMA-7 for Endless Love.

Sa ngayon daw ay mas busy siya sa tapings para Ang Yaman ni Lola at Tween Hearts kaya wala siyang time magpa-VTR para sa commercials.

"Tinatawagan po nila ako para mag-VTR. Kaso minsan, nasasabay sa araw ng taping ko kaya hindi na ako nakakapunta.

"Gusto ko nga po kasi matagal na yung last TV commercial ko. Siguro kapag may free time ako, doon ako magpapa-VTR. Miss ko na rin po ang mag-shoot ng commercial."

EDUCATION IS A PRIORITY. Napagsasabay rin ni Joyce ang kanyang showbiz career sa kanyang pag-aaral.

Kasalukuyan siyang 4th year high school sa Makati Integrated Christian Academy.

Honor student pa naman siya kaya masipag siyang mag-aral para ma-maintain ang mataas na grades.

"Pressure nga po, kasi busy ako sa taping. Pero ayaw ko namang pabayaan ang school. Kaya sa taping po, may dala akong modules ng mga lessons namin for the week. Papasok na lang po ako kapag may quiz or may test na kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Thankful nga ako sa school namin kasi medyo maluwag sila. Pinu-provide na nila ang modules na pag-aaralan ng mga students nila. Kaya hindi ako nahihirapan na maghabol kasi up-to-date ako sa mga lessons. Kaya pagdating ng exams, nakapag-aral din ako."

Gusto ni Joyce maging valedictorian o salutatorian sa araw ng kanilang graduation. Kaya doble raw dapat ang sipag niya sa pag-aaral and as much as possible ay maka-attend siya ng regular classes.

"Kahit naman po sinong student, gusto makakuha ng mataas na honor on graduation. Gusto ko po 'yon para tuluy-tuloy ang scholarshiop ko sa college. Marami po akong makakalaban kaya kailangan doble po ang sipag ko sa pag-aaral.

"Hindi lang naman po kasi ang grades sa mga subjects ang kino-consider, pati attendance at extra-curricular activities ng school ay kasama.

"Kaya I try my best to be in school para magawa ko lahat 'yan kahit na busy rin ako showbiz."

Pangako ni Joyce sa kanyang parents na magtatapos siya ng kanyang pag-aaral kahit na nag-aartista na siya.

"Gusto kasi ng parents ko na maging maganda at maayos ang buhay pagdating ng araw. At ang makatapos ng pag-aaral ang isa sa mga hinihiling nila sa akin.

"They don't have to worry kasi tutuparin ko ang wish nilang 'yan at gusto ko maging masaya sila when I graduate with honors," saad ni Joyce.

Mapapanood ang Tween Stars sa sarili nilang segment sa Party Pilipinas every Sunday.

Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg"> Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg"> Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg">


Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg"> Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg"> Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg"> Tween Hearts" data-url="https://www.pep.ph/lifestyle/23316/joyce-ching-shifts-from-bad-girl-to-nature-lover-in-tween-hearts" data-desc="But the former Endless Love star still prefers villain roles." data-image="https://contents.pep.ph/images2/writeups/b0811e316.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN