Lovi Poe: "This is my life, my body, and I take responsibility for it."

IMAGE 0


"Kung ano ang nakikita nila sa akin ngayon, this is the choice that I made at pinaninindigan ko 'yon. I'm not a reckless person. I take responsibility sa mga actions ko," says Lovi Poe.


Marami ang nakakapansin na masyado nang daring kung manamit ngayon si Lovi Poe.

Sa ilang showbiz events ay agaw-pansin ang kaseksihan ni Lovi sa kanyang mga sinusuot. Kung hindi kita ang cleavage niya sa isang low-neck blouse, ang kanyang mga legs naman ang kitang-kita dahil sa micro-mini skirt na suot niya.

Lalo pang nakadagdag sa daring image ni Lovi ang paglabas ng kanyang malaking billboards para sa Bench Body, kunsaan ang suot lamang niya ay undergarments ng naturang clothing brand.

Malayo na nga ang image ngayon ni Lovi sa unang image nito na quite conservative. Kung noon ay nahihiya si Lovi na magsuot ng sexy clothes, ngayon ay parang ito na ang regular look niya.

Paliwanag ni Lovi, hindi naman siya puwedeng mag-stick lang sa pagiging conservative. Nasa tamang edad na raw siya para mag-experiment naman sa iba't ibang look.

"I'm already 21-years old and I don't see anything wrong if I wear these kinds of clothes," sabi niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), during her solo presscon for the movie White House kahapon, September 21.

"It's all about looking for a certain style that fits me. Hindi naman ako magsusuot ng ganitong klaseng damit if I feel na hindi bagay.

"But I try not to look sexy parati. May occasion naman tayo na pinupuntahan that I have to dress appropriately.

"If the event is a formal one, I wear something formal din. Hindi naman kailangan na magpakita ng cleavage or legs parati."

SEXY IMAGE. Marami tuloy ang nagsasabi na baka sasabak na sa pagpapa-sexy sa pelikula si Lovi. At baka one day ay makita na itong nasa cover sa FHM magazine.

"Hindi naman," nakangiting sabi ni Lovi. "I mean, maging sobrang daring—it's not part of the image that my manager wants me to have." Ang manager ni Lovi ay si Leo Dominguez, na siya ring manager ni Ogie Alcasid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paglilinaw niya, "May certain image kami na winu-workout talaga which has something to do with the TV shows I'll be doing for GMA-7."

Banggit pa niya, "I will be doing an afternoon drama for GMA-7 with Jennylyn Mercado and Rocco Nacino. The title is Paano Ba Ang Maging Ina?. It will be directed by Maryo J. de los Reyes.

"Hindi pa sure kung kelan kami magsisimula. I think they are just waiting for Jennylyn to finish her movie [Rosario].

"Tapos, may natapos na akong Lovebug with Rocco na kinunan namin sa Palawan. I think sa November ba iyon ipapalabas.

"Then I'm still in the cast of Captain Barbell ni Richard Gutierrez. That will be in 2011 na. I just don't know what my role is kasi matagal pa naman ito magsisimula."

Dahil sa nakikitang sexy image ni Lovi, may ilang disappointed sa kanya, lalo na ang die-hard fans ng yumao niyang ama na si Fernando Poe Jr.

Kung buhay lang daw ang King of Philippine Movies, malamang na hindi ito aprubado sa pagkakaroon ng daring image ng anak.

"You just can't please everybody, di ba?" balik-sagot ni Lovi. "I've been hearing that, and I do accept what they say.

"But that will not stop me from living my life. They can say what they want but my life goes on.

"Kung ano ang nakikita nila sa akin ngayon, this is the choice that I made at pinaninindigan ko 'yon. I'm not a reckless person. I take responsibility sa mga actions ko.

"Like what I said, this is my life, my body, and I take responsibility for it."

Pero paghabol ni Lovi, "But I do appreciate the concern from these people. Hindi naman ako dedma sa ganyan. Kailangan lang maging open tayo sa changes. For me, change is good basta wala kang nasasaktan na ibang tao."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOVI AT THE MOVIES. Magkakasunod ang mga pelikulang ginagawa ni Lovi.

Una na rito ang horror film ng Regal Entertainment na White House, kunsaan kasama niya sina Gabby Concepcion, Iza Calzado, Maricar Reyes, Sarah Lahbati, Joem Bascon, Megan Young, at Mo Twister.

Mula ito sa direksyon ni Topel Lee. Sa October 13 na ang showing ng pelikulang ito nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo.

Gagawin din ni Lovi ang Regal Films remake ng Temptation Island, na ididirek ni Chris Martinez. Makakasama niya rito sina Andi Eigenmann, Carla Abellana, Pokwang, John Lapus, at marami pang iba.

May pinag-uusapan din na launching movie niya, pero wala pang alam masyado si Lovi rito.

"It will be under Regal Entertainment din," banggit niya. "I signed a contract with them.

"Wala pa naman sinasabi sa akin si Tito Leo about a launching movie. But kung meron, I wish na it's a good drama that will really test my acting skills."

Nanalo si Lovi bilang Best Actress sa 6th Cinemalaya Independent Film Festival and Competition (New Breed Full Length Category), para sa indie film na Mayohan.

Nagkaroon din siya ng acting nomination para sa pelikulang Sagrada Familia.

Ani Lovi, "I would love to do another film that would be a challenge for me as an actress. Like what I did nga in Mayohan, throughout the movie may puntong Quezon ako. I was able to create a character and really concentrate on it.

"Gano'n din ang ginawa ko sa Sagrada Familia. Nag-focus ako sa naging role ko."

Sabi pa ni Lovi, na mukha talagang seryoso sa pagiging aktres, "If ever I would have a solo movie, even if it's a sexy movie, just as long as it's a role that I can be proud of. Especially if it's an acting piece."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN