Cong. Ronald Singson: "Huwag n'yo muna akong husgahan."

IMAGE 0


"Imagine, despite her busy schedule now, yung career niya, ang dami pa niyang project, may bago pa siyang billboard. That's her. She will take time to visit me here, if her schedule permits her. She's very, very supportive and, like I said kanina, parang hulog ng langit," says Ilocos Sur Congressman Ronald Singson about rumored girlfriend Lovi Poe (inset).


Sinadya ng Showbiz Central co-host na si Raymond Gutierrez si Ilocos Sur Congressman Ronald Singson sa Hong Kong para sa isang exclusive interview. Ipinalabas ang naturang interview kahapon, September 26.

Patuloy pa rin ang pagdinig sa drug trafficking charge kay Ronald sa Hong Kong.

Matatandaang naaresto ang kongresista at concert producer noong July 11, 2010 pagkatapos siyang mahulihan ng cocaine sa Hong Kong International Airport. (CLICK HERE to read related story.)

Kinumusta muna ni Raymond ang kalagayan ni Ronald. Kilalang malapit na magkakaibigan ang mga magulang ni Raymond na sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez sa ama ni Ronald na si Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

"Okay naman. Honestly, okay naman. Given the circumstances, mabuti naman ang kalagayan ko ngayon. But of course, mas gusto ko naman na nasa Pilipinas din ako. Nami-miss ko rin yung...I miss home," sagot ni Ronald.

SURETY BOND. Mahigit tatlong buwan nang nasa Hong Kong si Ronald at kasama na rito ang ilang linggong pananatili niya sa isang correctional facility.

Pansamantala siyang nakalaya pagkatapos niyang mag-post ng bail. (CLICK HERE to read related story.)

Nilinaw ni Ronald na hindi siya naka-house arrest.

"Hindi, hindi...I'm on bail. Which means, I'm on temporary liberty," sabi niya.

Nilinaw rin ni Ronald ang tungkol sa kanyang bail.

"Yung bond doon... Actually, yung bail ko do'n, yung two million [Hong Kong dollars] na sinasabi, actually, yung bail ko ro'n is one million. Then, 500,000 Hong Kong dollars for each surety ko."

Ang "surety bond, ayon sa www.co.bannock.id.us, "is an agreement made between one or more persons and a bond agent where the bond agent agrees to post the necessary bail so that a defendant can be released from jail."

Pagpapatuloy ni Ronald, "So, yung dalawang pamilya na kaibigan namin dito, 500,000 [Hong Kong dollars] each and then one million. But all of it, yung total bail bond, after this case, makukuha rin namin yun or makukuha rin nila. Hindi ho gastos yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LOOKING BACK. Sumunod nito ay tinanong ni Raymond si Ronald kung ano ang naging pakiramdam niya noong nasa Hong Kong International Airport siya at nangyari ang mga nangyari.

"Actually, noong nandoon ako sa airport, parang hindi ko pa nari-realize ang nangyayari noon," sabi ni Ronald.

"Parang, finally, na-realize ko lang ang gravity ng mga consequences noong after na, na-detain na ako. Doon na dumating ang mga pagsisisi, realization, lahat... kung frame-up man yun, that comes after na lang.

"For now, may kaso rito sa Hong Kong at kailangan kong harapin yung violation ng law."

DRUG TRAFFICKING. Sa ngayon ay "drug trafficking" pa rin ang kaso ni Ronald, sa kabila ng efforts ng kanyang mga abugado na pababain na lang ito ng "illegal possession of drugs."

"That's a very heavy charge for me to take because I know for a fact na hindi naman ako nagta-traffic," sabi ni Ronald.

"Pero may technicality kasi rito sa Hong Kong na kapag nagpasok ka ng drugs through the airport, may cross-border transaction. Technically, trafficking na kaagad yun.

"Yun ang nilalaban namin lalo na kung wala namang intention na magbenta or mag-distribute, baka puwedeng ibaba ng charge nang konti. So, up to now, we're still hoping na pagbigyan tayo ng Hong Kong government na ibaba ng possession [of illegal drugs] ang kaso."

PRISON LIFE. Nilinaw rin ni Ronald na hindi siya sa maximum prison nakulong kundi sa isang correctional facility. Pero ayon kay Ronald, parang nakulong na rin ang naging pakiramdam niya.

"For me, it is. I felt na... Kasi, it was something that I never experienced in my life. It was technically a prison.

"But it was a correctional facility where they kindly put the people in remand. People in remand, meaning, may kaso ka, binasahan ka ng judge ng charge, and then they set a court hearing to hear your case.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, in the meantime na hinihintay ko ang oras na yun, ang oras ng hearing ko, ide-detain ka muna sa correctional facility na 'to. So, alam n'yo, mabait nga sila ro'n.

"Habang nandoon ako, iniisip ko nga, sana ganito lahat ang correctional facilities sa bansa. Kasi doon, very-well provided ka. Makakapili ka ng pagkain mo kung anuman ang religion mo, nationality mo. Puwedeng Chinese foods, puwedeng Indian, Western foods," kuwento niya.

Tinanong ni Raymond kung ano ang mga example ng meals doon.

"Kaya nga ako biglang napa-diet agad," medyo natawang sabi ni Ronald. "It was really a one piece of meat, then vegetables and lots of rice. It was hard, it was not pleasant, but it's enough."

Dagdag niya, "It was a very trying experience, but it was an eye-opener also. Doon sa correctional facility na yun, I've met two Filipinos. At first, hindi pa kami magkakasama. Pero pagdating ng 5 p.m., pasok na kayo sa selda. And then, until 8 a.m.

"At hindi ako nasanay na ang meals pala do'n, two meals a day lang. One at 8 a.m. and one at 4 p.m. So, talagang parang... Mahirap, mahirap talaga...

"Ang nangyari talaga do'n, parang weight reduction program. Yun na lang ang inisip ko. So, hindi ganoon kadali."

FAMILY & TRUE FRIENDS. What does he miss most in the Philippines?

"Being with my loved ones. My family. My mother [Evelyn Versoza] who is sick now. Nami-miss kong kasama sila.

"At kung meron man akong natutunan dito sa Hong Kong, it's the simple things. Like, going out with family. Going out with your loved ones and spending time with the people who care for you."

May kasabihan na when you're at your lowest, doon mo makikilala kung sino talaga ang mga taong nasa tabi mo. Naranasan na ba ito ni Ronald?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Well, it's just happening," sagot niya. "After the realization na nandoon na ako sa loob, yun na ang naisip ko.

"Pero nakaganda pa nga sa nangyari, doon ko nakita ang mga tunay kong kaibigan at hindi. Yung mga ibang kanegosyo naman natin, nandiyan araw-araw. Biglang noong nangyari yun, biglang nawala."

Ang aktor na si Jomari Yllana ang isa sa matalik na kaibigan ni Ronald. Magkasosyo pa nga sila sa Fearless Productions, na nagpo-produce ng concerts. Nakadalaw na ba si Jomari sa kanya?

"Hindi pa," sabi ni Ronald. "Lalo na ngayon may John Mayer [concert] sa October 1. Kaya sabi ko, 'Huwag ka munang pumunta rito, asikasuhin mo muna 'yan.'"

FATHER & SON. Sila ng ama niyang si Gov. Chavit Singson, nagkausap na ba sila after the incident?

"Yes and no," sagot ni Ronald. "Para madiretso ko na lang ang tanong mo, hindi pa ako napapagalitan.

"This is one incident that I earned so much respect with [sic] my dad. At this point, siguro alam niya rin na kinailangan ko rin ng tulong niya. At this very trying time of my life, he was there for me.

"I must admit, he's not much of a father. He was always busy with politics and everything.

"And actually, nakikita ko na lang 'yan kapag may ginagawa akong mali. Kapag pinapagalitan na kami.

"So, ngayon ko lang nakita ang tunay na pagmamahal niya. So, I'm very sorry and guilty even that it has to come at this point.

"You know, with all these things, all these things that I said I've learned, I could learn it in other way.

"I should not have embarrassed my family. Hindi ko kailangang ipahiya ang pamilya ko. Hindi ko kailangang sirain ang pangalan ko. Pero sabi ko nga, nangyari na ang nangyari."

REAL SCORE WITH LOVI POE. Sinagot din ni Ronald ang tungkol sa kung ano nga ba ang totoong namamagitan sa kanila ng young actress-singer na si Lovi Poe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang mabalita ang pagkakaaresto kay Ronald sa Hong Kong International Airport, sinabi ni Gov. Chavit Singson na nagkaroon ng "disagreement" sina Ronald at Lovi bago lumipad patungong Hong Kong si Ronald.

Sabi pa nga ni Gov. Singson ay "broken-hearted" si Ronald dahil nakipag-break si Lovi sa kanya.

Ayon kay Ronald, "That's true, that's true, we do have a disagreement. But, let me clarify this, she's not the reason why I did this or why this thing happened.

"You know, I have so much respect of [sic] her. It could have been so many other things.

"Unfortunately, hindi ko naman puwedeng pag-usapan ang details ng kaso. But in fairness to Lovi, even after that, ipinakita niya ang suporta sa akin.

"Nandiyan siya noong trials ko and it was very, very touching for me. Hindi ko yata kayang bayaran ang utang na loob na yun.

"So, imagine, despite her busy schedule now, yung career niya, ang dami pa niyang project, may bago pa siyang billboard. That's her.

"She will take time to visit me here, if her schedule permits her. She's very, very supportive and, like I said kanina, parang hulog ng langit.

"I'm still going through hell here and I think she knows that the worst thing she will do now is sermunan ako or pagalitan ako. So she's here.

"Whenever she comes here, she's here to support me. To give me strength and, you know, it's working that way," sabi ni Ronald tungkol sa 21-year-old actress-singer.

Sila na ba ni Lovi?

"'Yan ang tanong n'yo sa kanya. Kasi hanggang ngayon, ako, nagtatanong din, e!" natatawang sabi ng 41-year-old politician and concert producer.

Yung sexy billboard ni Lovi ngayon, may permission ba niya?

"Lovi doesn't need to ask for my advice. I told her this," sagot ni Ronald.

"I was actually inside the correctional facility when I received a letter from her. Nag-apologize siya na hindi raw siya nagpaalam sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sabi ko, 'Hindi mo kailangang magpaalam sa akin because I know you have a good head on your shoulders.' I have full trust and confidence with [sic] her. "

"HUWAG N'YO AKONG HUSGAHAN." At this point, how does he intend to rise above these challenges?

"That's actually a very challenging episode after this. Ang masasabi ko lang, hindi ko naman po talaga sinasadyang mangyari 'to. Kung anuman yung nangyari, may rason naman 'yan. Masasabi ko na lang after ng kaso.

"At kung anuman ang rason na yun, masasabi ko na hindi naman ako naghuhugas ng kamay.

"Ipinapakiusap ko lang sa mga kababayan ko na mga taga-Ilocos Sur, lalo na sa first district na aking pinagsisilbihan, na kung pupuwede lang po, huwag n'yo muna akong husgahan.

"Siguro po, kapag natapos na, I'll be the most hardworking public official you'll ever see," pangako pa niya.

Is he still a congressman?

"Technically, yes. I would say that kasi hindi pa naman ako tinatanggal. That's one thing I have to face when I get backā€”the Ethics Committee.

"Siguro pagbalik ko diyan, doon ko mapapatunayan kung sino talaga si Ronald Singson."

Ano ang hardest lesson na natutunan niya?

"Kung meron man kayong problema, huwag na kayong lalayo. Yung pamilya mo, nandiyan. That's one thing I failed to realize na, alam mo, lumapit lang ako sa daddy ko, sa mommy ko noon, siguro hindi na nangyari 'to.

"And no matter how hard it is or impossible, na tutulungan ka ng pamilya mo dahil hindi kayo magkaayos or hindi maganda ang pakikitungo niyo sa isa't isa, pagdating n'yo ng mga ganitong sitwasyon, doon n'yo makikita.

"At siguro, huwag n'yo nang hintayin na mangyari sa inyo itong nangyari sa akin," saad ni Ronald.

Ano ang mensahe niya sa kanyang pamilya?

"First and foremost, I want to apologize to all of them. For bringing this on to them. It was so unnecessary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, I regret doing it. I regret what's happening now. But then again, I'd like to thank them also for supporting me in this time of trials."

And his message for Lovi?

"Thank you very much for being there despite the hazards. Katulad nga ng sabi mo, makasira sa pangalan mo, anything...

"Maraming-maraming salamat sa suportang ipinapakita mo at sana darating ang panahon na makikita mo na hindi mo pagsisisihan lahat ng ginagawa mo para sa akin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN