Mr. Fu asks for prayers for his ailing father; gets emotional send-off from Tweetbiz co-hosts

IMAGE 0


Comic DJ Mr. Fu's heart felt doubly heavy yesterday. On the same day that he was saying good-bye to Tweetbiz, his father had suffered a stroke in Riyadh. "I cancelled some rehearsals...sa radyo lang ako. Kasi sa radyo...kaya kong i-acting yung masaya. Sa TV medyo mahirap... Yung tatay ko nasa ICU ngayon sa abroad. Napaka-helpless ko kasi, parang ayoko sanang magtrabaho."


Dobleng kalungkutan ang nararamdaman ni Mr. Fu dahil kasabay ng kanyang pamamaalam sa Q-11 showbiz program na Tweetbiz kagabi, September 24, ay may mabigat din siyang problemang kinakaharap kaugnay ng amang nasa Riyadh.

Napaulat na na-stroke daw ito kamakailan. Muntik na tuloy na hindi pumunta ang comic DJ sa last day niya sa Tweetbiz.

Pero sumipot din siya at malungkot niyang inilahad, "I cancelled some rehearsals, I cancelled some appointments for this week, sa radyo lang ako.

"Kasi sa radyo hindi naman halata, kaya kong i-acting yung masaya. Sa TV medyo mahirap.

"Pero sabi ko, since last day ko, kailangan kong pumunta. Pero supposedly, magpapaalam ako, sasabihin ko hindi ako darating.

"Because alam naman natin na yung tatay ko nasa ICU siya ngayon. Although nasa abroad siya. Napaka-helpless ko kasi, parang ayoko sanang magtrabaho.

"Parang gusto mong huwag na munang magtrabaho, 'tapos hintayin mo na lang na maging okay siya, 'tapos saka ako babalik sa trabaho. Pero sabi nga ni Kuya Germs, 'The show must go on...'"

Ang tanging request niya lang daw sa mga tao ay ipagdasal ang kanyang tatay.

"Sabi ko nga, never akong namroblema nang ganito. I don't like negative things.

"Pero ngayon ko lang na-realize na iba pala pag pamilya. No amount of success can replace your family.

"So, kung kukunin siya, sana kunin na siya. Kasi nahihirapan na yung tao.

"Pero I wish him well na sana maging okay na. So, yun lang yung hiling ko pati sa mga taong nanonood, dasal para sa tatay ko.

"Yun lang, prayers for my dad."

LEAVING TWEETBIZ. Gaya na ng nasabi ni Mr. Fu rati, ayaw niya sanang umalis sa Tweetbiz dahil ito ang first regular TV show niya.

Una kasi siyang nakilala bilang DJ sa radyo. Pero mas lumawak ang kanyang career sa pagdating ng Tweetbiz sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I remember when I got a call from Ms. Lisa [Ruivivar, Tweetbiz program manager] at sabi mag-audition daw ako dito.

"Marami na po akong napag-audition-an, siguro more than 20 shows since nag-start ako, lagi po akong ligwak. Then I got a call.

"Sabi ko, ayoko na kasi baka maligwak ako ulit. So, I went to the office of Ms. Lisa and then ipinakilala niya ako kay Ma'am Wilma [Galvante, GMA SVP for Entertainment TV].

"It turned out na it wasn't an audition. They were informing me that I'm getting the part.

"Kaya napakaespesyal sa akin ng Tweetbiz, kasi it opened doors for me. Nagkaroon ako ng mas maraming shows. Mas napakinggan ako sa radyo dahil sa Tweetbiz."

Kaya lang, natapos na ang kanyang kontrata kasabay ng pagtatapos ng third season ng show nitong first week ng September.

Hindi na ni-renew ng Q11 management ang kanyang kontrata. Pero wala raw siyang sama ng loob.

"Ayoko sanang umalis pero kailangan... dahil kailangan kong sumunod," emosyonal na sabi ni Mr. Fu.

"Walang galit, walang poot, walang sama ng loob. It's more of nalulungkot ako dahil mami-miss ko kayo. Thank you for just loving me because I just love you all.

"Magkikita-kita pa naman tayo, maliit lang naman ang universe. I don't want to say good-bye but I want to say thank you and see you."

Nagpapasalamat si Mr. Fu sa GMA-7 at Q11 managements dahil sa pagbibigay ng pagkakataon sa kanya para mag-host ng Tweetbiz. Pinasalamatan niya rin lahat ng mga staff, crew, at hosts ng show.

FAREWELL MESSAGES. Napuno rin ng kalungkutan ang set ng Tweetbiz habang nagbibigay ng farewell messages para kay Mr. Fu ang mga kasamahan niya sa show.

Kasama rito sina Tim Yap, Maxene Magalona, at ang mga paparazzi na sina Gorgy Rula, Ron Carrasco, Danzen Santos, at Justine Ferrer, kasama rin ang resident psychic na si Myster E.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bilang tribute kay Mr. Fu, halos lahat ay nagsuot ng vest, na naging trademark ni Mr. Fu sa show bukod pa sa pagsasabi ng "Me gano'n!" Lahat ay nagsabi ring mami-miss nila ang DJ.

Nagpasalamat si Danzen kay Mr. Fu sa lahat ng mga itinuro niya rito. "At saka huwag mo kaming kakalimutan kahit sobrang sikat mo na," sabi pa niya.

Isang matinding batingaw naman ang inihatid ni Myster E para kay Mr. Fu kasunod ang pagsasabing, "Kailangan lagi mong maririnig yung batingaw na ginagawa ko rito at remembrance 'yan na sa pag-alis mo rito ay hindi ka nawawala at lagi kang nandito sa puso namin.

"Tandaan mo, isa lang ang hula ko sa iyo. Pag binabato ka, tanggapin mo at lalo kang magiging matibay. Doon sa pupuntahan mo, naniniwala ako lagi mong dala sa puso mo ang pagmamahal. Good luck sa iyo, Mr. Fu."

Si Ron, na ang tawag kay Fu off-camera ay Jeffrey—Jeffrey Espiritu ang totoong pangalan ni Mr. Fu—dahil sa personal na relationship nila bilang magkaibigan, ay nagsabi, "This is just the beginning of a journey. So, I wish you all the best. Sana magkita-kita pa rin tayo at magkatrabaho sometime soon."

Biro naman ni Justine, ang sikat na transsexual from Survivor Philippines: Palau, magkatukayo raw sila ni Mr. Fu dahil dati ring Jeffrey ang pangalan niya. Pero ang mami-miss niya raw sa host ay ang malambing nitong pagbeso sa tuwing magkikita sila. Sabi pa niya, "Kahit na mawawala ka na dito, mananatili kang ka-Q dito sa puso namin. We love you."

Pinakaemosyonal naman si Gorgy sa lahat ng mga paparazzi. Para sa kanya, magaang katrabaho si Mr. Fu. Dagdag pa niya, "Ayoko sana yung mga ganito. Nasaktan ako noong umalis si Sam [YG]. Yung ito, parang mahirap [sa akin]. Kasi ayoko talaga ng may naghihiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayoko nang magbigay pa ng mensahe kasi parang lagi ko na lang itong itinatanong magmula noong umalis si Sam, si Suzuki [Sadatsugu]—bakit nangyayari ito? Yun lang, kasi maliit lang naman ang mundo ng showbiz, magkakatrabaho pa rin tayo."

FRIENDSHIPS BEYOND SHOW. Thankful naman si Maxene na nakapunta siya sa Tweetbiz.

Lunes hanggang Miyerkules lang kasi ang regular schedule ni Maxene sa show. Nagte-taping din siya para sa Trudis Liit.

Aniya, "God is so good na sa last day mo, nandito ako. Gusto ko kasing mag-good-bye sa iyo personally.

"Tama yung sabi ni Kuya Gorgy na napakagaan mong katrabaho. You're such a good person with a good heart, kaya alam ko na lahat ng mga nangyayari sa iyo ngayon, although mahirap especially with your dad... Naiintindihan kita doon.

"So, gusto ko lang sabihin sa iyo na nandito kaming lahat para sa iyo. Maghihiwalay man tayo professionally, yung friendship natin nandito pa rin.

"And I want you to know na lahat ng nangyayaring ito masakit, pero it will make you a better person. All of these are blessings in disguise.

"Kaya gusto kong malaman mo na ang masakit lang talaga ay mami-miss ka namin nang sobra."

Si Tim ang huling nagbigay ng mensahe. Ang pinakamami-miss niya raw kay Mr. Fu ay ang pagsasabi nito ng "Me gano'n!" Nasanay na raw kasi siya sa presence ni Mr. Fu sa show.

Kahit na raw nagkaroon ng intriga sa kanilang dalawa na diumano'y hindi sila close sa isa't isa, para kay Tim si Mr. Fu ay close sa kanya at itinuturing niyang confidante.

Kahit raw na magkahiwalay sila ngayon, magkikita pa rin sila bilang magkaibigan. Sabi niya, "I'm pledging my friendship to you. We will miss you."

Nagpasalamat si Mr. Fu sa mga madamdaming mensahe ng kanyang mga kasamahan sa show.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang mga viewers at supporters ng Tweetbiz. Hiniling din niya na sana kahit wala na siya sa show ay patuloy pa rin itong suportahan ng mga tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung sino man ang bagong uupo dito, suportahan pa rin natin ang Tweetbiz dahil pinaghihirapan po ang show na ito. Thank you very much. All the best and haharap ako sa camera at sasabihin ko...

"Me gano'n!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN