Eva Cariño-Padilla on son Robin Padilla's marriage: "Natutuwa ako kapag nakikita ko ang anak ko na ganoon kasaya."

IMAGE 0


Eva Cariño's (photo) advice to the newlyweds: "Para kay Mariel [Rodiguez] ito, na kung ano ang negative—hindi naman lahat positive para sa kanilang dalawa—intindihin niya na lang yun, huwag na lang siyang papatol. Kailangan ma-absorb niya. Kailangan lumaban siya... At saka, alam mo kasi, sa mag-asawa, ang hahawak ng [relationship] is babae. Babae 'yan."


Live guest si Eva Cariño-Padilla sa episode ng Paparazzi ng TV5 na mapapanood ngayong tanghali, September 26.

Bago sumalang si Mommy Eva—na siyang tawag sa kaniya ng showbiz reporters—sa interview ng mga hosts ng show na sina Cristy Fermin, Dolly Anne Carvajal, Mo Twister, at Ruffa Gutierrez, ay nakausap muna ito ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dressing room ng Visual Studio sa Makati kahapon, September 25.

Hindi naman naging maramot si Mommy Eva sa kanyang mga pahayag hinggil sa naging pagpapakasal ng anak na si Robin Padilla sa Wowowee host na si Mariel Rodriguez.

Ayon sa ina ng mga Padilla, "Nakikita ko naman na si Robin masaya. Si Mariel, masaya rin. So, okay... okay," nakangiti niyang sabi.

ADVICE FOR MARIEL. Kinamusta namin kay Mommy Eva kung nagugustuhan niya ang kanyang bagong manugang.

"Ay, siyempre, siyempre... Sana nga ay tuloy-tuloy na ang kanilang pagka-sweet sa bawat-isa. Nakakatuwa. Natutuwa ako kapag nakikita ko ang anak ko na ganoon kasaya. Sa tingin ko naman, in love sila pareho.

"At nagbigay nga ako ng payo sa kanila na sana tuloy-tuloy na at sana habambuhay at kung anuman ang pagkukulang ng bawat isa, e, magpunuan na lang sila.

"At saka siyempre, nasa showbiz silang dalawa. Sana huwag maapektuhan ang kanilang pagsasama. Alam mo naman sa showbiz, minsan nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan...

"Para kay Mariel ito, na kung ano ang negative, hindi naman lahat positive para sa kanilang dalawa, intindihin niya na lang yun, huwag na lang siyang papatol. Kailangan ma-absorb niya. Kailangan lumaban siya at huwag patatalo sa mga negative."

Masasabi ba ni Mommy Eva na mas sweet si Robin kay Mariel kaysa sa mga past relationships niya?

"Siyempre, hindi naman makukumpara," sagot ni Mommy Eva, "kasi hindi naman siya puwedeng maging ganoon ka-sweet sa mga naging girls niya, kasi hindi naman puwedeng ibulgar. Unlike kay Mariel, nailalabas niyang lahat dahil asawa na niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero obserbasyon niya, ito rin ang kaniyang nakitang namagitan sa anak at kay Liezl Sicangco, ang dating asawa ni Robin. "Sila ni Liezl, ganoon din, ganoon din noong panahon nilang dalawa."

Nais na ba niyang magka-apo kina Robin at Mariel?

Natawa niyang sabi, "Ay, hindi ko pa sila natatanong kung gusto na nilang magka-baby agad. Siguro hindi pa... Ewan ko kung ipagpapatuloy pa ni Mariel ang pag-aartista niya. Yun ang hindi ko pa alam."

IN THE DARK ABOUT WEDDINGS. Wala rin daw alam si Mommy Eva sa pagpapakasal ng dalawa sa India. Noong nakabalik na lang sila, saka niya nalaman.

Aniya, "Noong sumunod si Mariel do'n, akala ko bakasyon lang. Ganoon... wala pang kasal-kasal. Miski dumating sila, hindi pa rin sila umaamin na kasal. Ngayon siguro, kaya umamin na sila para ma-stop na yung ibang mga negative na issues sa kanila."

Natatawang sabi ni Mommy Eva na hindi na daw siya nagugulat sa mga nagiging desisyon ng anak.

"Hindi na ako nagugulat sa mga ano ni Robin. At saka, ako naman, naiintindihan ko ang mga anak ko. Hindi na sila bata. Alam na nila yung tama at mali.

"Ngayon siguro, kung si Robin ay nasa age na noong bago pa lang siyang nag-aartista, puwede sigurong makialam ako sa mga desisyon niya. Pero ngayon, advices na lang ang maibibigay ko sa kanya kung saka-sakali.

"Pero para pakialaman ko ang desisyon niya sa buhay, hindi ko puwedeng pakialaman."

Kahit daw yung nabalitang Ibaloi wedding nina Robin at at Mariel ay hindi rin daw nalaman ni Mommy Eva. (CLICK HERE for related story)

"Wala... wala akong alam. Kasi, bago sila pumunta ro'n, kausap ko siya sa cellphone. Sabi niya, 'Ma, paalis kami, paalis.' So, sabi ko, 'Saan kayo pupunta?'

"Sabi niya, 'Ipapasyal ko si Ali kasi pauwi na siya ng Australia. Pupunta kami ng Baguio.' So, wala akong alam, nagulat ako noong mapanood ko sa TV."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa mga ulat, witness daw ang bunsong anak ni Robin na si Ali sa native wedding ceremony na ginanap sa Baguio City noong September 13.

Kinamusta rin namin kay Mommy Eva ang obserbasyon niya sa relasyon ng mga anak ni Robin kay Mariel.

"Okay naman sila. Si Kylie, vibes sila ni Kylie. Si Queenie, bihira yata silang magkita."

Dugtong pa niya, "Kagaya ng interview ni Queenie, okay naman daw sa kanya. Pero siyempre, mahirap yung broken home dahil may family na ang mommy niya, ganundin si Robin. Pero sabi niya, 'Okay naman kami.'"

PROGNOSIS ON QUICKIE WEDDING. Sinabi namin na ganito kaaga pa lang ay may mga nagbibigay na ng tuldok sa marriage nina Robin at Mariel.

Baka hindi raw ito magtagal.

Bilang ina, nakikita ba niyang pangmatagalan nga itong mabilisang pagpapakasal? Noong Mayo 2010 lang nagkakilala ang dalawa nang mag-special guest host si Robin sa Wowowee. Ikinasal sila, ayon kay Robin, noong Agosto 2010.

Sagot ni Mommy Eva, "Alam mo kasi, sa Wowowee noon, siguro three days na siya... sinabi niya sa akin na, 'Ma, liligawan ko si Mariel.'

"Nagpaalam siya. Natawa ako kasi, akala ko binibiro niya lang ako. Kasi, ang dali-dali lang. Aba, e, noong kuwan, nililigawan na nga niya. Biglaan... so, siguro nagsalubong ang pag-ibig nilang dalawa."

Dugtong pa niya, "Sa tingin ko naman kasi, si Robin, forty years old na yun, e."

Matapos nito, ibinaling niya ang pansin kay Mariel. Na kay Mariel daw kung magtatagal ang relasyon nila ni Robin.

"At saka, alam mo kasi, sa mag-asawa, ang hahawak ng ano [relationship] is babae. Babae 'yan.

"Kailangan matatag ka. Lahat nandiyan na. Hindi ka masyadong nagseselos. Basta in short, e, ikaw ang may hawak ng relationship niyo.

"Huwag mong sabihin na anak, no, hindi ako naniniwala ro'n. Huwag mong sabihin na tali sa anak, hindi, sa inyong dalawang mag-asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi yung iba, 'alang-alang sa anak,' yung ganoon. No, hindi ako naniniwala ro'n. Nasa sa inyong dalawa. Kasi mahirap yung 'alang-alang sa bata.' Hindi mo naman tanggap yun.

"Walang love, walang respeto, para que pa, di ba? Samantalang kung kayong dalawa nagkakaintindihan, e, di walang problema, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN