Stylist Alyanna Martinez says dad Albert Martinez is her most difficult client: "Siya yung pinakamaarte!"

IMAGE 0


Albert's daughter has the looks to be on camera, but she'd rather work behind the scenes. "Kasi my whole family is in showbiz na. OA na. Some people were born to act, like my dad, my mom, my relatives. Me talaga, I can honestly say I don't think I have entertaining talents talaga. Parang nai-stress ako when I am put in front of the camera. I'm happy making people look good but I don't have to worry how I look. Basta my client looks good, happy na ako."


Very visible ngayon sa showbiz si Alyanna Martinez, ang panganay na anak nina Albert Martinez at Liezl Muhlach, bilang stylist nina Ruffa Gutierrez, Andi Eigenmann, Jodi Sta. Maria, at Maricar Reyes.

Madalas siyang makita sa taping ng showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi para ayusan si Ruffa. Ito na raw ngayon ang kanyang pinagkakaabalahan at hindi na sa dating pinapasukang Preview fashion magazine (affiliate ng Philippine Entertainment Portal).

"I was with Preview magazine for two years," banggit ni Alyanna sa PEP. "I was getting a lot of offers to do other styling jobs. Pero, siyempre, I have to concentrate on my work there so I decided na parang it would be more beneficial to my career na mag-freelance.

"Mas nag-e-enjoy ako kasi I can control my time. If I wanna travel, I can travel. If I wanna work, I work."

ON-THE-JOB TRAINING. Natuto siyang maging stylist through first-hand experience.

"Even since high school, I was styling for magazine [shoots]. Pero to learn talaga and to make contacts was really when I was working in Preview. Doon talaga ako natuto about the industry, yung ins and outs of the industry."

Naniniwala siyang kahit sino sa mga kasabayan niyang stylists ay wala ring degree o certificate sa propesyong ito. Sa work experience lang daw niya nakuha ang trabaho ngayon, gaya ng pagpunta sa mga pictorial o commercial shoots.

Paano niya nakikita kung anong style ang dapat kay Ruffa, kay Maricar, kay Andi, para hindi sila nagkakapareho?

"It depends on their personality, e" sagot ni Alyanna. "Parang you have to compromise their personal style and what you envision. For example, yung character nila or the occassion. It's really, ano, how you work together and not completely one way.

"Si Ruffa is more trendy, glamorous. She wants to be glamorous and sexy. Maricar naman is very classic, chic. Yung peg niya parang Audrey Hepburn and Grace Kelly. And then Andi naman bagets naman na trendy, pero parang a younger version of Ruffa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DIDN'T USE CONNECTIONS. Ayon kay Alyanna, imbes na maging madali para sa kanya ang pagtrabaho sa showbiz, dahil anak siya nina Albert Martinez at Liezl Muhlach at apo naman ni Amalia Fuentes, "it doesn't make it easier."

Hindi naman daw sa naging "roadblock pero it made it more [of a] challenge. You have to prove yourself more kasi some people thought, 'She probably got that job kasi yung parents niya kilala or whatever.'

"But if they only know when I started out I didn't use any connections. When I applied in Summit [Media, publisher ng Preview at PEP], no one knew that my parents nga are...they found out eventually. Pero like I'm proud to say that I did it my own way, I didn't ask for help from anyone."

Natarayan na ba siya ng isang artista dahil ayaw niya ang ipinapasuot sa kanya, pagkatapos ay biglang nahimasmasan dahil na-realize niya na anak pala si Alyanna ni Albert at apo ni Amalia Fuentes?

"With artistas? That's why I'm lucky, I don't know [if] it's because they know my parents at nadyadyahe sila. But so far, I haven't had any experience na tinatarayan ako ng artista. I've heard it from other stylists na nangyayari sa kanila yun, pero sa akin hindi, e.

"I'm nice naman kasi. Kung mangyayari yun sa akin, I don't know, kasi I'm not naman confrontational. Hindi rin ako mataray, dedma. It's either bad mood sila or...wala akong magagawa. Just do your job.

"Basta ako, for as long as the client is happy, whoever the client may be, either para sa endorsements nila or themselves, basta happy."

DAD MOST DIFFICULT CLIENT. Nag-stylist na rin ba siya para sa daddy niyang si Albert?

"Yeah, yung last soap niya, yung Kung Tayo'y Magkakalayo. And then pag may mga event siya, ganun...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually I thought it would be easier because he's my dad. Pero I realized mas mahirap pala. Kasi yung dad ko, for some reasons, siya yung pinakamaarte kong client as in, for sure! Very choosy siya.

"Sa mga girls kasi, pretty much I decide lahat and then they like it. Pero sa dad ko, parang dami niyang comment. He likes it a certain way na dapat ganun talaga. So, parang very particular siya about the fit, about the brand, tela, lahat-lahat! Hehehe!"

Natatawa lang daw ang ina niya sa mga clashes nila. Dati, pumupunta pa si Alyanna sa tapings ni Albert kung siya ang stylist nito.

"Kasi I drop by to check it, ganyan. Pero I stopped going na. Parang if I just send it, walang problema. Pero if I'm there, parang papalitan niya.

"Yun ang peg ng director, e, we just want to follow. E, ayaw niya, he wants to style on his own. 'Bahala ka, basta I'm doing my job....'

"But I'm still doing pa rin styling for him pero hindi na tutok, I'll provide na lang... He tells me what he needs and then I'll provide. Pero hindi tutok talaga. Doon we clash!" masaya niyang kuwento.

WHY SHE'S NOT AN ACTRESS. Kung ihahambing sa ibang mga artista, mas maganda si Alyanna. Bakit hindi niya pinasok ang pag-aartista?

"Kasi my whole family is in showbiz na. OA na...para maiba naman," sagot niya. "I wanna make my own niche, my own branch naman.

"Wala naman akong negative impression sa showbiz. It's just that some people were born to act, probably like my dad, my mom, my relatives. Me talaga, I can honestly say I don't think I have entertaining talents talaga.

"I'm happier behind the scenes. Parang nai-stress ako when I am put on the spot or in front of the camera. I'm not relaxed. Meaning, I'm not happy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm happy making people look good but I don't have to worry how I look. Basta my client looks good, happy na ako."

Sinubukan daw ng kanyang nakababatang kapatid na si Alfonso ang mag-artista, pero hindi rin ito nagtagal. Naging contract artist ng Star Magic si Alfonso.

"Parang he tried it lang just to see. Ako kasi, I knew it from the very beginning, hindi ko talaga interest," sabi ni Alyanna.

Nagkaroon naman daw siya ng acting offers, pero tinanggihan niya. Two or three years ago, may inalok sa kanyang role na si Camille Prats ang gumanap sa bandang huli, pero hindi niya na matandaan ang title nito.

"I said talaga, I cannot act no matter what anyone says and I can't imagine myself acting in front of other people. I'm happy talaga doing what I'm doing right now, I'm contented na," diin niya.

Hindi raw masaya ang lola niyang si Amalia Fuentes sa pinili niyang trabaho sa showbiz.

"Parang sayang daw my effort. E, if this is what I enjoy doing, e. Like I said, basta you're doing something that makes you happy, then do it...

"Ayaw niya yung ginagawa ko in the beginning. Kasi feeling niya, it's not gonna get anywhere. I said, 'This is what makes me happy so this is what I'm gonna do," sabi ni Alyanna.

FAMILY CRISES. Noong matanong namin ang tungkol sa mga pinagdaanang tsismis ng pamilya niya, gaya ng nabalita noong paghihiwalay raw ng kanyang mga magulang, napangiti lang si Alyanna.

"Hindi naman, e, they're still together. Parang people can say whatever they want. I know naman what goes on at home and we're all happy," pagpapatunay niya.

Maging ang relasyong magbalae nina Albert at Amalia ay okey na raw, sabi ni Alyanna. Wala raw siyang nakikita o nababalitaang nagka-clash pa rin ang kanyang ama at lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa ina niyang si Liezl, na nagpa-mastectomy dahil sa breast cancer more than two years ago, "She's okey na now," ang sabi ni Alyanna.

"I think what happened to her... helped bring all the families on both sides closer together. Parang stop fighting, it's all petty, life is too short. You should enjoy every moment you have, di ba? Kasi you'll never know. Why waste your time fighting?"

Dagdag niya na kailangan pa ring matutukan ang kalagayan ng ina para masigurong hindi na babalik ang karamdaman nito. May nakapag-ulat noon na every three months nagpapa-medical check-up si Liezl sa bansa at every six months sa Singapore.

Kumusta na ang relasyon ng lola at mommy niya?

Noong pumutok ang balitang may karamdaman si Leizl ay nagsalita kasi sa telebisyon si Amalia at naglahad ng malaking tampo sa anak. (CLICK HERE here for related story.)

"I don't see what's the issue there. Kanya-kanyang feeling, there's nothing wrong with that," ang maikli niyang sagot.

CLOSE RELATIONS WITH GRANDMA. Malapit naman daw si Alyanna sa kanyang lola.

"Recently hindi kami nagkikita because I've been busy. Pero I'm close to her talaga. She's the usual lola na protective."

Kahit gusto raw na i-style ni Alyanna ang kanyang lola, hindi raw nito kailangan dahil mahusay raw itong magdala ng kasuotan. Natutuwa nga raw si Alyanna dahil binibigyan siya ng Lola Amalia niya ng mga vintage accessories nito at mga bags.

Ikinalulungkot lang niya na hindi sila pareho ng shoe size kaya hindi niya mahingi ang mga mamahaling sapatos nito.

Isa sa mga plano ni Alyanna ay ang pagtatayo ng sarili niyang boutique. Madalas raw kasi siyang mag-travel abroad at bumili ng mga kung anu-anong personal items, at madalas ding nagugustuhan ng kanyang mga kliyente ang mga ito at binibili sa kanya. Kaya kinarir na rin niya ang pagbili ng mga gamit para sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangarap din niyang magkaroon ng sarili niyang clothing line. Pero tatagal pa ito ng ilang taon bago magkaroon ng katuparan dahil busy pa siya sa pagiging stylist.

Twenty-four years old na si Alyanna at hindi niya ikinahihiyang never pa siyang nagkaroon ng boyfriend. May mga nanliligaw raw sa kanya, pero ayaw niya munang magkaroon ng boyfriend.

"Career first before lovelife" ang motto niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN