(UPDATED) Kris Aquino will leave Pilipinas, Win na Win!; four male singers to replace her

IMAGE 0


"I didn't resign or quit. I was asked to leave Win to make room for new male hosts. I'm honest and humble enough to not lie about the situation," says Kris Aquino about leaving Pilipinas, Win Na Win!.


Halos dalawang buwan pa lang umeere ang daily variety show ng ABS-CBN na Pilipinas, Win Na Win!, pero isa-isa nang nawawala ang mga host nito.

Pagkatapos ng bagong kasal na sina Robin Padilla at Mariel Rodriguez, iiwan na rin ni Kris Aquino ang programa.

Ayon sa Twitter post ng Queen of All Media kaninang umaga, September 28, huling linggo na niya ngayon sa Pilipinas, Win na Win! Sa Biyernes, October 1, ang huling araw niya bilang main host ng programa.

"Friday is my last day on Win na Win. It was a good work & learning experience for me, but it's time to go..." saad ni Kris.

Sa sumunod na post ni Kris ay nilinaw niya na hindi siya nag-resign o nag-quit.

Aniya, "May I just clarify —I didn't resign or quit. I was asked to leave Win to make room for new male hosts. I'm honest and humble enough to not lie about the situation."

Nagsimulang umere ang Pilipinas, Win Na Win! noong July 31, 2010. Ito ang pumalit sa timeslot ng dating noontime show ni Willie Revillame na Wowowee.

Sina Kris at Robin ang main hosts ng programa. Kasama nila ang dating co-hosts ng Wowowee na sina Pokwang, Valerie Concepcion, at Mariel.

Isang linggo pa lang magmula nang umere ang Pilipinas, Win Na Win! ay nagpaalam si Robin para mag-leave of absence ng dalawang linggo. Ang ibinigay na dahilan noon ng action star ay para makapag-obserba ng Ramadan (o pangingilin ng mga Muslim). (CLICK HERE to read related story.)

Pagkatapos ni Robin ay sumunod na nag-leave of absence si Mariel. Sinundan ni Mariel si Robin sa India kung saan sila nagpakasal noong August 19.

Hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik sa show sina Robin at Mariel. Pansamantala silang pinalitan ng mga comedians na sina Chokoleit, Pooh, at Jayson Gainza.

Ayon pa sa twit ni Kris, after this week ay may mga isu-shoot siyang commercials. Habang hinihintay niya ang script sa gagawin niyang pelikula para sa Star Cinema, ang Dalaw, gagamitin daw niya ang panahon upang makapagpahinga at makapagdasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm gonna give myself some time to de-stress, de-compress & pray. Doing my version of Eat Pray Love, mine is Exercise Pray Heal," sabi ni Kris.

UPDATE. Ngayong hapon, isang statement ang ipinadala ni Mr. Bong Osorio, ang head ng Corporate Communications department ng ABS-CBN. Sinabi niya na sina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison and Nonoy Zuniga ang apat na male hosts na magiging parte ng Pilipinas, Win na Win! Kinumpirma rin nito na sa Biyernes, October 1, nga ang huling araw ni Kris bilang host sa naturang programa.

Ito ang buong statement na pinadala ng Kapamilya Network:

"October 1 ang huling araw ni Ms. Kris Aquino sa "Pilipinas Win na Win." Nagdesisyon ang management na subukan ang isang bagong kumbinasyon ng mga host sa programa. Ang Hitmakers na kinabibilangan nina Rico J. Puno, Rey Valera, Marco Sison at Nonoy Zuniga ay sasamahan sina Pokwang at Valerie Concepcion sa Pilipinas Win na Win sa October 2 upang ipagpatuloy ang pagbibigay ng aliw, tuwa, laro at pag-asa sa mga Pilipino sa buong mundo."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN