Mariel Rodriguez vs. Kapamilya stars: Who is telling the truth?

IMAGE 0


Mariel Rodriguez is now caught in a web of contoversies involving Luis Manzano, Anne Curtis, Vice Ganda, KC Concepcion, and her close friend Toni Gonzaga. While Mariel keeps saying that she doesn't know and understand what the issues are, these stars say otherwise.


Last week, September 26, ay ipinalabas sa The Buzz ang pagsagot ni Mariel Rodriguez sa iba't ibang isyung kinakaharap niya na may kaugnayan sa pagpapakasal nila ni Robin Padilla.

Kasama rin dito ang pagpapaliwanag niya tungkol sa dumaraming Kapamilya stars na nakakaalitan daw niya—na kinabibilangan nina Luis Manzano, Anne Curtis, Vice Ganda, KC Concepcion at ang kanyang matalik na kaibigan na si Toni Gonzaga. (CLICK HERE to read related story.)

Kahapon, October 3, ay ipinalabas sa The Buzz ang buwelta naman ng mga naturang stars tungkol sa mga sinabi ni Mariel.

LUIS MANZANO. Nagsimula ang isyu kina Luis at Mariel dahil sa umano'y panlalaglag daw ng TV host-actress kay Luis, na kaibigan niya at minsa'y naging co-host niya sa Wowowee.

Ayon sa balita, nakarating diumano kay Robin ang insidente kung saan muntik nang halikan ni Luis si Mariel sa Wowowee. Dahil dito, tumawag daw si Robin para kumprontahin si Luis. Balitang agad na itinanggi raw ito ni Luis kay Robin.

Subalit ayon sa intriga, nalaman diumano ni Luis na mismong si Mariel ang "nagsumbong" kay Robin. Bagay na ikinasama raw ng loob ni Luis.

Hirit ni Mariel: "What?! I don't even know that. I have no idea."

Buwelta ni Luis: Sa showbiz talk show na Entertainment Live noong Sabado, October 2, nagsalita na si Luis tungkol sa isyung ito.

Pag-amin niya, "Kung sabihin mong may issue ba kami ni Mariel, wala naman sigurong isyu sa aming dalawa. Siguro kaya kong sabihin, to be perfectly honest, siguro ako may konting tampo sa kanya."

Pagkaklaro pa ni Luis, ang umikot na balita tungkol sa pagkumpronta umano sa kanya ni Robin ay hindi totoo.

"Eto, kaya kong sabihin para maklaro rin ang pangalan niya. Never po akong tinawagan ni Binoe [palayaw ni Robin]. May lumabas kasi na isyu na tumawag sa akin si Binoe na medyo confrontational. Gusto kong i-clarify yun once and for all, never kaming nag-usap ni Binoe."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero ang tunay na dahilan ng tampo ni Luis kay Mariel ay ayaw na raw niyang idetalye pa. Pero may nabago raw sa samahan nila.

"Sabihin nating ganito, siguro may pinagbago, kung in terms of kung paano kami ni Mariel. Pero siguro hindi namin masisi dahil sa mga pangyayari sa mga buhay-buhay namin," sabi niya.

ANNE CURTIS & VICE GANDA. Sumunod namang bumuwelta ay sina Anne at Vice. Base sa mga balita, si Anne daw ang naglantad ng diumano'y hindi magagandang sinasabi ni Mariel tungkol kay Toni Gonzaga.

Hirit ni Mariel: "You know I was just texting with Anne the other day, never kami ni Anne nagkaroon ng isyu. Let's not drag Anne into this. How come everyone [is being involved]? That's my question, why everyone? I don't understand."

Buwelta ni Anne: Nang subukang kunin ng The Buzz ang panig ni Anne tungkol sa isyu, nakakagulat at makahulugan ang naging reaksiyon ng aktres: Tinalikuran lang ni Anne ang staff na nagtatanong sa kanya.

Buwelta ni Vice: Sa isang banda naman, si Vice Ganda—na naging tulay umano kaya nakakarating kay Toni ang masasakit na salita mula kay Mariel—ay nagsabi:

"Bilang kaibigan ni Toni at kaibigan din naman ni Mariel, alam ko kung ano ang nangyayari sa kanila. Yun lang. Pero yung sangkot, na kaya sila nag-away nang dahil sa akin, walang katotohanan yun."

KC CONCEPCION. Nag-ugat naman ang intriga kina KC at Mariel dahil kinukuwestiyon umano ni Mariel kung bakit may sariling show agad si KC, ang Simply KC, gayo'ng mas nauna raw siya sa showbiz.

Hirit ni Mariel: "I have no issue with KC at all. I was so surprised. Natatandaan ko, ako pa nga yung unang-unang nag-guest sa Simply KC. Natatandaan ko na tuwing maganda siya sa The Buzz, lagi ko pa siyang pinupuri. Bakit naman nilalagyan ng mga tao ng masasamang [isyu]? I don't know what the issue still is. I really don't know, but I have no issue at all with KC!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagbigay pa ng mensahe si Mariel para kay KC regarding the issue.

"Thank you, kasi never siyang nagpakita sa akin ng kahit na anong masama. On my part, I don't think rin na meron akong nagawa sa kanya o napakita na masama.

"I even remember saying na 'ang galing niya.' Siya ang unang nakapansin nito," ani Mariel bilang pagtukoy na si KC ang unang nakapansin sa engagement ring nang mag-guest siya sa The Buzz.

"I don't know what the issue is. Thank you, kasi wala rin siyang sinabing masama. I respect her."

Buwelta ni KC: Bilang isa sa hosts ng The Buzz, live na sinagot ni KC ang mga sinabing ito ni Mariel.

Maski siya ay naguguluhan din kung ano ba ang totoong isyu sa kanila ni Mariel. Marami lang daw kasi siyang naririnig.

Aniya, "Sa mga narinig ko, she was saying some things about my show, yung Simply KC. Bakit daw ako may show?

"Ang masasagot ko dun, hindi ko narinig yun straight from her, usap-usapan yun.

"At the same time, kung totoo man yun, mahal ko yung show ko, mahal ko yung trabaho ko, in the same way na mahal niya yung trabaho niya.

"And hindi rin involved yung mom ko [Sharon Cuneta]. So, hindi naman siguro dahil sa kanya kaya naibigay sa akin yung show.

"But let's all be happy with each other. I'm happy for her because she has her lovelife, her personal life. Kung totoo man yun, let's all be happy with each other kasi each of us, meron tayong io-offer sa mga audience, sa mga taong nanonood sa atin."

Hindi pa raw sila nagkakausap nang personal ni Mariel.

"Ang dami ko kasing naririnig, so I don't know how to react. Where do I start? Kasi parang she's denying it. She said, she never said anything.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero marami rin naman akong naririnig not just from one person, sa totoo lang. And ako kasi, I'm very direct.

"Sabi ko nga kina Charlene [Gonzalez, The Buzz co-host], kung totoong friend ka...kasi nagte-text naman kami before. O kahit hindi mo ako kaibigan, kung meron kang gustong sabihin tungkol sa akin...

"Kung kaya mong sabihin sa ibang tao, dapat kaya mo ring sabihin sa harap ko."

Bilang manager at kaibigan ni Mariel, sinabi naman ni Boy Abunda na matapos daw ang The Buzz interview, tatlong beses niya raw tinanong kay Mariel sa iba't ibang pagkakataon kung may problema ba ito kay KC.

Tatlong beses rin daw na pareho ang naging sagot nito, "Wala."

Para tuloy kay KC, hindi na raw niya alam kung sino at ano ang kanyang paniniwalaan.

"Personally, hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan," sabi ni KC. "She's been denying it. And I know if I confront her, she'll be denying it nang harap-harapan.

"Pero kasi hindi kasi maiiwasan yung doubt, na bakit ang daming hindi magkakakilala na nagsasabi sa akin, na may sinabi siya sa akin na iba-iba. Yun lang. But I'm not saying na kinu-confirm ko na siya [ang nagsabi nun]."

TONI GONZAGA. Sa lahat ng mga taong nakaalitan ni Mariel, kay Toni Gonzaga raw talaga nasasaktan si Mariel dahil malalim ang kanilang pinagsamahan.

Hindi lang sila naging magkatrabaho sa maraming Kapamilya shows kundi naging matalik pang magkaibigan.

Matatandang naunang nagsabi si Toni ng sama ng loob niya kay Mariel sa presscon ng Kokey@Ako.

Hindi man idinetalye ni Toni noon ang ugat ng pinag-awayan nila ni Mariel, ayon sa mga naisulat na bali-balita ay may sinabi diumano si Mariel na ikinasama ng loob ni Toni.

Pakiramdam daw ni Toni ay na-betray siya. Dinamdam ito ni Mariel at sinabing never siyang nag-traydor sa kanyang mga kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit ni Mariel: "Gusto kong maalala yung friendship namin ni Toni for how it was. Pinapahalagahan ko ang mga kaibigan ko. Marunong akong mag-value ng kaibigan.

"I never said I was perfect, but I know in my heart and I'm sure lahat ng mga naging kaibigan ko at mga kaibigan ko—alam nila na ni minsan wala akong kaibigan na trinaydor. I've been a good friend."

May mensahe pa si Mariel kay Toni: "Toni was like a sister to me. I'm not here para makipag-away. I'm here to entertain people, to spread peace, love and happiness.

"That's my message for Toni—love and happiness."

Buwelta ni Toni: Absent sa The Buzz si Toni last week nang ipalabas ang interview kay Mariel, kaya kahapon lang siya nagkaroon ng pagkakataon na magsalita.

Ani Toni, "I guess, siguro para sa akin, once and for all, a lot has been said and done. Marami na ang naisulat, marami na ang nagbigay ng opinyon, marami na ang nag-pass ng judgment.

"Sa lahat ng mga taong na-involve, pinili na nina Anne, Luis, Vice na huwag nang magsalita pa kasi mas lalaki pa, mas marami pang taong mai-involve, masasaktan.

"Siguro one thing that I would take away from this whole experience is that I learned so much about the guys in the industry, about friendships.

"And that's one thing siguro na babaunin ko siguro yung mga natutuhan ko dito sa mga naranasan ko."

Makahulagan naman ang naging pahayag ni Toni, nang mapadako ang usapan nila kung nakapag-usap ba sila ni Mariel.

Sinabi ng actress-singer-host: "Okay yung confrontation, e, okay yung diretsahan, e.

"Pero ang hirap at hindi ka mananalo kapag ang kausap mo ay hindi na nagsasabi ng totoo.

"You will lose in an argument pag ang kalaban mo ay hindi na nagiging totoo sa iyo."

Tila may patama pa si Toni kay Mariel sa mga sunod pa niyang sinabi:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This will serve as a lesson not just for me but for everyone watching. Bakit nangyayari lahat at the same time? Bakit sunud-sunod?

"Because what you sow is what you reap.

"Yun ang sana baunin nating lahat—na kung ano yung tinanim mo kasi, magbubunga 'yan, e."

Sabi naman ni Boy, kinausap niya raw si Mariel pagkatapos ilantad ni Toni sa Kokey@Ako presscon ang tungkol sa sama ng loob niya kay Mariel.

"Inilatag niya sa akin," sabi ni Boy. "Pero hindi ako pupunta kay Toni, kay KC, para sabihin this is the side of Mariel. Hindi, ayoko talaga.

"Because I want peace. Naniniwala ako na bigyan lang kayo ng oras, magkakaayos kayo. Hanggang ngayon, 'yan ang paniniwala ko.

"Because ang pinakagrabe sa problemang ito ay it was you, Toni and Mariel, because you were closest.

"Sabi ko nga, ang hirap sumali sa problema na hindi ka naman talaga kasali. So, I was talking about my position.

"So, when Mariel said it was the last time she will talk about it, ako sinasabi ko with hope and a prayer na sana down the road, really one day, lalambot ang lahat, mapag-uusapan, mapagtatawanan.

"And Toni is right, we will remember our learnings."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN