Sam Pinto says she moved to GMA-7 because ABS-CBN has "so many stars"

IMAGE 0


Asked to give a birthday message to Sen. Bong Revilla, Sam Pinto said, "Happy, happy birthday. I can't believe I'm gonna be working with you, Sen. Bong Revilla. I'm so happy. Enjoy the night. You're making me drink but I don't want to drink."


Isa si Sam Pinto sa mga bisita ni Sen. Bong Revilla sa pagdiriwang nito ng kanyang 44th birthday noong Sabado, September 25, sa Manila Diamond Hotel sa Manila City. Ang ex-Pinoy Big Brother Double Up housemate ang leading lady ng action star sa pinakabago niyang pelikulang Agimat ni Enteng.

Sa kuwento ni Sam sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa iba pang entertainment press, okay na okay naman daw ang shooting niya kasama ang aktor-senador. Mabait daw ito at "laging nanlilibre."

"Kahit anong ibinebenta ng mga tao dun, he buys for everyone. Super nice talaga," sabi ng 20-year-old model turned actress.

Dagdag nito, "I feel so privileged to be working with him, Senator Bong Revilla. 'Tapos for Manila Film Fest pa 'to [Agimat Ni Enteng], so exciting. Very exciting."

Ayon pa kay Sam, hindi naman siya nahihirapang makipagsabayan sa kanyang leading man, kahit na pangalawang pelikula pa lamang niya ito. Ang unang pelikula ni Sam ay ang Petrang Kabayo starring Vice Ganda, na ipalalabas sa October 13.

"Actually may acting coach ako now, so she's helping me," paliwanag ni Sam nang tinanong kung paano niya hinahasa ang kakayahan sa pag-arte.

KAPUSO TO KAPAMILYA. Nagsimula si Sam sa ABS-CBN, at isa siya sa mga popular housemates ng Pinoy Big Brother Double Up. Kaya naman nagulat ang marami nang lumipat siya mula sa ABS-CBN papuntang GMA-7.

Paliwanang ni Sam, ang talent management agency niyang Viva raw ang nagdesisyon ng kanyang paglipat.

"I'm with Viva, di ba, so I think they know what's best for me. And then they think I have more opportunities in GMA, so go 'yon," saad niya.

Sa ngayon, napapanood si Sam sa longest-running gag show ng Kapuso network na Bubble Gang. Kasama rin daw siya sa nalalapit na Captain Barbell.

"I think I'm gonna be doing Captain Barbell with Richard Gutierrez. Actually, marami kami dun, e. Para kaming group na may superpowers," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong ng PEP kung ano ang reaksiyon ni Sam sa mga kritikong nagsasabing wala siyang utang na loob sa network na nagpasikat sa kanya.

Sagot nito, "I'm so thankful and grateful to ABS for giving me my break. But I guess, like I said, mas marami ngang opportunities dito [GMA-7]."

Wala rin daw silang samaan ng loob ng Kapamilya network. Aniya, "None at all. I love ABS, really."

Dagdag pa ni Sam, nararamdaman niya raw kasi na masyado nang maraming stars sa ABS-CBN.

"Actually, totoo naman, e. They have so many stars to begin with," sabi niya.

So, sa GMA-7, walang stars?

"Alam ko they need more girls," ang tangi nitong nasagot.

Ang last question ng entertainment press ay kung magpapaseksi nga ba si Sam matapos siyang lumabas sa FHM.

"After FHM, hanggang dun na lang siguro," sagot nito. "Kasi, wala lang. Feeling ko hindi ko kayang magpa-seksi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN