Sam Pinto shares her beauty secrets

IMAGE 0


Simple lang ang fashion style ni Sam Pinto. "Be comfortable in whatever you're wearing. Me? I just like shorts and T-shirt. Happy na ako dun," saad niya.


Tila walang hirap na napanatili ni Sam ang kanyang kagandahan kahit na magdamagan ang shooting niya para sa pelikulang Si Agimat at si Enteng Kabisote, na entry para sa nalalapit na Metro Manila Film Festival.

Biro ni Sam, hindi naman siya tinutubuan ng pimples kaya okay lang sa kanya ang nakakapagod na taping.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang 21-year old young actress sa taping ng Puso ng Pasko, ang bagong reality show ng GMA-7, noong Sabado, Nobyembre 20, sa isang construction site malapit sa SM Mall of Asia.

Ayon kay Sam, tulog lang daw ang katapat ng pimples. "Kasi kung puyat lagi, yun ang nagko-cause ng pimples, e. So for me, sleep lang talaga."

Dapat din daw gumamit ng sunblock. "Kasi skin is very sensitive sa sun. So yun lang."

Inirekomenda rin ni Sam ang paggamit ng toner. "Kasi, minsan, hindi pantay yung color ng skin. Yung toner, nagpapantay ng color ng skin. Brand? Actually, any toner will do really."

BEAUTY SECRET. Tinanong na rin ng PEP kung ano ang ginagamit ni Sam na produkto para sa kanyang mahabang buhok. Tumangging magbanggit si Sam ng mga brand, pero ibinulgar niya ang kanyang beauty secret.

"I suggest ano na lang, mayonnaise," saad ni Sam. "Mayonnaise, yes! Because it makes your hair super straight, super shiny. The catch is, it's very smelly. Pero sobrang ganda ng buhok mo."

Natutunan daw niya ang technique na ito sa kanyang ina.

"Dati ayoko yung mga chemical chemical. I'm scared of that, so I asked my mom. Yun, mayonnaise daw. Sabi din ano, castor oil," saad niya.

Paano ba gagamitin ang mayonnaise para sa buhok?

"On dry hair, you put mayonnaise bago maligo. You leave it on for like, 30 minutes. And then you shampoo," sagot niya.

Kailan ba ito dapat gamitin?

"Actually, anytime naman. Whenever I feel like my hair needs it," sagot pa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN