Bb. Pilipinas-World Czarina Gatbonton will proudly defend the country when asked about the hostage-taking crisis

IMAGE 0


2010 Bb. Pilipinas-World Czarina Catherine Ramos Gatbonton will represent the country in the Miss World competition that will take place in Sanya, China on October 30.


Hindi maiaalis ang matinding kaba sa dibdib ni 2010 Bb. Pilipinas-World Czarina Catherine Ramos Gatbonton dahil sa October 30 na ang Miss World Pageant na gaganapin sa Sanya, People's Republic of China.


Ginanap sa Gateway Suites, Gateway Mall in Cubao, Quezon City last Tuesday, September 28, ang send-off party para kay Czarina ng Bb. Pilipinas Charities, Inc.

Ang mga tinanong sa kanya ay kung paano niya haharapin ang press sa China dahil fresh pa sa isipan ng maraming tao sa buong mundo ang August 23 hostage-taking sa Quirino Grandstand, na ikinasawi ng walong turista at ang karamihan ay taga Hong Kong.


Ayon kay Czarina, haharapin niya at sasagutin nang maayos ang mga itatanong sa kanya ng Chinese press, lalo na kung tungkol sa hostage-taking ang itanong sa kanya.


"Magiging honest po ako sa kanila. There's no reason for me to be afraid of them or not answer their questions. Pupunta ako roon to represent our country at taas-noo kong ipagmamalaki na Pinoy ako.


"Sa kahit anong bansa naman ay may nangyayaring ganyang gulo. Hindi tayo dapat mahusgahan lahat ng dahil sa pangyayaring iyon."


Malaki ang expectation sa kanya ng marami dahil nga sa pagiging 4th runner-up ni Maria Venus Raj sa nakaraang Miss Universe Pageant sa Las Vegas.


"Oo nga po. Malaking pressure for me," sabi ng 19-year-old beauty queen. "Kumbaga, tough act to follow ang ginawa ni Venus. But I will do my best. Gagawin kong inspiration si Venus. At siyempre, hindi ko makakalimutan ang magdasal.


"Marami akong nakuhang advice from Venus at hindi siya talaga nagdamot ng mga nalalaman niya. Marami siyang nai-share sa akin kung paano makitungo sa mga fellow candidates ko, kung paano ko daldahin ang sarili ko. Basta maging totoo lang daw ako sa sarili ko at mag-enjoy daw ako sa gagawin ko.


"Pero pinaka-best advice na natanggap ko ay galing kay Ms. Gloria Diaz [Miss Universe 1969]. Sinabi niya sa akin ay 'Relax and be yourself. Think like a winner!'" ngiti pa beauty queen from Bulacan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Alam ni Czarina na hindi pa nasusungkit ng Pilipinas ang Miss World crown. Pero she will do her best para ma-impress ang mga hurado.


"Six months po akong dumaan sa training for Miss World. I've met and worked with a team of great people. Marami akong natutunan sa kanila. Plus I did my own research about the pageant at sa bansa na pagdarausan nito. Kaya masasabi ko na well-equipped na ako for the pageant.


"Marami kasi kaming mga activities sa Miss World before and during the pageant. Kailangan maging impressive ka sa mga gagawing activities. Ako naman, ready ako sa anong ipagawa sa amin.


"I will always be positive and will think that I already have won the Miss World title. Kaya I need lots of prayers mula sa ating mga kababayan."


BULACAN NATIVE. Tulad ni Venus Raj, simple lang ang naging buhay ni Czarina Gatbonton. Lumaki siya sa isang isla sa Pamarawan, Malolos, Bulacan. Isang fisherman ang kanyang ama. Pinagmalaki nga ni Czarina na tumutulong siya sa kanyang ama sa paghuli ng mga isda.


"Yun ang naging kabuhayan namin sa isla. Ang pangingisda ang gawain ng lahat doon," ngiti pa niya.


"Isda ang naging buhay namin. Kaya alam ko ang lahat ng pangalan at hitsura ng mga iba't ibang klaseng isda. Binebenta namin sa palengke at okey naman ang kita namin. Kaya nga lahat ng alam kong lutuin ay may kinalaman ang isda. Specialty ko ay sinigang na bangus sa sampalok at bola-bolang bidbid."


Hindi pa nga nakakapagtapos ng kanyang pag-aaral si Czarina, pero pangarap niyang matapos ang kanyang Hotel and Restaurant Management course kapag malaki na ang kanyang naipon.


"Dream ko ang magkaroon ng sarili kong restaurant. Yun ang gusto kong business ng family ko. At siyempre, puro isda ang magiging specialty ng restaurant namin," tawa pa ni Czarina Gatbonton.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN