Maxene Magalona knows how to tell Dominic Roco apart from twin brother Felix

IMAGE 0


"Kilalang-kilala ko si Dom. He has a bigger body than Felix. Quiet din siya, pero sa akin, makulit siya. Comfortable na kasi kami sa isa't isa," Maxene Magalona says about how she distinguishes rumored boyfriend Dominic Roco (inset above) from his twin brother Felix.


Inabutan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang inimbitahang showbiz press na naka-wedding gown si Maxene Magalona sa set ng Trudis Liit kahapon, September 30, sa Lake View Hotel, Aguinaldo Highway, overlooking Taal Lake.

Para sa eksena niya iyon as Ched na ikakasal sa isa sa dalawang leading men niya, played by Mike Tan as Migs at Ian Veneracion as Ronnie.

Hindi na muna ire-reveal ng PEP kung kanino nga napunta si Ched. Kumustahin na lang natin kung ano nga ba ang nararamdan ngayon ni Maxene sa pagtatapos na ng Trudis Liit.

"Nakakalungkot," banggit muna ni Maxene. "Naging very close kami talaga with each other after five months na magkakasama kami halos araw-araw.

"Lalo na si Trudis [Jillian Ward], siya ang energizer bunny namin. Siya ang panggising namin, lalo na kung medyo inuumaga na kami ng taping. Very close kami ni Trudis kasi ako ang tagapagtanggol niya lagi sa show."

STRONG FRIENDSHIP WITH PAULEEN. Kung very close sila ni Jillian, ganun na rin ba sila ni Pauleen Luna? Masaya na ba siya na naayos na ang naging problema nila noon?

"Nakakatuwa nga po, kasi ayos na ayos na kami ni Pauleen, at dito sa taping, nabuo ang strong friendship namin ni Pauleen, ni Tita Gina [Alajar], dahil lagi kaming magkakasama sa bahay na gamit namin sa taping. Mami-miss kong lahat iyon. Hopefully, magkasama-sama ulit kami sa susunod na projects namin."

Napansin namin na marunong na siyang umiyak ngayon, lalo na kung heavy drama ang eksena niya sa Trudis Liit.

"Opo, kung noon naging problema ko talaga na hindi ako marunong umiyak, ngayon madali na lang. Siguro dahil nahahasa na rin ang acting ko. Marami na rin akong experiences sa mga nagawa kong soap. Marami na akong pinaghuhugutan ng emosyon," pagmamalaki ni Maxene.

ALL KAPUSO. Ano ang feeling niya na halos nasa Kapuso network na silang magkakapatid–siya, si Elmo, si Sab, at si Arkin?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nakakatuwa nga po. Si Kuya Frank na lang ang ayaw pasukin ang showbiz, saka ang bunso naming si Clara who's only nine years old. Mahiyain kasi si Kuya Frank, pero dahil Fine Arts siya, tumutulong siya sa pagdi-design ng T-shirts na family business namin.

"Si Sab, nag-audition na iyan for a role sa Grazilda pero hindi siya nakuha dahil masyado raw bata ang face niya for the role. Pero ngayon, nag-audition ulit siya sa Koreana at nakuha siya. Siya ang kontrabida ni Kris [Bernal]. Nag-start na rin silang mag-taping.

"Si Arkin naman, noon pa 'yan lumalabas sa GMA-7, batang Dingdong Dantes, pero nakakatuwa kasi marunong na rin siya talagang mag-rap, nakikipagsabayan na siya kay Elmo.

"Wish ko nga po na magkaroon kami ng isang project o isang TV show na magkakasama kaming apat. Pero I'm here to guide and support them, to give advice. Feeling ko, iyon ang role ko ngayon.

"Our mom [Pia Magalona] is our manager at noong ako pa lang ang nag-aartista, nariyan si Papa [Francis] na siyang nagga-guide sa akin, nagbibigay ng advice. Ngayon ako naman sa mga kapatid ko."

DOM AS LEADING MAN. Wala pa raw siyang susunod na project sa Trudis Liit. Biniro siya ng PEP na kung sakali, sino ang gusto niyang maging leading man? Puwede rin ba ang special friend niyang si Dominic Roco?

"Kahit sino po naman puwede, kahit iyong mga nakatambal ko na. Si Richard [Gutierrez], si Geoff [Eigenmann], si Wendell [Ramos]. Iyang si Mike, na first time daw siyang nagbida at ako pa ang leading lady niya. Puwede rin po si Dominic, he's a very good actor, marami po siyang naituro sa akin sa acting," sagot ng dalaga.

Hanggang sa ngayon nga, wala pang inaamin ni Maxene sa tunay nilang relasyon ni Dominic. Pero nakikita raw silang foursome–siya at si Dominic, si Glaiza [de Castro] at ang boyfriend nitong si Felix, ang twin brother ni Dom.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"True po iyon, we always hang out, kasama pa ang iba naming friends. Masaya na kami na maglaro ng video games, minsan sa condo unit ko, o sa bahay ni Glaiza."

MAXENE'S CURRENT STATUS. Pero ano ba talaga ang status niya ngayon?

"My status is still single. I'm not looking for a relationship right now. Basta ang gusto lang namin ni Dom, makapag-focus sa aming mga work."

May isa pang issue na ipinagagamit daw niya ang kotse niya kay Dominic. Totoo ba ito?

"Iyon po ang gusto kong linawin dahil nasulat nga raw iyon. May sarili pong kotse si Dom, pero mahirap lang po kapag pareho silang may taping ni Felix. Kaya ang nangyayari, ihahatid lang siya ng kotse.

"Minsan, lalabas kami, may taping siya, kaya sinundo namin siya at saka sama-sama na kaming nanood ng sine. May driver po ako kaya hindi puwedeng nakita nilang si Dom ang nagda-drive ng kotse ko," paglilinaw pa ni Maxene.

HOW TO KNOW WHO'S WHO. Hindi ba siya nalilito kina Dominic at Felix?

"Hindi po, kilalang-kilala ko si Dom. He has a bigger body than Felix. Quiet din siya, pero sa akin, makulit siya. Comfortable na kasi kami sa isa't isa.

"Matagal ko na rin siyang kilala, noong ginagawa ko pa ang Kamandag with Richard. Magkasama kami roon. Akala ko nga suplado siya, hindi pala, very shy lang siya talaga. Kaya tinuruan ko siyang maging sociable sa ibang tao, lalo na sa mga nakakasama niya sa trabaho.

"Ang itinuro naman niya sa akin, hindi ako dapat matakot sa acting, huwag akong matakot ipakitang umiiyak ako."

Biro tuloy kay Maxene, bagay nga sila sa isa't isa dahil kung shy si Dom, siya naman ay very vocal makipag-usap sa mga tao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN