Kristoffer Martin reveals his crushes among the girls of Tween Hearts

IMAGE 0


"Nandito na ang loyalty ko. Nagkaroon na rin po ako ng pangalan dito. Dahil sa GMA, kahit paano, sumikat po ako," says Kristoffer Martin.


Sa edad niyang 15 years old, aminado ang teen star na si Kristoffer Martin na nagkaroon na siya ng past relationships.

Kuwento nga niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal), "Nagkakaroon po ng girlfriend. Mature na akong... Well, hindi naman sa mature nang mag-isip, pero marunong na akong tumayo sa sarili kong paa."

Naka-ilang girlfriends na siya?

"Hindi ko po alam kung four or five," sagot ni Kristoffer. "Hindi ko naman po sineseryoso yun dahil sabi rin po ng mommy ko, huwag daw po akong magseryoso."

Thirteen years old pa lang daw siya, o second year high school, nang magsimula siyang magkaroon ng girlfriend.

YOUNG DINGDONG. Kung matatandaan, si Kristoffer ang gumanap na young Johnny o young Dingdong Dantes sa primetime series na Endless Love, na malapit nang magwakas. Marami ang nakapansin sa husay na ipinakita niya sa pagganap ng naturang role.

Sa palagay ba niya ay may nabago sa kanya pagkatapos siyang mapanood bilang batang Johnny?

"Wala naman po," sabi niya. "Sa akin, wala, pero sa ibang tao, 'Uy, si Johnny, si Johnny!' Yun ang nagbago.

"Kapag lalabas ako ng bahay, si Johnny, pa-picture, taping... yun po ang parang naging daan para makilala ako, sa Endless Love po."

Si Dingdong din daw among the actors ang iniidolo niya bago pa man ang Endless Love.

"Before pa lang, bago pa lang mag-Endless Love, si Dingdong na ang gusto ko. Kasi kapag umaarte siya, natural. Tapos, ang lakas ng impact niya sa tao. Kaya sana, balang-araw, ganun din ako."

Nabigyan din daw siya ng advice ni Dingdong.

"Sabi po niya, 'Natural lang dapat sa pag-arte. Kapag uma-acting ka, huwag mong pepekein. Huwag mong pipilitin ang isang eksena.'"

Ano ba ang ine-expect niya pagdating sa kanyang career?

"Sa ngayon po, ayoko pong mag-expect," sagot niya. "Katulad po ng sinasabi ko sa mga past interviews, ayoko pong mag-expect kasi mamaya, kapag nag-expect ako, wala naman po palang mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least, kahit papaano, kapag hindi ako nag-expect at wala namang naibigay, okay lang."

KATHRYN BERNARDO. Sa bagong youth-oriented series ng GMA-7 na Tween Hearts ay kasama ni Kristoffer sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza, na gumanap bilang batang Dingdong at Rhian Ramos sa Stairway to Heaven.

Pagkatapos ng Stairway to Heaven ay na-push nang husto ng GMA-7 ang team-up nina Joshua at Barbie at nabigyan ng napakaraming follow-up projects.

Sa kaso ni Kristoffer, una siyang ipinareha kay Kathryn Bernardo sa Endless Love. Pero dahil nagbalik si Kathryn sa ABS-CBN—kung saan siya ang bida sa remake ng Mara Clara—ay nawalan ng chance na ma-push sana ang team-up nila.

Ano ang naramdaman niya nang bumalik sa Kapamilya network si Kathryn?

"Nalungkot," pag-amin ni Kristoffer. "Kasi, established na kami as love team. Medyo sanay na akong katrabaho siya kasi, parang...

"Iba kasing mga past shows ko, kapag may ganyan, hindi ako makatingin sa mata ng ka-pair ko. Pero kay Kathryn, parang ang dali. Kaya ganoon din po kaganda ang kinalabasan."

Nagkagusto o nanligaw ba siya kay Kathryn?

"Hindi naman po," nakangiti niyang sagot. "Parang tropa, para ko siyang kapatid. Tapos yun, nakakabiruan, nakakaasaran.

"Hindi ko po siya niligawan kasi ayaw niya. Pero ayaw ko rin.

"One time kasi, curious lang ako, tinanong ko siya kung nagka-boyfriend na ba siya. Sabi niya, hindi pa."

LOYAL TO KAPUSO. Ayon kay Kristoffer, nauna kasing nag-offer ang ABS-CBN kay Kathryn kung kaya't nanatili itong Kapamilya. Sa part naman ng teen actor, mas gusto raw niyang maging Kapuso bagamat pareho sila ni Kathryn na nagsimula sa ABS-CBN.

"Nandito na ang loyalty ko. Nagkaroon na rin po ako ng pangalan dito. Dahil sa GMA, kahit paano, sumikat po ako.

"Sa ABS naman po, naintindihan naman po nila. Kasi, wala nga raw pong maibigay na role sa akin dahil nasa awkward stage nga raw po yung age ko kaya nga raw po, okay lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre po, masaya po ako na meron akong project ngayon," saad ni Kristoffer.

NEW PARTNER. Sa Tween Hearts ay may bagong kapareha si Kristoffer—ang anak ni Maritoni Fernandez na si Lexi Fernandez. Tanong ng PEP kay Kristoffer: sa tingin niya ba ay magki-click din sila ni Lexi tulad ng naging team-up nila ni Kathryn?

"Sana, kasi sayang din naman. Sana kung ano ang naging pagtanggap sa amin ni Kathryn, sana ganun din sa amin ni Lexi," sagot ni Kristoffer.

As for the rest of the cast members of Tween Hearts, feeling daw niya ay ka-bonding na niya ang lahat.

"Sobra po, barkada na kaming lahat. Yung bonding namin, akala mo, magkakapatid na kami.

"Actually, lahat naman po kami, parang sa una, parang wala lang, parang nagkakahiyaan lang po lahat. Tapos yun po, tumagal-tagal, nagkaayos kaming lahat, then bonding. At ang tingin na po namin sa lahat, magkakapatid."

Meron ba siyang crush among the girls sa cast ng Tween Hearts?

"Hindi naman po mawawalan ng crush!" natatawa niyang sabi.

So, sino ang crush niya?

"Si Louise delos Reyes po at saka si Lexi," pag-amin niya.

"Si Louise po, kasi simple. Type ko sa isang girl, simple lahat. Simpleng ganda. Simple siyang gumalaw, tapos medyo childish.

"Si Lexi naman po, tahimik atsaka mestiza. Cute po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN