John Lloyd Cruz after nasty rumor: "What doesn't kill you would make you stronger."

IMAGE 0


"Hindi nakaapekto sa trabaho ko. Di ganung bagay ang makakaapekto sa work ko. Alam ko ang mga bagay na puwedeng makaapekto sa trabaho ko at hindi ito ang isa sa mga yun," said John Lloyd, in the aftermath of the malicious rumor that had him and girlfriend Shaina Magdayao "locked" in a compromising situation.


Pagkatapos ng ilang linggong pananahimik tungkol sa "locked" issue sa kanila ng boyfriend na si John Lloyd Cruz, two Sundays ago ay klinaro ni Shaina Magdayao sa programang The Buzz na walang katotohanan ang kumalat na balita at pinagtawanan lang nila ng boyfriend.

Maituturing na black propaganda ito laban sa mag-boyfriend na may wholesome image pa naman sa publiko. (CLICK HERE to read related article.)

When PEP (Philippine Entertainment Portal) and Cinema News got the chance to interview John Lloyd sa taping ng Imortal, agad naming tinanong ang aktor kung nakaapekto ba sa trabaho niya ang malisyosong balita, lalo't sunud-sunod ang taping niya para sa Imortal at shooting ng pelikulang pinagtatambalan nila ni Toni Gonzaga under Star Cinema.

"Hindi, hindi nakaapekto sa trabaho ko," sagot niya. "I mean, di ganung bagay ang makakaapekto sa work ko. Alam ko ang mga bagay na puwedeng makaapekto sa trabaho ko at hindi ito ang isa sa mga yun."

Ano ang reaksyon niya nang makarating sa kanya ang nasabing balita at ano ang reaksyon niya nang magsalita si Shaina sa The Buzz? Humingi pa ba ito ng permiso sa kanya?

"I really wanted to say something about it, I just didn't expect lang na it's gonna happen today. But I intend to say something about this kasi alam ko naman na mae-encounter ko ito, especially now na we have to do promos for Imortal.

"Di naman niya kailangang humingi ng permiso sa akin. Siyempre napag-usapan namin, naikuwento niya, basically yun lang naman. I know she can handle herself naman."

STRONGER RELATIONSHIP. Para kay John Lloyd, ang mga ganitong klaseng intriga ay sumusubok at lalo lang nagpapatatag sa relasyon nila ng girlfriend.

"What doesn't kill you would make you stronger," 'ika nga niya.

Sa mga interviews ni Shaina, panay ang mga papuri nito patungkol sa boyfriend. Sobra daw niyang naa-appreciate na lagi siyang sinusuportahan at pinaninindigan ni John Lloyd, lalo na sa katatapos na issue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's good to hear," sabi ng aktor. "Gagawin mo lang yung dapat mong gawin, gagawin mo ang lahat to make her feel alright, okay, so I guess I was just doing my part.

"'Saka whatever it is na gusto o dapat kong sabihin sa kanya, nasabi ko na."

Isang sexy, mature and daring na Shaina ang napapanood ngayon sa Precious Heart Romances Presents Alynna. Totoo bang pinagbawalan daw niya ang girlfriend to do sexy scenes?

"Wala ako sa lugar para mag-dictate sa puwede at gusto niyang mangyari sa career niya. Hinding-hindi ko gagawin yun," saad ni John Lloyd.

BUTTERFLIES IN HIS STOMACH. Magsisimula nang ipalabas ang Imortal this coming Monday, Oct. 4. Aminado si John Lloyd na nandoon ang kaba at pressure lalo't sequel daw ito ng Lobo na tinangkilik ng publiko.

"Kahapon, lumabas na yung balita at aaminin ko na talaga noong una, talagang nakakanerbiyos talaga at talagang pumasok na yung totoong takot at kaba, pero ang bilis napalitan ng excitement, e. Sobra akong na-excite at parang nagba-butterfly in my stomach, parang ganun yung dating niya.

"Nakaka-excite yung may elements of surprise na parang lahat tayo nasorpresa. Ang nakukuha ko sa kanya maganda, positive energy, sobrang positive ang nakukuha ko, kaya siguro ako nae-excite.

"Yung pressure, I think nakakatulong yun, tulong yun sa show. Kung sinuman ang mga taong sumuporta at tumangkilik sa Lobo, I'm sure aabangan nila itong Imortal. 'Saka nagawa namin yung dapat naming gawin para di sila bumitiw at makuha pa rin namin ang interes nila."

LEARNING FROM ANGEL. Masaya ring pinag-usapan namin ang magandang relasyon nila ng kaparehang si Angel Locsin.

"Sobrang okey kami. Talagang napakahusay niyang mag-alaga ng kapareha niya na minsan nga nakaka-challenge kasi ako yung lalake. Napaka-attentive and sensitive niya sa needs mo.

"Actually di lang as a leading lady. Kasi nakikita ko siya, di lang siya ganun sa akin. Pati sa ibang mga kaeksena niya, ganun siya. Ang ganda, ang ganda ng ugali niya, sa pakikisama niya sa lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa totoo lang, parang kay Angel ako natuto na it's about time na matuto akong mag-asikaso, mag-alaga ng mga leading ladies ko.

"Di naman ibig sabihin na dati di ako marunong. Kumbaga ngayon mas nag-e-exert ako ng effort to make my partner more comfortable. You make sure na okey ba siya. Halimbawa sa set, kumportable ba siya, nandun ba lahat ng kailangan niya? Natuto ako sa kanya na maging ganun."

Kinumusta din namin ang pelikula nila ni Toni, ang working relationship nila ng TV host-actress, at kung ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Direk Paul Soriano na sa lahat ng mga naging leading men ni Toni ay kay John Lloyd siya boto na makapareha ng girlfriend.

"Okey naman, tuluy-tuloy lang, but siguro nga because we have to promote for Imortal, ang narinig ko, baka medyo ma-hold muna kami nang kaunti.

"Si Toni, iba, iba rin ang dating niya, iba ang epekto niya sa iyo. Kay Toni, tawa lang ako nang tawa. Siguro sa kanya, effortlessly, napapatawa niya ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN